39

2.7K 41 0
                                    

Nagtapos ang pagdiriwang nang hindi lumalabas si Jane. Hindi nakapasok si Jayvee sa question and answer portion ngunit ganoon pa man ay proud pa rin ako sa kanya. Agad akong nagtungo sa backstage kung saan sila nagbibihis upang batiin siya. Nang makarating ako sa likuran ay hindi mahagilap ng aking paningin ang aking hinahanap. Nasaan siya? Alangan namang umuwi na iyon, baka may pinuntahan lang siguro. "AC!", bati sa akin ni Kyle.

"Huy, ngayon lang kita nakita, ba't 'di mo na ako dinalaw?"

"Medyo busy kasi eh"

"Ganon ba? Saan si Jayve?"

"Umuwi na"

"Umuwi?"

Ng mga panahon na iyon ay may kung anong kirot akong naramdaman sa aking puso. Ba't umuwi na siya? Hindi niya ba ako namiss? O baka naman nagsawa na siya kasi narealize niyang wala siyang mapapala sa akin. "Huy!", pagtawag sa aking atensyon ni Kyle. "Punta tayo sa bahay nila tara?", alok niya sa akin pero parang nagdadalawang isip ako. Hindi naman ako gustong makita ni Jayvee, uwi nalang siguro ako. "Tara na", pamimilit ni Kyle sa akin kaya naman ay wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya.

"Ba't pala wala si Jane kanina?"

"Ewan ko"

"Ikaw itong present nitong mga nakaraang araw pero ikaw ang walang alam"

"Close ba kami?"

"Nga naman"

"Pasa ba 'yang nasa pisngi mo o balat? Ngayon ko lang napansin eh"

"Balat"

"Balat? Eh bakit ganyan?"

"Nagtanong ka pa"

"So napano 'yan?"

"Nadapa ako"

"Ba't hindi sugat?"

"Tsssk! 'Wag ka na ngang maraming tanong"

--
Nang makarating kami sa sa bahay nila Jayvee ay bigla na lamang akong iniwan ni Kyle. "Nandun daw siya sa kwarto niya puntahan mo na, bye". Grabe naman 'tong taong 'to hindi man lang ba niya akos sasamahan sa pagakyat? Ngayon pang awkard ang sitwasyon namin ni Jayvee. Hindi naman niya ako pinapunta dito tapos ako bigla nalang susulpot nang walang pasabi. Dahan dahan akong oumanhik ng hagdan ng walang iniiwang anumang tunog. Nanginginig tuhod ko sa ginagawa kong 'to.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng kwarto niya. Idinikit ko ang aking tenga sa pinto upang pakinggan at pakiramdaman kung ano ang ganyang ginagawa. Baka nagmumukmok iyon, hindi kaya? Kung ako rin naman sa kanya medyo dadamdamin ko ang pagkatalo ko. "Jayvee", mahinahon kong tawag sa pangalan niya. Bumilang ako ng tatlo at nagsalita akong muli. "Jayvee, pasok na ako ha? ", nahihiya man ako ay kinapalan ko na ang aking mukha, basta makausap ko na siya. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang isang bagay na hindi ko inaasahan. "Ano to???!!!", sigaw ko ng buong pagkabigla. Hindi ko lubos na inaasahang magagawa sa akin ito ni Jayvee. Hindi ko deserve ng ganito. Nagsimulang tumulo ang aking mga luha at ibinuhos ang aking damdamin.

"Hindi mo ba nagustuhan?", biglang sulpot ni Jayvee mula sa aking likuran. Pinigil kong umiyak ngunit mas nananaig ito. "Ayaw mo ata, tanggalin nalang natin", dugtong nito. Hindi ko alam kung anong salita ang gagamitin ko upang sagutin siya. "Ayaw mo nga", humakbang ito at animo'y tatanggalin na ang mga lobo at pictures na pinagdidikit niya mula sa dingding hanggang sa kisame. "Huy ano ba!", pagpigil ko sa kanya hatak ang kanyang tshirt.

"Akala ko ba ayaw mo?"

"Hayaan mo nga muna ako mag emote"

"Kinilig ka?"

"Konti lang"

"Sus! Konti lang pala kaya ka umiiyak?"

"Ihhhh!!! Bwiset ka talaga!!! Ba't 'di mo sinabi???"

"Edi hindi na surprise kung sinabi ko"

"Thank you ha, alam ko hindi ko naman deserve na tratuhin ng ganito pero ginawa mo parin"

"Tsssk! 'Wag ka nga magisip ng ganyan, from now on ayoko nang naririnig sa'yo na ganyan ka lang, hindi mo deserve at kung ano ano pang negativities. Mahal kita AC at ayokong minamaliit mo sarili mo"

"Mahal din kita Jayvee, pero basta thank you! Thank you sa pagiging tapat at mapagmahal na boyfriend!"

Hinagkan ko agad siya at tuluyan nang napawi ang pangungulila ko sa kanya. Lubos ang saya ko dahil sa wakas magkasama na ulit kami, parang ilang years ang lumipas mula nang hindi kami makapag kita. Pero sa lahat ng ito ay may kasalanan ako sa kanya. Hindi niya alam na hindi ko alam na monthsarry pala namin ngayon!!! Ang sama ko talaga, buti nalang talaga sumama ako kay Kyle.

"Miss mo 'ko?"

"Oo, hindi mo nga ako dinalaw sa ospital"

"Sorry na, busy ako sa pageant tapos sa paghahanda sa monthsary natin, kaya lang natalo tayo eh, sorry"

"Luh! Okay lang 'yan panalo ka naman sa puso ko"

"Naks! Patingin nga?"

"Ayan nanaman po siya"

"Pakipot po oh"

"Ang dami mo pang sinasabi", hindi ko na siya hinayang magsalita at sinunggaban ko na siya ng halik.

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon