10

4.9K 101 2
                                    

It's been a tiring day for me. Nakahilata ako ngayon sa aking kama habang iniisip ko ang mga nanyari sa araw na ito. Baliw talaga mga 'yun pero aaminin ko sumaya ako ngayong araw na'to mula sa mga kulitan at asaran parang may kung anong napunan sa pakiramdam ko. Si Miguel? Sige na nga pwede ko siyang maging friend, I mean siya 'yung tipong hindi niya ginagawang excuse ang pagiging straight niya para hindi makipaghalubilo sa tulad ko. Although lahat naman sila mababait pero, ewan.

Naalimpungatan na lamang ako ng maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Isang tawag mula sa isang pamilyar na number. Si adik! Hanggang sa pagtulog ba sisirain niya? Hindi ko ito sinagot at sa halip ay ni block ko ito sa aking cellphone. Wala rin namang kabuluhan ang mokong na 'yun. Balik na ako sa pagtulog basta okay ako sa araw na 'to.
---
Naupo ako sa bench habang hinihintay ang umpisa ng klase, napakaaga ko ata. Okay na rin to kaysa ma late at pagtinginan ng mga tropa ng adik na 'yun na nakaupo sa unahan. "Bakla!", speaking of the devil, ang leader ng mga adik. Umagang umaga mangasar ba. Hindi ko ito pinansin na tila wala akong nakikita. "Huy 'di mo ba ako naririnig?", tanong nito sa akin. Inirapan ko nalamang siya.

Hindi ko inakalang mapipikon ito. Naglakad ito papalapit sa akin. Nagpanggap na lamang akong may pupuntahan ngunit huli na ang lahat kinabahan na ako nang sa aking pagtalikod ay hinawakan niya ang aking balikat. Naku po! Ayokong lumingon alam kong suntok kasunod nito, nabigla ako sa mga katagang binitiwan niya "AC! Ma...Mahal kita!!!", sabay hagulgol nito at pagyakap sa akin ng mahigpit. Huh? Paanong? "Huy teka lang!!!", pagpupumiglas ko sa kanya. Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin na halos hindi na ako makahinga "huy!!! Ano b...". Mas nagulantang ako sa mga sumunod na pangyayare. "Jayvee!!!", sigaw ni Miguel na patakbo sa kinaroroonan namin sabay ibinalibag si Jayvee. "Miguel!!!", pagawat ko sa kanya ngunit gumanti narin si Jayvee at inundayan ng suntok si Miguel. Halos matuliro ako sa nangyayari, paanong...ano nangyayare??? "Huy tama na!!! Miguel!!! Tumigil na kayo!!! Miguel!!!", sigaw ko.

"Huy!!! AC!!!", bulyaw sa akin ni... Mama???
Nananaginip lang ako? Ano 'yun? "Ba't ba paulit ulit ka? Sinabi ko na ngang nasa baba si Miguel, kanina pa kita sinabihang bumangon na!!! Pinaghihintay mo 'yung tao 'wag ka ganyan!!!" Naguguluhan parin ako. "Opo", pilit kong sagot. Nasa baba si Miguel? Bakit? Seryoso talaga? Kakagising ko lang, ang haggard ko. "Baba na!!!", sigaw ni mama na halatang galit na.

"Ahhmmm Hi!", pagbati ko kay Miguel na nagaanty sa sala. Lumingon ito sa akin at sinagot ako ng ngiti. Ang amo ng mukha niya nakakahiya naman sa ayos ko. "Bakit ka pala nagpunta?", tanong ko sa kanya. "Ahmmm gusto ko lang ibalik 'tong panyo mo", anong panyo? Paano napunta sa kanya 'yan? Malamang nahulog ko sa sinehan. "Naiwan mo kasi sa Jacket ko.", paliwanag nito.
"Jacket???", pagtataka ko. Ano ba 'yan, parang nareset utak ko dahil sa weird na panaginip na 'yun. Wala parin ako sa wisyo. Naglalaro sa utak ko ang panaginip ko na sa habang kaharap ko ngayon kay Miguel ay naiisip ko na tila totoong nagawa niya 'iyon. Para talagang totoo, okay back to present, anong jacket sinasabi niya?

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon