49

3.2K 56 14
                                    

Lumipas ang ilang pang linggo at naging okay naman ang lahat. Si Jayvee hindi naman nakakalimot sa pangako niya, parati niya akong tinatawagan ang ina-update sa mga kayabangan niya, este mga ganap niya sa araw araw. Kasalakuyan ko nalang ineenjoy ang nalalabing araw ko sa senior high. Si Miguel naman ay hindi parin humihinto sa pagiging sobrang concern sa akin. Paulit ulit ko na mang sinasabi sa kanya na hindi niya kailangang gawin ang mga ginagawa niya sa akin pero matigas ang ulo. Ngayon ay foundation day namin ag siyempre required ang attendance pero nagbabalak parin kami nila Lucy na lumabas nalang mamayang hapon. Manonood nalang kami ng sine at gagala.

Hindi na kami sumama sa presentation ng bawat section para hindi na hassle sa paggala namin. Bawat presentation ay naging masaya naman, puno ng tilian at hiyawan ewan ko ba kung dahil magaling sila o dahil sa mga revealing nilang kasuotan. Mainit man dito sa gym ay kailangan naming tiisin at baka mamarkahan pa kaming absent. Tahimik akong nakaupo at pumapalakpak sa mga pagtatanghal nang napansin kong papalapit sa aking kinauupuan si Kyle. Wala lang siguro ito, hanggang gnayon kasi guilty parin sa nangyari. Naupo ito sa tabi ko, hindi ko siya nililingon at nagpapanggap lamang ako na hindi ko siya pansin.

"AC", sambit niya sa pangalan ko nang hindi ako nililingon. Umarte na lamang ako na nabibingi sa ingay ng buong paligid.

"AC pwede ba kita makausap?", paguilit nito na agad ko namang nilingon at pinaunlakan.

"Bakit?"

"Pwede ba tayong magusap?"

"Okay sige"

"I mean, pwedeng sa ibang lugar medyo maingay dito"

"Hmmm kung tungkol 'yan sa kung ano man nangyari okay na"

"Huh?, hindi ka galit?"

"Galit noon pero ngayon, hindi rin kasi makakatulong kung puro galit lang noh, hindi rin naman kasi ako marunong magtanim ng sama ng loob"

"So okay tayo?"

"Okay ikaw, ako"

"Tsss ang pangit na tuloy ng reputasyon ko sa'yo"

"Ano sinasabi mo?"

"Turn off ka na sa akin"

"Hoy kahit kailan 'di ako na turn on sa'yo"

"Sakit naman, wala naman na si Jayvee pwede bang..."

"Pwede ka nang bumalik sa upuan mo"

"Ang sungit naman"

"Oo kaya umalis ka na baka magbago pa isip ko, isa ka rin eh"

Umalis narin agad ang siraulong 'yon. Hindi nagtagal ay pumuslot na kami nila Lucy papalabas ng gym para gumala. "AC!!!", tawag sa akin ni Miguel. Nilingon ko naman siya agad para alamin ang pakay niya. Inusisa nito kung saan kami pupunta at nagpresentang sumama. Ayaw ko mang may ibang kasama sa lakad namin ay wala narin akong nagawa. Sumakay na kami sa kotse niya nakakhiya naman sa kanya, dagdag gastos pa sa gasolina niya.

Habang nasa loob kami ng sasakyan niya ay iniiwasan ko siyang kausapin. Marahil ito ang paraan ko upang hindi masyadong magkaroon ng attachment sa kanya. Mabuti na rin na maging malinaw na wala pa akong balak sa pakikipagrelasyon. "Pansin ko lang ba't hindi kayo naguusap", biglang singit ni Lucy sa usapan, tonong mapanukso. Habang ang iba namay tumitili na tila kinikilig sa sinabi ni Lucy. Ito ang mahirap sa mga kaibigan, hindi nakikisama sa plano mo. Naging awkward tuloy ang aking mga reaksyon. Naaninag ko sa salamin na ngumingiti ngiti pa si Miguel.

"Tutal open naman na tayong lahat sa isa't isa eh magkaaminan na tayo ng tuluyan 'di ba girls???", pasimula ni Lucy.

Ano ba 'to? Set up ba'to? Humanda ka Lucy pag nakababa na tayo. Pinipilit ko na ngang pakalmahin ang atmosphere sa pagitan namin ni Miguel tapos itong napakabait kong kaibigan eh balak pa ata magtayo ng loveteam. Pasimple ko siyang kinurot upang itigil ang binabalak niya.

"AC, nangungurot???", sambit pa nito.

"Kasi naman Lucy, bababa na'ko"

"Sige baba ka"

"Lucy naman"

"Ano ba AC tayo tayo lang naman, ano na ba kayo ni Miguel?"

"Lucy"

"Patay na patay..."

"Lucy pwede ba??? Wala akong kung ano mang nararamdaman kay Miguel, oh 'yan clear na???", inis kong sagot. Nabigla ako sa mga nabitiwan kong salita at nagsimulang maging awkward ang loob ng sasakyan. Naisin ko mang bawiin ang sinabi ko pero narinig na nila ang totoo, narinig na ni Miguel. Iniwas ko munang pansamantala ang tingin ko sa kanila, tumanaw muna ako sa bintana habang nagpapahupa ng init ng ulo. Walang kibuan ng ilang minuto sa pagitan naming lahat, naramdaman ko ang pagkahiya sa inasal ko. Mukhang hindi yata tama ang mga sinabi ko, hindi ko dapat sinigawan si Lucy at mas lalong hindi ko dapat sinabi ang mga bagay na 'yun. Nagpakiramdaman muna kaming lahat kung sino ang mauunang kumibo. Sinubukan kong aninagin sila sa aking peripheral view  ngunit hindi ko matignan ng malinaw ang ekspresyon sa kanilang nga mukha.

"Eh sino ang nagpapatibok ngayon ng puso mo AC???", pagbasag ni Lucy sa katahimikan. Bigla akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang nagsalita siya. Nagtawanan naman na ang lahat sa pagaakalang magaaway na kami ni Lucy. Ngunit pansin ko ang katahimikan ni Miguel. Tinignan ko ang salamin ngunit hindi ito mahagip ng tingin. "Wala pa", sagot ko naman sa nakabiting katanungan. Bumalik ulit sa dating atmospera ang aming usapan maliban lamang kay Miguel na nanahimik. "Uyyy Miguel, malapit na ba tayo?", kaswal kong tanong sa kanya. Hindi niya ako pinansin at patuloy lamang sa pagmamaneho. Nagtinginan kami ni Lucy at nagsenyasan.

"Miguel", paguulit ko

"'Wag ka magulo, nagd-drive ako"

"Okay"

Nagulat na lamang kami sa Miguel na kasama namin ngayon. Paano na ba 'to? Tatalon nalang ba ako palabas ng kotse niya? Ang kapal naman ng mukha ko pagkatapos ng ginawa ko may gana pa akong sumama sa lakad na'to.

Ilang saglit pa ay nakaratong na kami sa mall. Ngunit hanggang sa loob ng sinehan ay bakas ang katahimikan niya. Wala ni sino man ang kinakausap niya sa amin. Umupo lamang siya at walang kibo na tumutok sa screen ng sinehan. Natiyempo pa na siya ang aking nakatabi. Tahimik ang lahat habang ako ay 'di malaman kung saan lilingon. Pasimple akong nagtext para sabihin kay Lucy ang nararamdaman ko.

"Ang awkward..."

"Kasalanan mo 'yan, try mo kaya kausapin"

"Baka bugbugin ako dito ano ba???"

"Lagot ka"

"Ano ba 'yan..."

"Magbanyo kami, wait lang"

"Hoy!!!"

"Girls only belat!!!"

Isa isa na silang tumayo ang lumabas para umihi. Walanghiya talaga 'tong si Lucy, mahilig mangiwan sa gitna ng awkward situation. Kaming dalawa na lamang ni Miguel ang naiwan sa upuan at kami lang sa buong row ng upuan na 'yun. Mangilanngilan lang 'din ang tao sa loob dahil office narin sa working days.

"So si Jayvee parin?", basag nito sa katahimikan

"Anong sinasabi mo?"

"Sabi mo wala kang nararamdaman sakin, edi si Jayvee pa nga"

"Paano napasok si Jayvee dito?"

"Eh kung hindi siya, sino? Si Kyle???"

"Hala, ano ba gusto mo marinig sakin?"

"Sino ba talaga mahal mo?"

"Luh, sinabi ko na nga 'diba wala akong balak pa sa ganyan?"

"Tsss! Walang balak o may hinihintay ka?, balita ko kasi mga limang taon pa si Jayvee 'dun, so hihintayin mo nga talaga"

"Alam mo kung ganyan lang din paguusapan natin, alis nalang ako, salamat nalang sa paghatid."

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon