"Nakita kita sa mall kanina huh?"
"Oh?"
"Kasama mo si Jane, ano pinagkuwentuhan niyo"
"May aaminin ako"
Nang bitiwan niya ang mga hulingbkatagang iyon ay nagsimula na akong kabahan sa kung anong puwedeng kasunod nito. Totoo ba 'to? Ba't parang hindi ata ako handa.
"Ano 'yun?", matapang kong tanong
"Si Jane kasi buntis"
"Oh? Alam ko, ano ka ba?! Akala ko naman kung ano na, sige uwi muna ako", agad kong paalam at talikod sa kanya. Pinilit kong ikondisyon ang sarili ko, paniwalain na mali ang paghihinala ko. Sana nga mali ako, hindi ko kasi alam kung paano kung tama lahat ng pakiramdam ko, paano kung narito na ang dahilan kung bakit sa una palang ayoko nang magumpisa?
"AC sandali lang", pagpigil niya sa akin
"Uwi na muna ako, pagod rin naman kasi ako", paliwanag ko nang hindi siya linilingon.
"AC hindi ko na kayang magsinungaling pa, naging gago ako"
"Jayvee!"
"Hindi mo deserve ang isang gagong tulad ko"
"Jayvee!!!"
"Hindi ko na kayang magsinungaling pa sa'yo"
"Tumigil ka na!!!"
"Buntis si Jane at ako ang ama!!!"
Gumuho ang mundo ko sa ipinagtapat ni Jayvee. Para bang paulit ulit kong naririnig sa aking isipan ang mga katagang binitiwan niya. Bakit? Bakit kailangan ko pang maranasan 'to? Siguro ito na parusa sa pagiging ilusyunada ko, marahil nga simula pa nung umpisa ay dapat hindi na ako nagpaniwala pa.
"Mmm sige, uwi na ako, thank you nalang, alagaan mo siya", aking mga huling litanya sa kanya. Tumuloy na ako at umuwi na sa amin. Pinilit kong pigilin ang pagbuhos ng aking luha, ayokong maging saksi ang lahat sa pagiging lampa ko. Naging lampa ako dahil naging marupok ako at mahina mula sa tukso na kung saan sakit lamang ang siyang dulot.
Dumeretso agad ako sa aking kuwarto at doon, bumigay na nga ako nang tuluyan. "Ayan! AC ngayon alam mo na, walang magmamahal sa'yo kasi ganyan ka, walang sino man ang tunay na magnamahal sa'yo!!!, ngayon magdusa ka sa pagiging ilusyunada mo!!! Ang kapal naman ng mukha mong umasa sa konsepto ng forever, ikaw? Ikaw na 'di hamak na bakla lang???", mahabang litanya ko sa aking sarili.
————————————————Nagsimula ang huling semstre sa aking huling taon ng pagiging hayskul. Hinarap ko ito ng buong buo, madali ko nalang iwinaglit sa isip ko ang mga nangyari. Itinuring ko nalang isang panaginip ang lahat, isang masamang panaginip na nagturo sa akin ng isang napaka importanteng bagay. Sa ngayon focus muna ako sa pagaaral, 'yon naman talaga ang ipinunta ko ko dito sa paaralang ito. Walang nakaalam ng lahat, mas pinili ko nalang manahimik. Ako naman 'tong nagpakatanga kaya dapat solohin ko lang 'tong resulta ng aking ultimate katangahan.
"AC!", salubong sa akin ni Jayvee habang papasok ako sa gate.
"Yes? Mr. Alcantara"
"Usap naman tayo please"
"Para saan?"
"Sa nangyari...sa ginawa ko...sa kung anong nangyari sa ating dalawa"
"Sus! Wala iyon, sige pasok nako ayoko malate", paalam ko sa kanya iwan ang isang kaswal na ngiti.
Pagpasok ko sa aming silid ay nagtungo agad ako sa likuran. Nakita ko agad si Miguel na tahimik lamang. Ngumiti siya sa akin at ginantihan ko naman 'din ito. "Namiss kita, ikaw ah 'di ka na nagpakita, musta ka na?", bati niya sa akin. "Pasensya na medyo naging busy din kasi ako, okay naman ako, ikaw ba?", tanong ko sa kanya.
"Umiyak ka ba?, ba't parang umiyak ka?"
"Huh? Baliw hindi, nakakapuwing lang mag commute"
"Sigurado ka? Ngiti ka nga"
"Huh?"
"Ngumiti ka"
"Ayoko nga"
"Basta tandaan mo ha? Nandito lang ako, 'pag may nanakit sa'yo"
"Oo, wala na"
Nagtapos ang aming unang araw. Nagsimula nang magsilabasan ang lahat. Ako naman ay nahuli dahil sa lakas ng ulan. Kung mamalasin ka nga naman, naiwan ko pa ang payong ko. Siguro papahintuin ko nlang muna ito. Nanatili na lamang muna ako sa loob ng aming silid. Marami pa namang tao sa labas at ang iba ay nagklaklase pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/143193528-288-k227648.jpg)
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Teen FictionSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...