"AC!!! Sige ka iwan ka na namin diyan!!!" Napabalikwas ako sa aking narinig. Ano nangyayari? Anak ng... tapos na pala 'yung movie at nagsisimula na ulit ito. Ano ba yan diyos ko po. Nakakahiya ang aking posisyon, nakasandal ako kay Miguel habang lahat sila ay nakatayo na palibot sa amin. Lupa!!! Please lamunin mo ako!!! 'Yung 'di niyo pa gaano kilala ang isa't isa pero nakagawa ka ng kahihiyan.
"Huyyy umalis na nga kayo kung 'di kayo manonood!!! Parepareho tay...", bulyaw sa amin ng mga tao sa likuran. Agad agad naman kaming tumakbo palabas ng sinehan. Habang naglalakad ay nahihiyang tinanong ko si Mary Joy "Ma Joy! Kanina pa ba ako tulog?", tanong ko ng pabulong. "Hindi naman... mga 1hr & 30 mins. lang", pang aasar nito sa akin. Halos tumiklop na ako sa kahihiyan. Nang tinanong ko siya kung bakit 'di niya ako agad ginising, "Huy ginising kaya kita, actually pareho kayong tulog ni Miguel, sleepover pala gusto niyo edi sana samin nalang..."
"Hala, nahihiya ako sorry", pagpapaliwanag ko habang lamunin na ako ng lupa. "Ano ba, okay lang 'yan nakakatawa nga kayo eh, para kayong couple hahahahahah", patuloy na pangaasar nito. Couple? Ako, si Miguel, kami? Couple? Hindi! Ayoko! Never! Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko! Nagutom narin ang lahat kaya naman ay nagtungo na kami sa McDo, dahil naoagdesisyonan naman ng lahat. Pilit kong sinabi na ako ang oorder ngunit talagang masaklap ang tadhana at iniwan ba naman kaming dalawa ni Miguel table. "Uuuuuuuuuyyy!!! Upo lang kayo diyan ha? Mamaya, pagbalik namin iba na ginagawa niyo hahahahahah", panunukso nila sa amin, habang si Miguel naman ay tuwang tuwa, nangiinis din ata to?!!!
Nang makaalis na sila para sama samang umorder, nagsimula kaming mailang sa isa't isa. 'Di maiwasang magkatitigan kaming dalawa dahil nasa magkabilang parte kami ng mesa. Sa tuwing sumasagi ang pangingin ko sa kanya ay agad kong iniiwas. "Parang gago 'yung mga 'yun no?", pagbasag nito sa katahimikan. "Ah... oo nga", nahihiya kong sagot habang nakayuko ang aking ulo at nagpapanggap na may katext. Ano ba 'yan ba't niya ako kinausap?
"Ang sarap ng tulog mo kanina."
"S...sorry pala sabi nila nasandalan kita kanina, 'diko talaga alam pasensya na"
"Hehe 'yun ba? Okay lang... kaso tulo laway pala"
"Huh? Hindi!!! Hindi ako tulo laway no!!!"
"Joke lang, hahahahha ang cute mo pala magalit"
"Huh", ano sabi niya? Sabi na nga ba pafall to! I knew it! Hindi! Baka naman compliment lang talaga 'yun at walang halong malisya, ba't ko naman naisip na pinapanfall niya ako? Hindi, I'm sure compliment lang 'yun. "Talaga? Hehe", wait parang ang yabang ko dun, mali. "Wag mo na ako bolahin", dugtong ko. Nagbalik narin ang nga kasama namin at tila nahalata din nila na medyo nagkakatuwaan na kami ni Miguel. Wala parin silang balak huminto sa pang aasar, sinakyan nalang namin tutal biruan lang naman ito, kilala ko ang sarili ko, wala akong interes sa love.
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Teen FictionSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...