Miguel's POV
Alas syete narin ng gabi, nandito parin kami sa kalsada kasama ang tropa at sila Mary Joy. Nakadagdag pa itong buhos ng ulan sa hindi mahilugang karayom na traffic. Nagtext na ang mga magulang nila at nagaalala na sa amin dahil sa pangako naming hindi kami aabutin ng gabi. "Migs!", kalabit sa akin ni Lucy mula sa likod ng kotse. "Patayin niyo nalang kaya 'yung aircon?, ang lamig na kasi", halata na ngang nangangatog na sila sa lamig dulot ng malakas na ulang may dalang hangin dagdag pa ang suot nilang damit. Ewan ko ba sa mga 'to ba't nila gusto magsuot ng maiikli. Pinatay na lamang ni Justin ang aircon."Miguel, pwede pahiram ng jacket mo? Tulog na kasi tong si AC, baka lamigin okay na kami may denim jacket naman kaming dala", pakiusap ni Mary Joy sa akin. Walang pagdadalawang isip ko naman itong ibinigay. Mukhang mahimbing na ngang natutulog si AC. Mabilis sigurong mapagod 'to, kanina lang nakatulog siya. Teka ba't ko ba iniisip 'to? Ewan ang bait ko talaga tapos pogi pa! Hehe. Malapit na rin huminto ang ulan at papalapit narin kami sa bahay nila AC, 'di ko alam ba't prang gusto ko pang mag joy ride kahit isang ikot pa, ayoko pa kasing umuwi.
"Oh gising ka na pala?", pagbasak ng katahimikan ni Mary Joy. Hindi ko sila nililingon, pinakikinggan ko lamang sila. "Ano oras na?", kinakabahang tanong ni AC. "Hala. Asan na ba tayo? Gabi na!!! Pagagalitan ako!!!", oo nga pala bawal nga pala siyang abutin ng gabi. Napakamasunurin naman nito. "Okay okay relax lang malapit na tayo konteng kembot nalang, ako na mag explain sa parents mo.", pagpapakalma ni Mary Joy. Nakikita ko mula sa salamin ang kaba sa mukha niya. Ngayon lang ako nakakita ng tulad niya, karamihan kasi sa mga... sa mga kagaya niya puro gala kahit avutin na ng dis oras ng gabi. Pero sa nakikita ko sa kanya, naninibago ako, hindi pala lahat pare pareho.
Tumawag narin ang kanyang mama, dinig ko na nagaalala na pala sila. Ipinaliwanag na rin ito ni Mary Joy. Malapit nang bumaba si AC, pero ba't ganito nararadaman ko? Siguro dahil lamang ito sa jacket na hindi niya pa hinuhubad. Tama jacket lang to. "Guys thank you ha? Mauna na ako, wait... kanino pala tong jacket? Thank you!!! Thank you!!!", dali dali niya itong hinubad at nagmamadaling pumasok ng kanilang bahay, medyo lumalakas nanaman kasi ang ulan. Kumaway na ito sa amin mula sa kanilang bahay. Umalis na kami at isa isa naring naihatid sa kanilang mga bahay.
"Huy!!! Ba't di ka pa natutulog", paggulat sa akin ni kuya. "Tulala ka diyan kamusta araw mo?", "Ayos lang, nanood kami ng sine ng mga bagong kaklase ko", tipid kong sagot kay kuya. "Kaklase lang? Ba't parang naka score muka mo diyan, hehe ikaw talaga, ano ba?", ano sinasabi ni kuya? Siraulo talaga tong si kuya. "Ewan ko sa'yo kuya sige akyat na ako", pagiwas ko sa kanya. "Yang ngiti mo, baka mapunit!!!", pangaasar nito.
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Teen FictionSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...