45

2.5K 73 12
                                        

Dalawang buwan na rin ang lumipas and I can say limot ko na. Lumipas ang lahat nang walang nakakaalam tulad rin ng pagiging kami, isang lihim lamang. Mahirap talaga mapunta sa ganitong sitwasyon, kaya ang best thing to do ay huwag na lang sumubok pa. Buti nalang pala maaga pa lang ay natuklasan ko na, natuklasan ko na na ang ilusyon ko ay hanggang pagiging ilusyon lamang. Si Kyle? Ayun marahil alam niya na ang nangyari kaya wala narin dahilan para magkaroon pa ako ng koneksyon sa kanya. Bakit ko naman ilalapit ang sarili ko sa mga bagay na nagpapaalala sa sakit?

Ngayon ang fieltrip namin, hindi na sana ako sasama kung hindi lang dahil sa grades. 11pm ang eksaktong oras ng pag alis ng mga tour bus namin. Ilang oras nalang naman ang hihintayin kaya nanatili na muna ako sa enclosed gym ng school. Ilan sa mga kasama sa fieldtrip. Lumapit sa akin sila Lucy. Bakas ang pagtataka nito sa aking pagiisa. "Huy AC, oaky ka lang?", tanong ni Lucy sa akin. Sinagot ko lamang siya ng isang pilit na ngiti. Okay naman na ako, okay lang ako. 'Di nagtagal ay tinawag na kami para sa assembly. Isa isa nang pumasok ang tour bus sa grounds. Nagsimula nang magkagulo dahil siguro sapagiging excited nila.

Pumila na kami para sa seating arrangement namin sa loob ng bus. Nang makapasok na kami sa loob ay nagsipilian na sila ng mauupuan. Nagsiupuan na ang lahat pumuwesto na ako sa bandang likuran sa may bintana. Hindi ko kasi sanay bumiyahe sakay ng bus na hindi sa bintana nakapuwesto, para akong maduduwal. Naupo sila Lucy sa bandang harapan at sila Miguel naman at Kyle ay walang naging choice kundi maupo at magtabi, bakapuwesto sa bandnag harapan ko. Umidlip muna akos saglit at hinanda ang sarili ko sa biyahe. Mga ilang minuto ang lumipas ay hindi parin nakakaalis ang bus. Nagising na lamang ako nang may nangalabit sa akin. "Huy si Jayvee", bulong sa akin ng nasa likuran ko sabay turo sa gilid. "Can I sit beside you?", paalam nito.

"'Di ba nakaupo ka sa harap???", irita kong sagot

"It's okay kung ayaw mo, maybe tatayo nalang ako"

"Okay, sige, please lang ayoko ng magulo"

"Thanks", nakakatuwang isipin na tila naging estranghero kami sa isa't isa. Limot kung ano man ang namagitan sa aming dalawa. Ganon siguro pag nag move on lahat dapat iwan kasi kung magbabaon ka ng kung ano mang bagay, hindi 'yung pag momove on. Ngayon kaming dalawa ay magkatabi. Pinakikiramdaman ang bawat isa. Hindi alam kung paano magsisimula, kung paano magpapakilala.

Nagsimula na kaming bumiyahe. Nakapikit man ako at nakasandal sa bintana ay aninag ko ang pagpatay sa ilaw ng bus. Walang ibang tumatakbo sa isipan ko kundi ang makarating nang ligtas sa aming paroroonan. Iminulat ko ang aking mata at inilibot sa loob ng bus, natutulog na ang lahat habang suot ang kanilang mga earphones. Nahuli kong nakatingin sa akin si Jayvee. Isang tingin na 'di mawari kung anong kahulugan.

"Bakit?"

"Kamusta ka na?"

"Anong tanong 'yan? Araw araw akong pumapasok ibigsabihin okay ako"

"Galit ka pa ba?"

"Saan?"

"Sa nangyari"

"Medyo matagal na 'yun Mr. Alcantara, ang unfair naman kung iisipin mong tumatakbo parin isip ko sa'yo"

"Galit ka nga"

"Hindi ako galit, and there's no reason for me para magalit, I don't even have the right na magalit because in the first place, ako 'yung nagpakatanga, nagpakatanga ang isang bakla na may forever at nagpataniwala sa ideya ng love, well in fact totoo naman pero 'di sa tulad ko."

"I'm sorry"

"Huh? For what?"

"Kasi dahil sa akin nagkaganyan ka"

"Wow! Ang yabang naman natin Mr. Alcantara, you have nothing to do with who I am now, mas gusto ko nga kung ano ako ngayon, hindi uto uto, at mas focus sa kung ano talagang goal ko."

Natahimik lamang siya pagkatapos kong bitiwan ang mga salitang iyon. Kahit ako ay nabigla rin sa aking sarili. 'Di ko alam saan nanggaling ang mga bagay na 'yon. Nakatitig lamang kami sa isa't isa at pinakikiramdaman ang kilos ng bawat isa. Unti unti kong napansin ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata.

"Oh? Ba't umiiyak ka diyan?, baka kung ano isipin nila sa akin, punasan mo na 'yan, itulog mo lang 'yan", paalam ko at ako na ngay tumalikod at ipinikit ang aking mata. May parte ng aking sarili ang nagtatanong at nagtataka sa ikinikilos niya.

Nang 'di ano ano man ay bigla niya akong niyakap. Dama ko ang init ng katawan niya na nakabalot sa akin.

"Hoy, ano ba?!!! Bitawan mo nga ako, istorbo ka sa pagpapahinga ko"
___________________________________
——————————————————-————————
Author's Note:
Malapit na po matapos 'tong unang story na nagawa ko and gusto ko lang po mag thank you sa lahat ng nagbabasa kahit 'di naman mahusay at madalas may lapses pa. Sana po suportahan niyo next story ko titled, 'Benedict Bratt' boyxgirl teen fiction po 'yun para sa mga nag request na 'di masyado feel ang boyxboy story. Thank you po talaga hehe, toxic sa fb pati sa school kaya dito lang ako nagiging masaya kahit konti, well appreciated naman ang comments, reactions and likes niyo.

Btw follow me on IG kung okay lang (famewhore hehe jk) [@raeonyascreen ] , thank you ulit, ingat😅🤗

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon