Sa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...
Pagkatapos ng nangyari kahapon ay nagiba na ang tingin ko kay Kyle. Tulad ng iba, mahilig 'din siyang magsamantala ng kahinaan ng iba. Kung sa tingin niya ganon akong klaseng tao puwes mali ang pagkakakilala niya sa akin. Siguro naman malinaw sa kanya na hindi ako tulad ng mga iba na kating kati sa mga bagay na alam ko namang walang patutunguhan. Paglaruan niya o kahit sino pa ang lahat 'wag nalang ako.
Naglalakad ako ngayon sa aming hallway patungo sa aming room. Isang pangkaraniwang araw ngunit baon ko pa rin sa isipan ko ang ginawa ni Kyle. "AC!!!", tawag sa akin ng boses na matagal ko nang hindi naririnig. "Jayvee!!!", magaling na si Jayvee pero ang masiglang bati ko sa kanya ay nalalitan ng kunot na noo nang nakita kong kasabay niya si Kyle. Tumalikod na lamang ako at umiwas. "AC uy!!! galit ka ba?", tanong niya sa akin habang patuloy akong sinusundan. "Huy sorry na, binilisan ko namang gumaling eh", pagmamakaawa nito. Nakatalikod ako sa kanya ngunit nakikita ko kung ano ang lahay ng mukha niya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Hindi ko namalayang napapangiti na ako. Gustuhin ko mang lumingon sa kanya ngunit mas nananaig ang pagkasuklam ko sa pinsan niya. Naisipan kong itext na lamang siya, "Sa room nalang"
"Andito na pala si Rapunzel", bati sa akin nila Lucy. Aking pagtataka sa tawag nila sa akin. Rapunzel bakit? Short pa naman hair ko. "Ayan may nagbigay nanaman pero wait there's more... may chocolates", paliwanag ni Lucy sa akin. Sulat nanaman? Nagabala pa sa chocolates. "Luh! Sino?", pagtatakang tanong ko. "Dunno, sige baba muna kami pinapatawag kami sa faculty", pagmamadali nila. Siya nga pala hindi ko pa nababasa mga sulat na natanggap ko, paraa saan pa diba? Hindi naman interesado sa mga ganyan. "Wow may sulat ka nanaman?", paguusisa ni Miguel.
"Oo nga, alam mo hindi naman ako mahilig sa letters."
"Bakit naman? Ang sweet kaya"
"Nabasa mo?"
"Hindi...pero 'diba ganon naman"
"Ewan ko ba, alam mo ayoko ng mga ganito eh...hindi ako naniniwala sa love love na 'yan"
"Bakit naman? Ang daming proof na totoo ang love and nasa paligid lang sila"
"Sainyo oo pero para sa mga... sa mga katulad ko alam ko naman na walang ganon"
"Sus! Marami narin kaya"
"Realistic lang ako, bakit? Hindi ba agad naman sila naghihiwalay? Kasi nga hindi totoo 'yang love love na 'yan!!!"
"Pano kung may magpatunay sa'yo na totoo ang love?"
"Hmmm ayoko maging part ng experiment na 'yan baka 'pag pumalpak baka ako rin masaktan"
Napakadali para sa mga tulad ni Miguel na magsalita tungkol sa love siyempre madali lang para sa kanila ang humanap. Pero pasensya nalang talaga sa nagbigay ng sulat na 'to, hindi talaga ako naniniwala. Simula na ang aming first subject pero wala parin ang aming guro. Kaya naman ang mga iba ay nagsisilipatan sa kanilang mga kaibigan para makipagchismisan. Habanga ang iba naman ay naglabas ng kanilang gitara upang mag jamming. Nasan ang mga class officers? Eto kanya kanyang buhay hehe basta ba hindi gumawa ng masyadong ingay, teamwork kami sa aming section. 'Di nagtagal lumipat narin si Jayvee sa nabakanteng upuan sa tabi ko.
"AC!!!"
"Oh?"
"Okay ka lang?"
"Oo naman bakit?"
"Hindi mo kasi ako pinapansin kanina, may problema ba?"
"Ah... wala naman"
"So tuturuan mo na ako mamaya???"
"Oo? Pero puwede 'wag nalang sainyo?"
"Bakit naman? Okay lang 'wag ka mahiya sa pinsan ko talagang tumatambay lang 'yon dun"
"Baka kasi hindi ako makapag concentrate 'pag may mga iba sa paligid."
"Okay saan?"
"Sa amin nalang pero 'wag ka mag expect ha? hindi kasing laki ng bahay niyo 'yung bahay namin."
"Hehe okay lang, sige sige"
"Hmmm balik ka na dun, makipagkuwentuhan ka na sa tropa mo"
"Hindi dito lang ako"
"Baliw! Dun ka na namiss ka nila makasama sa pambubully"
"Ako ba 'di mo namiss pambubully ko?"
"Hmmm... hindi, sana nga may sakit ka nalang parati mas harmless ka 'pag ganon"
"Sakit naman!"
"Joke lang baka magalit ka nanaman, ayoko na lumuhod"
"Hehe, nung bang pumunta ka sa bahay nakausap mo na si Kyle?"
"Hindi!"
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.