42

2.9K 54 4
                                    

Tapos na semester sa wakas at sembreak na. Pahinga muna sa school works at kahit papaano ay makapag relax muna. Ako? Wala pang plano kung saan gagala, hindi naman kasi ako palagala. Staycation lang habang nagbabasa ng books at nanonood ng documentaries masaya na ako. Heto ako ngayon at nakaupo sa aking kama habang nanonood ng vlogs ng mga paborito kong artista. "Punta ka sa halloween party?", biglang tanong ni Jayvee na relax na relax sa pagkakahiga sa aking kama. Ewan ko ba dito ba't 'di nalang makipaglaro sa barkada niya, wala naman siyang mapapala sa akin. "Ayoko", tipid kong sagot sa kanya dulot ng pagtutuon ko ng aking atensyon sa aking pinanonood. "Bakit?", agad niya namang tanong.

"Ayoko nga"

"Okay"

Mabilis naman pala 'tong kausap. Ayoko naman na kasing pumunta pa sa school sayang naman ang buong araw ko upang makapagpahinga. Wala rin naman akong makukuha sa pagdalo sa isang halloween party, anong gagawin ko 'dun? Mananakot? Sa tingin ko para sa mga juvenile lang ang nga ganong bagay. "Ikaw ba pupunta ka?", isiningit kong tanong.

"Oo"

"Okay"

"Galit ka?"

"Huh? Hindi, gusto mo 'yan eh"

"'Wag na nga lang"

"Huy baliw! Sige na kung gusto mo"

"Sa kilos mo kasi parang napipilitan ka lang na payagan ako eh"

"Sabiko , gusto mo 'yan, okay lang sa akin sa school lang naman 'yan"

Lumipas ang ilang araw at naganap na ang halloween party sa school. Nagpaalam naman si Jayvee sa akin bago siya luminta ng school. Ba't tila may nararamdaman akong iba, parang gusto kong sumunod. Agad kong tinawagan si Miguel upang tanungin kong pupunta rin ba sila.

"Hello Miguel"

"Oh AC?"

"Pupunta ba kayo sa Halloween party?"

"Huh? Hindi eh, may date kami ni Lucy"

"Ganun ba? Saan kayo?"

"Hehe exclusive lang muna sa amin 'to, sige na! Bye ingat!"

Okay, ibang klase naman, may date sila habang ako nandito lang. Hindi naman sa naiinggit ako, kasalanan ko rin siguro, ang arte arte ko kung sumama nalang kasi ako kay Jayvee edi sana hindi ako nagmumukmok dito. Inisip kong tawagan si Jayvee kaso ayaw ko namang maudlot ang kasiyahan niya, si Kyle nalang kaya? 

"Hello Kyle!"

"Hmmm?"

"Saan ka?"

"Dito sa bahay bakit?"

"Wala"

"Bakit nga?"

"Wala kasi akong kasama at makausap, sila mama nagpunta ng kasal 3days silang mawawala tapos si Jayvee naman ayun nagpunta sa school."

"Ano? Punta ako diyan?"

"Luh! 'Wag na magsasayang ka lang ng gas"

"So pano? Ba't ba hindi ka kasi sumama kay Jayvee"

"Nung una ayaw ko, wala kasi akong hilig sa mga ganyan"

"Punta na ako diyan"

"Sige na nga, ikaw bahala"

"Hintayin mo'ko diyan, saglit lang"

"Oo, wala naman akong mapupuntahan"

Higit sa kalahating orad ang lumipas at dumating na rin siya. Sa wakas may makakausap na din ako, buti nalang talaga single pa 'tong si Kyle. Kahit papaano ay may kaibigan akong matatakbuhan 'pag wala si Jayvee. Dumating si Kyle nang naka boxer shorts lamang at sando. Tinotoo niya nga ang saglit lang, hindi nga siya nagatubiling magpalit. "Huy! Ba't nakaboxers ka lang?"

"Nagmamadali na ako eh"

"Siraulo 'to ano pinunta mo dito? Honeymoon?"

"Depende sa'yo"

"Haynako! Ayan nanaman! Umuwi ka na nga!!!"

"Joke lang, ang sensitive mo, nagugutom ako, wala ka bang pwedeng ipakain sa akin?, baka ikaw kainin ko"

"Sandali, hindi ko alam magluto sorry, Pancit canton okay lang???"

"Oo basta sarapan mo ha"

"Baliw! Oo sige lagyan ko ng lason"

"Good"

Parang iba ata nangyayari, ako humingi ng tulong para may makausap tapos naging instant utusan ako. Ang galing din ng isang ito ha, hindi ko nakita 'yun ha. Hinanda ko na ang pancit canton na hinihingi niya nakakahiya naman sa kanya, hindi ko talaga kasi alam magluto. Nang hinain ko na ay tila nawala na ako sa paningin niya. Subo lang ng subo, nasan na ang kausap na kailangan ko? "Akala ko sasamahan ako, makikikain lang pala", parinig ko sa kanya.

"Ano ba gusto mo pagusapan?"

"Wala"

"Wala pala eh"

"I mean hindi ko alam, wala kasi akong kasama 'di ba obvious? Kailangan ko ng kausap"

"Takot ka noh?"

"Hindi noh!"

"Sus! Ba't kailangan mo ng kasama?"

"nagiisa ako, alangan namang kausapin ko ang sarili ko?"

"Arte arte mo eh, hindi ka nalang sumama"

"Edi ako na maarte"

"Galit kana niyan?"

"Ewan ko sa'yo kabadtrip ka"

"Ba't kasi hindi nalang iba binoyfriend mo"

"Huh? Sinasabi mo diyan?"

"Sabi ko, ba't ka kasi nag boyfriend ng hindi monkaparehas ng trip sa buhay"

"Siraulo ka, ewan ko sa'yo"

"'Pag ako naging boyfriend mo, lahat ng gusto mo sasamahan kita"

"Wala naman akong drogang nilagay sa pancit canton pero ba't high na high ka, ano sinasabi mo?"

"Nagtatanong ka pa, eh alam mo naman na dati pa"

"Ooops! Stop na diyan, friends tayo okay??"

"'Pag nagbreak kayo ni Jayvee, tayo na ha?"

"Baliw ka! Ano sinasabi mo???"

"Halimbawa lang"

"Halimbawa nabwiset ako sa'yo tapos pinagsasaksak kitang bwiset ka"

"Hahahahahahha gusto mo pala akong patayin ha?"

"Oo 'pag 'di ka pa tumigil diyan"

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon