Hindi talaga ako pinapansin ni Jayvee. Galit talaga siya. Buong klase halos nakawin niya na buong atensyon ko kakasulyap kung okay lang ba siya. Pero totoonga talaga na masama ang loob niya at dala niya iyon hanggang dito. Medyo nakakahalata narin ang mga tropa niya sa ikinikilos niya. Walang katapusang tawanan ang asaran ang ginagawa nila pero si Jayvee nananahimik lang. Naninibago tuloy ako sa kanya, mas gusto ko na siguro iyong ksama siy sa maiingay sa klase.
Malapit nang mag lunch break pero wala parin akong naiiisip. Blankong blanko parin ako, walang ibang tumatakbo sa isip ko kung anong klaseng public apology gagawin ko sa kanya. Tapos namana na ako sa pagsusulat ng lecture namin kaya pasimple kong inilibas ang aking cellphone para maghanap sa facebook ng mga public apology at kung ano mang paandar na puwede sa sitwasyon ko. Ang hirap pala humanap. Puro couples ang naglipana sa facebook, mga nalinlang ng pangakong may forever. Kung ganoon na nga lang kaya? Erase! Erase! Masyadong cheesy nakakadiri!
Isip isip gumana ka naman ngayon please!!! Lapitan ko nalang kaya siya? "Lapitan mo na", bulong ng katabi ko. "Huh? Narinig mo isip ko?". "Oo, ang ingay mo kaya kanina ka pa bumubulong diyan, ano ba 'yun?". Hindi naman siya chismoso ano? Tumayo ako dala ang aking notes at nagpanggap na ipapacheck ito sa aming teacher kahit alam ko naman na next meeting niya ito kokolektahin. Sinadya kong tunguhin ang row nila kung saan siya nakaupo. Nakalugmok ang mukha niya sa desk na animo'y umiiyak. Inihulog ko ang aking notebook sa harap niya upang masilip ang mukha niya, pero sa saglit na segundong iyon ay 'di ko nakita kung umiiyak ba siya. Inulit kong inihulog ang notebook ko sa tapat niya para silipin ng maigi. "Sabihin na kasi kung ano gusto sabihin", pasaring ng isa sa mga tropa ni Jayve habang nagsusulat. Tumungo na ako sa aming guro. "Ma'am si Jayvee natutulog po", bulong ko sa aming guro. Tinawag niya naman ito agad at pinapunta sa mesa niya. "Bakit po?", tanong nito habang halatang namumugto ang mga mata nito. Halos magkatabi na kami ngunit hindi parin siya lumilingon sa kinatatayuan ko. Iniiwasan niya talaga ako, ba't parang ang bigat ng kasalanan ko? "Umiiyak ka ba?", tanong ni Ma'am. "Hindi po, may sore eyes lang", sagot nito at dalidaling bumalik na sa kanyang upuan.
Sore eyes daw...umiiyak nga siya. "Chester, Alam ko hindi madali ang naka assign sa'yo pero sana pagsikapan mong turuan siya, magaling naman 'yan dati pero ewan ko ba't nagkaganyan, sana naman eh magaan na ang loob niyo sa isa't isa, next week na ang start ng tutoring niyo", pinaalala niyo pa po ma'am. Lagot na talaga ako, goodbye grades na ba? Time is ticking AC, wala ka pa naaayos!!!
Madaling lumipas ang oras, lunch break na at nagsisimula nang magsi alisan ang mga kaklase namin. "AC! Sabay na tayo maglunch?", alok sa akin ni Miguel. Pero umiling na lamang ako para sabihing hindi ko gusto. Nilapitan niya ako at minasahe ang balikat ko "relax lang kaya mo 'yan", pagpapakalma niya sa akin. "Thank you", sagot ko sa kanya. Umalis narin ito kasama ang mga kaibigan niya. Nilingon ko naman si Jayvee na hindi pa tapos sa pagsusulat ng lectures, nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Nanlilisik ang mga mata na agad niya namang iniwas. Galit nga siya, hindi ko na kailangang ipagpasa isang linggo pa ito. Lumabas na ng room ang mga tropa niya para doon maghintay. Nagdadalawang isip akong lapitan siya pero pikit mata ko nalang itong ginawa. "Jayvee, sorry", ngunit wala itong imik at patuloy lang sa pagsusulat na animo'y hindi niya ako naririnig. "Jayvee sorry talaga, pansinin mo naman ako please, ano gusto mo gawin ko para mapatawad mo na ako? Hindi na ako makatulog kakaisip sa'yo, kasi... mali talaga ako hindi ko dapat sinabi sa'yo ang mga bagay na 'yun, andito na ako oh suntukin mo'ko dali!!!", mahabang pakiusap ko sa kanya. Tapos na siya sa pagsusulat at itinago na ang kanyang notebook. Nilingon niya ako habang ako ay nakaluhod sa gilid niya. Sa wakas at ngumiti na siya, napapikit ako sa pagdapo ng kamay niya, dali daling kinurot niya ang pisngi ko at tumakbo na palabas ng room. Tulala ako ng mga oras na iyon habang nakaluhod. "Ano 'yun?, akala ko ba naman susuntukin niya ako, okay na ba kami?", litanya ko. Pero teka, ba't parang ang bilis ng kabog ng dibdib ko? Wala lang siguro 'to, mainit ang
panahon inom lang ng tubig ang katapat nito. Ang mahalaga okay na kami!!! Thank you lord!!!
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Ficção AdolescenteSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...