Sa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...
Mabilis na lumipas ang mga araw hindi ko namalayang huling araw na pala ng linggo. Sa wakas ay nairaos ko din ang aking first week sa school na 'to. Wala pa kaming masyadong ginagawa bukod sa pagrecall ng past lessons namin sa junior high at pag assign ng mga officers. Wala ako hilig sa pagiging concern sa welfare ng iba, I mean mature naman na kami magisip at kung disiplina din lang nasa sa amin na 'yun. Nakuha ako bilang secretary, not bad at least hindi ganon ka major ang obligasyon ko at least I can focus more on my academics.
Hindi rin nagtagal at nakahanap na ng friends 'yung tahimik sa likuran ko, sabi ko na sa umpisa lang talaga tahimik ang klase. Nagkaroon na ng mga grupo grupo, palitan ng numbers at ang paborito ng lahat harutan! Ako naman ay bilang isang nalalabi sa lipin ng mga dalagang Filipina, nakaupo lang at pinagmamasdan sila. "Uy AC", tawag sa akin ng babaeng kaklase ko. Si Mary Joy, isa sa tingin ko ay okay naman ang ugali. "Sama ka sa amin bukas, you want?, nood tayo sine", naku naku ayoko sana lumabas this weekend pero ayoko namang tumanggi. Pumayag nalamang ako, okay narin to para makilala ko sila. Nagpalitan na kami ng number at friends na kami sa facebook. Nahuli ko namang nakatingin mula sa malayo si Adik, kaya bilang ganti inirapan ko siya. Kapal talaga ng mukha nakakapang init ng ulo!!! "Ahmmm AC may nagpapabigay sa'yo!!!", salubong ng kaklase ko nahalos lumuwa ang dila kakatakbo. "Huh? Kanino galing?" Aking pagtataka. Isang sulat ang iniabot sa akin ni Joshua mula sa hindi ko mawari kung sino. "Secret admirer mo daw!!!", bulalas nito dahilan upang magsigawan ang lahat "uuuuuuuuyyyyyyyy!!!!", panunukso nila sa akin. Ano? Secret admirer? Kasi? Paano? Eh bago palang ako dito ni iilan pa nga lang nakakausap ko, isa pa wala akong time para sa kabaliwang 'yan. Love letter sa panahon na ito? Ang corny!!! Ang corny talaga may nantitrip nanaman sa akin. "Malandi na 'yung bakla oh!!!", sigaw nung barkada nung Adik. Nagsitawanan naman ang iba habang nakatingin sa akin si Adik. Para akong hinuhusgahan sa mga tingin niya. Ginantihan ko na lamang sila ng irap, isa pa ayoko naman nang pahabain pa, mapapagod lang ako sa mga 'to.
Para sa mga interesado kung ano muka ng Adik na 'to see the picture below!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
tama naman ako diba??? Muka siyang adik at isa pa, fuckboy!!! Kasama ng mga fuckboy niyang barkada. Walang patutunguhan sa buhay at laging nakaasa sa magulang. Ang sarap ipatokhang taga ang lalaking 'to! Nang mabawasan ang mga tunay na salot sa mundo. Akala niya ikinaguwapo niya 'yang gupit niya? Hmp!!! Muka siyang tambay, tama mukha siyang tambay na laging tumitingin tingin para may hamunin ng away at sa kasonh ito ako iyon. Huwag lang talaga magbigay ng pagkakataon ang tadhana ay naku! Makikita niya hinahanap niya!!!