"AC!!!", tawag sa akin ni Miguel habang nagmamadali ako dahil mahuhuli na ako sa first subject.
"Bakit??? Late na tayo"
"'Wag na tayo pumasok"
"Baliw ka ba?, may 2 exam pa"
"Kayang kaya naman na natin 'yan, sige na please"
"Bakit ba???"
"Date tayo"
"Huh??? Ano???"
"Date tayo"
"Hala, nabagok ba ulo mo nung naaksidente ka??? Ang lakas ata ng tama mo"
"Tsss AC naman pagbigyan mo na ako, friends tayo 'di ba???"
"Parang abuso ka na sa friendship natin ha???"
"Sige na, last na baka 'di mo na ako makita"
"Luh!!! Pwede naman ako bumiyahe kaya lang baka every holidays lang or long weekends"
"Sige biyahe kang Japan"
"Ano???"
"Wala"
"Ano sabi??? Anong Japan???"
"Aalis narin ako hehe"
"Wait bakit? Hanggang kailan"
"The day after ng ball"
Nabigla ako sa sinabi ni Miguel, totoo nga bang aalis na siya??? Nakangiti mang sinabi ito ni Miguel ay tila ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Ayon sa kanya ay magtratrabaho na ang kanyang mama sa Japan at gusto na siyang isama. Hindi man naging malinaw ang dahilan ni Miguel ay wala rin akong magagawa.
"Saan tayo mag..."
"Magdadate???"
"Oo saan?"
"Ba't 'di mo masabi hehe"
"Awkward ang term eh"
"May malisya ka???"
"Wala! Kapal mo po"
"Tsss joke lang, alam ko naman..."
"'Wag mo nang ituloy nakakasawa na ang drama mo"
"Sorry pala ha"
"Para saan?"
"Sa lahat lahat, ang kulit ko noh???"
"Sakto lang"
"Attend ka ng prom ha?"
"Oo na nga"
"Good, pakikiligin kita kaya humanda ka"
"Pakikiligin talaga???"
"Ba't ano ba gusto mo?"
"Wala, bahala ka lakas ng trip mo"
"'Pag nasa Japan na ako send ka palagi pictures mo ha?"
"Post ko nalang ba't dm pa?"
"Ah ok, ingat ka sa bago mong school ha?"
"Oo naman, kaw din ingat ka 'wag kang siraulo doon"
Nang walang pasabi, bigla na lamang niya akong hinalikan sa labi. Naging mabilis lamang ito kaya hindi ko nagawang umiwas. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil baka kung ano isipin ng mga tao sa paligid namin. "Ano 'yun??", tanong ko sa kanya. Agad niya naman akong sinagot. "Goodbye kiss", maikli niyang litanya. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o maaawa sa mokong na'to.
Nagtungo kami sa isang park ngunit pagtataka ko ay walang ibang tao kundi kami lamang. Ano nanaman kaya ginawa ng siraulong 'to? Agad niyang tinakpan ang aking mga mata gamit ang panyong kanyang dala. "Huy ano 'to??? Ang corny mo", pagpigil ko sa kanyang ginagawa. Dahan dahan niya akong ginabayan maglakad papunta kung saan. Wala akong ideya kung anong tumatakbo sa isipan niya ang alam ko lang ay kailangan kong ihanda ang sarili ko sa mga trip nitong mokong na'to.
"Alisin mo na 'yang piring mo", utos niya sa akin. Dahan dahan ko itong inalis at kinuskos ang aking mga matang nasanay sa higpit ng pagkakalagay ng piring. Unti-unti kong nasaksihan ang kailanma'y hindi ko lubos inasahan. Ang paligid ay puno ng mga petals ng rosas habang nasa harapan ko ay magarang mesa na ihinanda para sa dalawang tao. "Nagustuhan mo?", sambit ni Miguel habang 'di ko mawari ang nararamdaman ko. Ba't ginagawa ito ni Miguel sa akin? Hindi ko kailanman deserve ang sakripisyong ginagawa niya.
"Hindi mo ata nagustuhan eh", dugtong nito nang matulala ako sa nangyayari.
"Gusto pero...", hindi niya na ako pinatapos at may tumugtpg na awitin mula sa mga speakers na nakaposusyon sa damuhan. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Gulong gulo man ako sa nangyayari ay nagpaubaya na lamang ako. Dahan dahan niya akong isinayaw sabay sa bagal ng tiyempo ng tugtog. Walang salita akong narinig mula sa kanya at habang tumatagal ay tila naglalaho ang tunog mula sa awitin at unti-unting nadidinig ko ang kabog ng aking dibdib.
Natapos ang tugtog at niyakap niya ako ng mahigpit. Naging matagal ang pagkaka akap niya sa akin. "Huy hindi naman ako makahinga Miguel", pagbibiro ko. "Ah sorry", kaswal na sagot nito sabay ngiti nito sa akin. Pansin ko ang mamula mula niyang mga mata. "Upo na tayo?", pagyayaya ko sa kanya. Hindi nagtagal ay bumalik na sa normal ang kanyang mga mata at ngumingiti na rin siya pabalik sa akin.
Tumatakbo sa aking isipan kung bakit kailangang gawin sa akin ni Miguel ito? Hindi ako karapat dapat sa pagiging mabuti niyang tao at alam kong hindi ko kayang suklian ang kung ano man ang ibinibigay niya sa akin. Ganito ba talaga ang pagmamahal? Kaya kang piliting gawin ang isang bagay nang walang kapalit. Ilang beses ko nang pinaalam kay Miguel na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya ngunit ito pa rin siya at nagpapatuloy sa bagay na pwede niyang ikaubos.
"Alam ko iniisip mo, 'wag ka mag alala tanggap ko na. Pero baka matagal pa ako bago maka move on sa'yo ibang klase ka kasi eh. Siguro 'pag alis ko mas magiging okay na ako hehehe", paliwanag niya sa akin. Muli nanaman akong natulala sa ikinikilos niya. Positibo ang mga bagay na sinasabi niya ngunit ramdam ko at pansin ko sa kanyang nga mata ang lungkot na nakakubli. "Friends naman tayo sabi mo 'di ba?", tanong niya sa akin habang wala parin ako sa aking sarili.
"Oo, friends tayo kaya sana gusto ko makahanap ka ng tao na kayang suklian 'yung pagmamahal mo, itong effort na ibinibigay mo"
"Ikaw din sana huwag mong isara 'yang puso mo dahil nabigo ka lang minsan"
"Oh ba't ako naging topic dito?"
"Ikaw 'tong bitter eh hahahaha, mahal mo pa si Jayvee 'di mo pa aminin"
"Jayvee ka diyan!"
"AC huwag na tayong maglokohan alam ko naman mahal mo pa si Jayvee, okay lang, basta 'pag sinaktan ka ulit ng gagong iyon tawagan mo lang ako ha? Bubugbugin ko 'yun o 'di kaya kung sakaling hindi mo na siya mahal, ako na lang ha? Hintay lang ako, kahit sa next life pa, kung hindi parin... basta hintayin lang kita"
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Teen FictionSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...
![Announcement: Walang Forever [Complete]](https://img.wattpad.com/cover/143193528-64-k227648.jpg)