19

3.9K 74 4
                                    

Nasilayan ko ang mahimbing na pagkakatulog ni Jayvee. Nilapitan ko siya para sana'y gisingin. Ang amo pala ng mokong na'to 'pag tulog, sana ganyan ka nalang parati, isang anghel na payapa at hindi makulit. Mukhang talagang masama ang pakiramdam niya, sa susunod ko nalang ata siya gagawan ng lectures. "Jayvee mauna na ako, pagaling ka nalang next time nalang kita sulatan", bulong ko bago ako tumalikod para umalis. Sa aking unang hakbang ay nagulat ako nang bigla niyang dinakma ang kamay ko. Napapikit nalang ako sa pagkailang. Dahan dahan ko itong inalis, siguro ay nananaginip lang 'to. Sa aking muling pagtalikod ay dinakma niya ulit ang aking kamay at puwersahang hinila. Halos makaladkad ako sa puwersa niya. May sakit ba talaga 'to? Bakit ang lakas? "Uy...Jayvee", kaswal kong bati sa kanya. "Ano ginagawa mo dito?", bulong nito habang halos 'di niya maimulat ang kanyang mata. "Ah sorry, nagtext ako sa'yo pero 'di ka sumasagot kaya dumeretcho na ako dito para sana iabot sa'yo 'tong mga bagong lectures natin, aalis narin ako", paliwanag ko nang bigla niya ako hinatak muli. Siraulo ba 'to? Anong ginagawa niya?

"'Wag ka muna umalis"

"Ah... sige sige, pero 'yung kamay ko puwede???"

"Ayoko"

"Excuse po Mr. Jayvee Alcantara, hindi po kasama sa task ko ang makipaghawakan ng kamay, ipahinga mo na lang 'yan 'wag ng makulit"

"Akala ko pa naman gusto mo ako alagaan"

"Hay nako tumigil ka nga diyan kung ano ano sinasabi mo diyan, ipahinga mo na"

"'Wag ka aalis ha?"

"Oo na, pero hanggang 6:30 lang ako"

Nagpahinga na nga ang makulit na bata. Ang weird niya pala 'pag may sakit, hindi ako sanay. Para bang may kausap akong bata. "Nak! Meryenda ka muna sa baba, ako muna dito", bulong ni manang. Tumanggi ako ngunit mapilit si manang. Dahan dahan akong bumaba at tinungo ang kusina. Naabutan ko ang kapatid ni Jayvee na nagmemeryenda. Ano ba 'yan nahihiya ako, ba't naman kasi sa tuwing nagkakaharap kami nadadapa ako, ang lampa ko naman. "Oh, kumain ka dito", yaya sa akin ni... sino ulit ito??? Basta kapatid ni Jayvee. Lumapit ako ng dahan dahan halos kumulubot ako sa hiya. "Ang lamya mo naman", pagpuna nito sa akin. Hindi pa ba halata para sa kanya kung ano ako? "Ang layo mo naman dito ka sa tabi ko", aba aba walang duda magkapatid nga sila, saksakan ng presko ang paguugali eh. Mahinhin akong kumain ng inihandang pansit at pizza ni manang. Pinuno ng katahimikan ang paligid, walang imikan sa aming dalawa. "Ehemmm!!! Ano ba kayo ni Jayvee???", kaswal na tanong nito sa akin. "Classmate ko po siya tapos ako naka-assign na mag tutor sa kanya".

"Alam ko na 'yan, ang sabi ko ano ba kayo ni Jayvee?"

"Po?"

"Nililigawan ka ba niya?"

"Huh?, hindi po! Hindi po ba halata isa akong gay"

"Alam ko, naninigurado lang."

"'Wag ka pong mag alala hindi ako papatulan ng kapatid mo, isa pa walang forever sa mga tulad ko kaya ba't pa sisimulan 'di ba?"

"Dami mo sinasabi kumain ka na nga, Sino ba nagsabi sa'yo na kapatid ko siya?"

"Huh, 'di ba?"

"Pinsan ko siya, magkaedad lang tayo"

"Ahhhookayyy, thank you pala sa pagtulong sa akin nung nadapa ako sa school K..."

"Kyle!"

"Oo nga pala, basta salamat aaminin ko lampa talaga ako, mahina ako sa pe"

"Kita ko nga"

"Paano mo pala nalaman name ko?"

"Ahhh... ehhh...narinig ko lang kausap ka ni Jayvee sa cellphone"

"Ahhhhokayyyy"

"Ano pala number mo?"

"Huh?, bakit?"

"Para matext kita kung walang load si Jayvee!"

"Sige..."

"Thank you"

"Uy Kyle may tanong ako, hindi sa pangengealam pero nabanggit ng teacher namin na hindi naman daw ganyan si Jayvee dati, ano ba talaga nangyare?"

"Mahabang kuwento pero to make the long story short, broken family sila, may kapatid siyang babae at 'yun ang isinama ng mama niya nang maghiwalay sila ni tito."

"Kaya pala, parang nagrerebelde siya, ilang taon siya nun?"

"12?"

"Bata pa pala siya, close naman kayo?"

"Sakto lang"

"Okay"

"Ako? 'Di mo ba tatanungin bakit ako ganito?"

"Hahahahahaha ba't naman, close ba 'tayo?"

"Gago ka ah!"

"Joke lang!!! Sige na nga bakit may tattoo ka?"

"Ang astig eh, gusto mo tignan?"

"Hindi na, nakita ko na, mukha ka namang matino kahit medyo bad boy looking ka infairness sayo"

" baket? Gusto mo ba 'yung badboy?"

"Hindi ako nagkakagusto kahit kanino, hindi ako naniniwala sa love eh"

"Arte mo naman! May nanakit ba sa'yo?"

"Wala, ayoko lang talaga"

"Ba't 'di mo subukan"

"Hindi na kailangan alam ko na kalalabasan"

"Dami mong alam, ako? 'Di mo ba ako tatanungin?"

"Oh... mahilig ka ba sa badboy?"

"Tssskkk!!! Hindi 'yan"

"Joke lang, pikon mo, may gf ka?"

"Wala, pero nakareserved na ako"

"Ikaw pala maarte eh, by-the-way nice talking to you ha, pasensya na madaldal ako kahit ako nabibigla din eh"

"It's okay, can I ask a favor?"

"Okay lang ano 'yun?"

"Can we take a selfie?"

"Selfie??? Ahhhokayyy..."

"Thanks"

"Para san ba?"

"Thesis"

"Seryoso??? Okay okay"

Sa pagpatak ng 6:30 ay umuwi narin ako at nagpaalam kay manang at Kyle. Si Jayvee naman ay mahimbing pa ang pagkakatulog kaya hindi ko na inistorbo pa. Napakabait pala nung Kyle medyo weird lang. Sana naman umokay na ang pakiramdam ni Jayvee para nakapagsimula na kami.

 Sana naman umokay na ang pakiramdam ni Jayvee para nakapagsimula na kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon