12

4.8K 89 2
                                        

"AC heto oh may sulat ka tatlo, ano ba 'yan ngayon ko lang nakuha matagal na siguro 'yan.", pambingad sa akin ni mama matapos kong maghanda para pumasok sa school. Ano nanaman 'to? Naalala ko, hindi ko pa pala nababasa 'yung sulat na iniabot sa akin last last week. Para saan pa? Bahala nga ito. Aking ibinulsa na lamang ang mga sulat nang walang ingat. Sa moderno naman kasi ng panahon ngayon sino pang mag iisip sumulat, sabi nila sweet pero para sakin maganda lang 'to sa mga novels.

"Good morning!", bati sa akin ni Miguel na nakasabayan kong pumasok ng gate. Binati ko rin naman ito. "Himala, hindi ka na masungit", ganon ba ako kasungit? Paanong hindi na? "Bakit sobra ba akong sungit?", komportable kong tanong sa kanya. "Medyo? Pero alam ko namang mabait ka, masunurin ka ngang bata", na-touch naman ako sa sinabi nitong mokong na 'to. Siyempre wala naman dapat akong ibang gawin kundi sumunod kila mama, 'yun naman dapat diba? "May gagawin ka ba mamaya?", tanong nito sa akin. "Wala naman, bakit?", "kain tayo", paganyaya nito sa akin. "Tayo?", agad ko namang dugtong. "Ahmmm tayo! Tayo nila Mary Joy", panapos nito. Akala ko naman kung ano na. Ano ba AC???!!! Praning lang, 'di ba nga hindi totoo ang love love na 'yan mas lalo na sa tulad mo. Nakmadali na kami upang makarating sa room dahil medyo late narin.

"Okay tamang tama andito na si Chester...", Pag anunsyo ni Ma'am saktong pagpasok namin ng pinto. Ang aga ata ni ma'am, wala pa namang 7:30 huh? "Chester I have decided na bumuo ng pairs dito sa section niyo para i tutor niyo ang isa't isa, don't worry dahil nagbase ako sa previous grades niyo kaya ang mga hindi ganoon nadadalian sa mga subjects ngayon ay ipinares ko sa mga madaling natututo, You will go with Jayvee", huh? Bakit? Seryoso? "Ma'am...", pinutol ako agad ni Ma'am para sabihing hindi na puwedeng baguhin ang pagpapares. Wala nalang ako nagawa kundi yumuko habang dinig ko ang tawanan ng grupo ni Jayvee. Hindi man lang ba ako tatanungin kung gusto ko ang taong iyon.

Hindi sa hindi ko kaya pero siyempre mas madaling turuan ang taong willing matuto at sa case niya mukhang wala naman siyang interes sa pinagaaralan niya. Sa kilos at asta niya palang halatang pumapasok lang siya para sa baon at hindi para matuto. Kung magkataon at hindi nag improve ang grades nitong adik na 'to ako pa 'tong malalagot dahil sa incentives na matatanggap ng pair na most improve ang performance. Sabi nang mama, magaaral daw ako sa isang sikat na university sa kolehiyo kung magagawa kong maging consistent top hanggang dulo ng Senior High school, baka madrawing pa dahil lang sa adik na'to, pano na future ko? "AC! Okay ka lang?", dinig kong tanong sa akin ni Miguel pero hindi ko na lamang ito pinansin. Ang sama ata ng araw na 'to, sana lumipas na agad.

"Huy!", pilit na kulit sa akin. "Okay lang ako, sagot ko sa kanya habang nakayuko at nagmumukmok. "AC!", pangungulit niya sa akin. "Ano ba? Okay nga lang ako", medyo tumaas ang boses ko at nagulat ako sa nakita ko. Si Jayvee ang nasa likuran ko. Ano ba 'to??? Kamalasan nga naman...

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon