48

2.6K 58 3
                                    

Nakaalis na nga si Jayvee, pinilit namin siyang ihatid nalang sa airport ngunit siya na mismo ang may ayaw baka daw maiyak pa daw kami. Kahit sa huling pagkakataon talaga mayabang parin ang isang 'yun pero sa totoo lang mamimiss namin siya, mamimiss ko siya. Ito ako ngayon solo flight at nagpapahinto ng ulan. Nakauwi na ata lahat ng kaklase ko at ako nalang naiwan. Si Kyle naman pala ayun medyo lumayo loob niya sa amin, siguro dahil akala niya galit parin ako sa kung anong ginawa nila ni Jayvee pero kung ako ang tatanungin, wala na sa akin iyon, mag sorry lang siya okay na ako, hindi naman kasi ako mahilig magtanim ng galit.

"AC!!!", sigaw ng pamilyar na boses, si Miguel

"Ano ginagawa mo dito? 'Di ba nakauwi ka na?"

"Susunduin ka, 'di ba halata"

"Naabala pa kita"

"Friends tayo 'di ba?"

"Oo nga naman"

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa kotse niya. Medyo lumalakas pa ang ulan, siraulo itong isang 'to nagpapaka hero pa ayan tuloy nadamay pa sa ulan. Pero 'di halata pagkapikon sa kanya sa tilamsik ng tubig baha. Tuwang tuwa pa ata ang mokong. Pumasok na kami sa kotse niya. Medyo nahiya pa ako dahil sa basang basa ako, ayoko namang magkalat sa loob.

"Sorry Miguel basang basa ka tuloy, pati 'tong kotse mo"

"Okay lang, basa karin naman kaya okay lang"

"Ganon?"

"Biro lang, seryoso ka nanaman tignan mo sumama na panahon"

"Ba't mo pa kasi ako sinundo, nadamay ka pa sa sama ng panahon"

"Baka tinangay ka na ng ulan 'pag 'di pa ako dumating"

"Luh, hindi naman ako papel"

"basang basa ka na, nilalamig ka ba?"

"Ayos lang ako", walang ano ano pang may kinuha siya sa likuran ng kotse. Kinuha niya ang isang jacket at pilit akong pinagpalit.

"Huy! Sa'yo 'to ikaw magpalit, lalamigin ka"

"Tsss isuot mo na sabi eh"

"Ayoko!"

"Isusuot mo o ako maghuhubad sa'yo???!!!"

Nabigla naman ako sa sinabi niya. Naramdaman kong bumilis ang kabog ng dibdib ko. Agad na ako nagpalit at isinupt ang jacket na ibinigay niya. Naging komportable naman ako sa jacket niya, kahit papaano ay hindi na ako nilalamig ngunit inaalala ko siya. Siya ang nagmamaneho pero siya pa 'tong basang basa ang kapal naman ng mukha ko. Hindi ako mapakali at humahanap ng tyempo upang tanubgin siya tungkol dito.

"Miguel!"

"Oh?"

"Ikaw nalang kaya magsuot nito? Nilalamig ka na oh"

"Wala lang 'to, ikaw mas kailangan mo 'yan"

"Nakakahiya na nga sa'yo eh, sige na"

"Ayaw mo akong lamigin? Sige halika dito yakapin mo'ko"

Ba't parang iba siya ngayon? Hindi ako sanay na marinig sa kanya ang mga bagay na ganyan. Kadalasan ko lang naririnig ang mga ganyang linya kay Jayvee. Ano nakain nito? "Nakakatawa ka", pagiwas ko nalang sa sinabi niya at nais niyang gawin ko. Kung hindi lang umuulan tumalon na ako palabas ng kotse niya. Pinuno ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Wala man lang radyo na kayang kitilin ang pagkailang ko sa siyawasyong ito. Habang tumatagal ay napapansin kong iba ang binabagtas naming daan, hindi ang daang pauwi sa amin.

"Iba ata dinaanan natin?"

"Daan muna tayo sa boardinghouse ko"

"Uwi 'din ako ngayon ha?"

"Oo bakit? Ganon ba si Jayvee sa'yo? Hindi ka niya pinapauwi agad?"

"Luh, pano naman napasok sa usapan si Jayvee???"

"Wala"

"Anong wala?"

"Wala nga"

"'Di pwedeng wala, sorang random naman na banggitin mo 'yung tao, nananahimik na sa ibang kontinente oh"

"Wala nga sabi e!!!"

"Okay okay, kailangan magalit?"

"Sorry"

"Masydong mainitin ulo mo, ba't ka ba ganyan?"

"Eh kasi nagseselos ako"

"Huh? Ano?"

"Nasabi ko na 'di ba? Uulitin ko pa?"

"Panong? Nagseselos kanino? Sorry ha, 'di ko alam 'di ka naman kasi nagkukwento, si Lucy ba?"

"Ikaw!!!"

"Huh? Ako? Paano?"

"Hindi ba obvious, mahal kita AC"

"'Di magandang joke 'yan Miguel, tumigil ka"

"Tsss! 'Di nga joke, totoo 'to AC at hindi ko alam kung bakit si Jayvee madali mong nagustihan at madali mong napatawad pero ako, heto kaibigan mo pa rin, dimistansya ako kasi ayokong makialam sainyo ni Jayvee pero ngayon dapat ako naman"

"Wait... nabigla ako, seryoso ba 'yan?"

"Seryoso AC, ba't ba 'pag ako nagsasalita mukang joke lang para sa'yo, mahal kita simula pa nung una"

"So paano?"

"Gago naman AC!!! Anong paano? Siyempre liligawan kita"

"Ba't ginagaya mo si Jayvee???"

"Huh? 'Di noh"

"'Yang galawan mo, hindi ka naman ganyan dati"

"Paano ba dapat?"

"Edi be yourself, mabait ka kaya tapos pogi 'di mo na kailangang gayahin kung sino man"

"Sorry"

"Kaya lang, pwede hinay hinay lang muna? Kasi nangako na ako sa sarili ko na studies muna, mag cocollege narin kasi tayo, pero kung naiinip ka pwede namang humanap ka ng iba, basta friends naman tayo eh"

Walang naging imik si Miguel alam kong hindi siya payag sa kung ano lang ang kaya kong ibigay sa kanya ngayon. Pero alam ko maiintindihan niya rin ako at magiging masaya sa kung ano kami ngayon, mabuti na rin ang ganito.
——————————————————————————————————————————————————————

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon