Nagring ang aking cellphone habang ako ay nagsisimula nang mag ayos ng aking sarili para sa promenade. Call time ay 6:30 PM SA Venue pero mukhang mahuhuli pa ata ako. Hindi naman siguro magsisimula 'uon kaagad agad. Nagring ang cellphone ko, si Miguel ay tumatawag. Sinagot ko na lamang ito nang naka loudspeaker.
"Oh Miguel?"
"San ka na???"
"Ah ito nga nagbibihis pa lang, ma lalate siguro ako, ikaw ba saan ka na?"
"Nagbibihis din hehe"
"Pareho lang pala tayo"
"Sige, tawag nalang ako ulit mamaya basta pumunta ka ha?"
Nagmadali na ako pero hindi parin bumabalik si papa upang ihatid sana ako sa venue. Ano ba 'yan si papa baka malapit na akong ma late. "Ma matagal pa ba si papa???", tanong ko kay mama. Hindi narin mapakali si mama at tinatawagan na si papa pero hindi ito sumasagot. Nagsisimula nang tumagaktak ang pawis ko dahil sa aking pagkainip. Ayoko namang mahuli nang dating baka sabihan pa nila akong pa-VIP.
Halos isang oras na ang nakakalipasat wala parin si papa. "Ma, anong oras na wala pa si papa mag commute nalang ako", paalam ko kay mama habang kunot ang aking noo. Nasaan na ba kasi si papa? Sabi ihahatid ako tapos wala naman pala. Palabas na ako ng aming bahay para pumara na lamang ng pwede kong masakyan pero sakto namang parating na si papa. Agad na niya akong pinasakay para ihatid sa venue.
"Pasensya ka nak ha? Tinawag kasi ako ng ninong mo emergency daw", paliwanag niya sa akin. "Okay lang pa, ba't 'di ka sumasagot sa tawag ni mama lagot ka nagalala 'yon", sagot ko naman sa kanya.
"Hehe gusto mo ba malaman kung ano talaga dahilan???"
"Ano? May babae ka?"
"Wala"
"Eh ano?"
"Anniversarry namin ng mama mo dadalhin ko siya mamaya lalabas kami, may mga inayos lang ako"
"Tsss 'yun lang pala ba't mo pa pinag alala si mama pwede namang sabihin"
"Marami ka pa talagang dapat matutunan"
"'Yun lang ang seryoso mo naman pa"
"Nak lumalaki ka na, wala akong nasasabi diyan sa pagiging kakaiba mo pero dapat nak matutunan mo mga bagay bagay tulad nito. May mga bagay kailangan nating gawin kahit hindi maututuwa ang isang tao dahil minsan ito pa ang makakabuti at makakapagpasaya sa kanila sa bandang huli"
"Ano? 'Di ko gets"
"Wala! Sabi ko text moko pag sunduin na kita, 'wag kang masyadong maghaharot"
"Luh grabe siya"
"Hehehe anak larin kita kaya umayos ka, ibitin kita patiwarik"
"Luh"
"Biro lang hahahahaha"
Nakarating na ako sa venue at pansin ko ay hindi lang naman ako ang na late sa pagdating. Inayos ko na ang sarili ko at inihanda para sa walang patid na pagkuha ng pictures ng mga photographers ng school. "Late ka", bungad sa akin ni Kyle. Palabas siya ng venue at tila uuwi na. "Saan ka pupunta?", paguusisa ko. "Uwi na, ang boring", sagot nito habang siya'y nakatalikod na sa akin at tuloy tuloy na sa paglalakad. Mali ata desisyon ko, baka mabagot lang din ako sa loob.
"Mr, pumasok ka na, ano pa ginagawa mo dito sa labas???", biglang tawag sa akin ng isa sa mga faculty members. May katandaan na ito kaya naman siguro ganun na lang makapag sungit sa akin. Wala narin akong nagawa kundi tumuloy. Kaliwa't kanan ay nagsisi flash ang mga camera na tila ba isa akong artista at sila ang mga paparazzi. Namangha ako sa ganda ng pagkaka organise ng lahat. Para bang kami ay umaattend sa engrandeng ball na mga elite lamang ang imbitado.
Sa lawak ng venue ay halos hindi ko mahagilap ang mga kaklase ko. Kinalabit na lamang ako ni Lucy na aking ikinabigla. Hindi ko maipaliwanag ang ganda ng ayos ni Lucy, babaeng babae siya ngayon. Mahilig lang kasi siya magsuot ng pang boyish na outfit kaya madalas mapagkamalan siyang tomboy pero kung alam lang nila. "Nandito na si Miguel?", tanong ko kay Lucy. Matagal bago niya ako sinagot. "Hindi ko alam, akala ko nga baka nagkita kayo sa labas", mariin niyang sagot.
Ang daya naman noon akala ko mauuna pa siya kaysa sa akin, eh mas malapit naman tinutuluyan niya kaysa sa bahay namin. "Sige AC tawag ako ni Ma'am", paalam niya at lumakad na tila isang beauty queen sa kanyang magarang evening gown. Inilabas ko na ang aking cellphone upang tawagan siya ngunit cannot be reach ang cellphone niya, mukhang may kausap ata.
Sino na makakausap ko? Nakaka OP pa naman dito. Sila Lucy busy sa mga inuutos sa kanila habang si Kyle kakaalis lang. Nagsimula na ang dinner at wala parin si Miguel. Ano kaya ginagawa nun? Pinilit pilit akong sumama tapos siya pala ang hindi sasama. Tinadtad ko na siya ng text dahil hindi parin siya ma-contact. "Huy kumain ka nga lang, cellphone ka ng cellphone", pagsuway sa akin ni Mary Joy. "Si Miguel kasi, baka akala niya hindi pa nagsisimula", sagot ko sa kanya.
"Haynako 'wag mo ng asahan iyon", pagdidiin niya. "Humanda siya 'pag 'di siya umattend, pinilit pilit niya ako tapos siya pala hindi sisipot", pagmamaktol ko. Natapos na ang kainan at wala parin si Miguel. Unti unti na akong nawalan ng gana sa programa. Nakakaasar talaga siya, sinabi niya nalang sana na hindi siya pupunta edi sana hindi narin ako pumunta.
"AC 'wag ka ngang sumimangot diyan, bakit ba kung wala si Miguel?, mag enjoy ka nalang"
"Pano ba ako mag eenjoy eh siya nga namilit..."
"AC isa pa sasampalim na kita"
Nabigla ako sa ikinilos ni Lucy. Tama ba ang mga salitang narinig ko sa kanya? May nasabi ba akong mali? Galit ba si Lucy sa akin?
"Alam mo matagal na kitang gustong pagsabihan hindi dahil naiirita ako sa'yo pero dahil kaibigan kita at kaibigan ko rin si Miguel"
"May problema ba tayo?"
"Sakin wala pero sa'yo meron"
"Huh?"
"Pwede ba huwag mong hanap hanapin 'yung taong binabalewala mo lang"
"Binabalewala? Si Miguel? Akala ko ba naiintindihan mo?"
"Iniintindi ko pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo kayang bigyan man lang ng chance yung tao"
"Lucy"
"Napakabuti niya AC, sino ba hinahanap mo 'yung nanggago sa'yo?"
"Pasensya na Lucy, pilitin ko man wala talaga, alam mo na hindi rin magiging maganda dahil hindi masusuklian ang mga ginagawa niya"
"So final na talaga? Friends lang talaga kaya mo ibigay kay Miguel?"
"Oo, kung nasasaktan ka bilang bestfriend ni Miguel sorry pero may point naman ako di ba?"
"Sige, kung 'yun talaga edi susuportahan nalang kita diyan pero ipaalam ko lang sa'yo, umalis na si Miguel"
"Ano???!!!, pero..."
"Ewan ko nga rin dun"
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Fiksyen RemajaSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...
![Announcement: Walang Forever [Complete]](https://img.wattpad.com/cover/143193528-64-k227648.jpg)