38

2.7K 49 1
                                        

Araw ng pagdiriwang namin ng buwan ng wika. Galk na galak ang lahat lalo na sa tatanghalingvlakambini at lakandula. Puspusan ang paghahanda kaya maaga pa man ay tumungo na ako sa silid kung saan sila naghahanda. Parang bago sa pakiramdam ang muli kong pagpasok. Matagal tagal narin akong missing in action at isa pa nahihiya ako sa mga kaklase ko dahil wala man lang akong naiambag sa presentasyon namin. Ipag sisigawan ko nalang sila makabawibawi man lang. "ba't mo pa ako sinasamahan, hanapin mo na sila baka may last rehearsal pa kayo", sabi ko kay Miguel na buntot ng buntot sa akin. Magaling naman na ako pero ang isang ito ay masyadong paranoid. Siya yata kailangan i-confine.

"Girl gusto ko magpapicture dun kay Jayvee matagal ko na 'yung crush", dinig ko sa isang estudyante mula sa ibang section. Pasensya sila pero sa akin lang siya. Napakaraming taonsa hallway papunta sa designated room para sa kila Jayvee. Hindi na nga ako lakambini, hulas na hulas pa ako bago makarating doon. Titiisin ki na lamang ito masabi ko lang kay Jayvee na goodluck at kaya niya 'yan. Pagpasok ko sa room naabutan ko silang inaayusan. Todo na ang pagmamadali ng make up artist at ng mga kaklase ko upang ayusin ang costume at overall looks nila.Pansin ko rin ang mga hindi kilalang mukha sa paligid. Mga estudyante mula sa ibang section, spy ba sila o sadyang fan lang ng section namin?

Si Jane ay naka bihis ng tila si Mariang Mariang Makiling habang si Jayvee ay isang sultan, suot ang isang bahag. Madalas ang pagsulyap ng mga babae sa katawan ni Jayvee, gusto ko mang suwayin ay hinayaan ko na lamang, hanggang tingin lang sila dahil akin si Jayvee hehe. Nasa bandang likuran ako nila Jayvee kaya hindi niya pa alam na nandito na ako. Tiyak matutuwa at mabibigla iyon 'pag nakita ako. "Huy AC! Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap", bati sa akin ni Lucy.

"Bakit?"

"Tara na sa court!"

"Huh? Sandali lang si Jayve oh kakausapin ko lang"

"Tsssk! Mamaya na, halika na!"

Wala na lang ako nagawa sa pamimilit ni Lucy sa akin. Seryoso ba 'to? Wala pa kaming matinong usapan ni Jayvee simula nang umabsent ako. Mamaya talaga humanda si Jayvee malalaman niya ang bagay na namiss niya noong wala ako.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang programa. Hiyawan ng lahat at halos hindi na kami magkarinigan ni Lucy. Kanya kanyang banner silang dala habang ako naman ay sarili lang ang dala. Naturingan pa naman akong officer sa room namin pero ako pa itong walang ambag. Isa isa nang rumampa ang nagguwaguwapuhan at naggagandahang mga respresentante ng bawat section. Siyempre todo cheer ako kay Jayvee. Hindi ko na inisip kung sino makarinig sa akin, wala naman sigurong makakahalata.

Todo ngiti siya sa mga audience ngunit nababanaad ko ang kanyang pagka hiya. Hindi kasi niya forte ang mga nationalistic na tema pero okay lang naman. Sa gwapo niyang 'yan ewan ko lang kung matalo pa siya. Pansin ko ang paglalakbay ng kanyang mga tingin na para bang may hinahanap. "Go Jayvee I love you!!!", sigaw ko ng pagkalakaslakas. Nagsitahimik ang lahat at lumingon sa akin. Nakakahiya ata ang ginawa ko. "Asa naman 'tong baklang 'to sis", dinig ko sa aking likuran. Gusto ko sana silang patulan ngunit pinalagpas ko na lamang dahil alam ko naman kung ano ang totoo, akin si Jayvee, hanggang cheer nalang sila. Isa isa na silang rumampa ngunit pansin ko ay tila wala si Jane sa mga kandidata. Sinabutahe ba kami? May sumira ng costume? "Lucy ba't wala ata si Jane?", pagtataka kong tanong pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Nabingi na ata sa ingay ng paligid. Baka nalate lang siguro iyon.

Natapos na ang unang bahagi ng presentasyon at nagsimula na ang katutubong sayaw bilang interlude ng pageant ngunit walang Jane ang nagpakita sa entablado. "Lucy!!! Ba't wala si Jane? Paano na 'yan???", pangamba ko. Pakiramdam ko ay may pananabutaheng nagaganap sa amin. "Buti nga sa kanya", bulong ni Lucy na aking labis na ipinagtaka.

"May alam ka ba? Ano meron? Bakit hindi siya rumampa?"

"Ewan ko, hayaan mo na 'yun matatalo din naman 'yun kung sakali, nakita mo naman ang daming mas maganda sa kanya"

"Ay ang bad"

"Mas bad siya"

May hugot ang babaeng ito. Ano nga kaya dahilan ni Jane. Mas lalo ako naguguluhan, nawala lang ako feeling ko outsider na ako. Sumunod na ang grupo nila Miguel sa katutubong sayaw, nakabahag lamang sila kaya tilian nanaman ng mga tao. Ngayon ko lang nalman na maganda pala ang katawan ni Miguel, may panahon pa pala itong mag gym kahit subsob sa pagaaral. Siya na talaga ang pinaka responsableng anak, malas nung nangiwan sa kanya. Todo kindat sa akin si Miguel habang nagsasayaw na siya namang ikinatawa ko. Ewan ko ba kung may sakit lang ba siya.

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon