Ngayon ay nasa kwarto ako, kakarating ko lang matapos ang isang buong araw sa aking nagong school. Ako ay nagunat unat sa aking kama, ang haba ng araw na ito ilang beses rin ako nagpakilala sa mga teachers namin, hindi biro 'yun ah. Palaisipan parin sa akin 'yung lalaki sa likuran ko, nakalimutan ko pangalan niya. Tinignan ko ang orasan at mag aalasyete na pala ng gabi. Binuksan ko ang aking facebook at napansin ko ay may mangilan ngilang nag add sa akin siguro mga kaklase ko ito kaya agad ko namang nagconfirm. Hmmm naalala ko lang 'yung adik na 'yun may facebook naman siguro siya, search ko kaya? Hindi naman ako siguro magiging stalker sa lagay na'to kumbaga I have to know my enemy well 'yun lang 'yun walang malisya. Tinype ko na ang name niya at agad kong pinindot ang search button. Lumitaw ang sandamakmak na accounts, hmmm ang daming mga posers ibig sabihin sikat 'tong adik na'to. Well, what to expect? anak siya ng mayari ng school.
Wow ha!!! At puro girls ang mga friends niya sa fb, I knew it!!! Fuckboy talaga 'tong adik na 'to. At take note may bio pa siyang nalalaman na "hi stalker", feelingero talaga to!!! Ang kapal ng mukha!!! Tignan ko kaya mga pictures niya? Hindi naman siguro masama, walang malisya curious lang. Sari saring larawan ang tumambad sa akin, iba't ibang events and gatherings hanggang sa mga selfie niya. Ang vain talaga ng adik na'to, akala mo naman kung gwapo eh medyo gwapo lang naman, sakto lang, 'di gaano. Oh! May mga live videos pa siya, sagadsagarin ko na nga tutal kailangan ko rin siyang makilala dahil classmate ko siya. Pinanood ko isa isa ang mga live videos niya ngunit sobrang dami kaya hindi ko nalang pinatapos. "AC!!! Nako gabi na 'di ka pa naghahapunan bumaba kana pagalitan ka nanaman ng papa mo!!!" pagtawag sakin ni mama na nasa pinto. "Opo", sagot ko naman sakanya. Agad naman na akong bumaba upang kumain. Pagtapos kong kumain ay nagligpit na ako ng plato, kahit na may kasambahay kami ay tinuruan kami ni mama na maglinis ng sarili naming ginamit at isa pa ang aming kasambahay ay para narin naming kapamilya, nakakahiya namang utusan ko pa.
Tumunog ang aking cellphone at nakatanggap ng 2 mensahe mula sa isang unknown number. "Huy bakla!", nagulat naman ako kung sino ang nagsend nito sa akin. Siguro si Abigail, friend ko nung Junior Highschool pero bakit bago nanaman number niya? Yung babae talagang 'yun! Sinagot ko naman siya ng "miss na kita agad, ba't ka pala nagtext?"
"Miss mo ako?"
"Oo baliw!!! Tawagan moko wala ako pangcall"
Nagring angaking cellphone at tumatawag na si Abigail. Lumukso na ako pahiga sa aking kama at sinagot ang tawag.
"Hello! Miss na kita ba't ayaw mong maniwala?"
"Talaga? Miss moko?", nabigla ako nang boses nang lalake ang sumagot sa akin, o-m-g
"Po? Sino to?", natataranta kong tanong
"Jayvee!!! Jayvee Alcantara po", anak ng... paanong? What the... waaahhh!!! Saan niya nakuha number ko eh first day palang wala pang palitan ng numbers na naganap!!! Lupa! Lamunin mo'ko!!!
"Kayo po si Andrei Chester Villanueva na nakatira sa #43-A Merell Subdivision na anak ni Mrs. Catherine Villanueva at Mr. Arnold Villanueva?"
"Huh? Pano mo nalaman 'yan???!!!"
"Hawak ko po kasi 'tong enrollment form niyo, hehe", naku naman! Iba ka talagang adik ka!!! Ginagantihan mo ba ako???"
"Oo na bakit ka ba... bakit... ano... ano ba kailangan mo?", taranta kong tanong, kinakabahan ako sa kung anong balak niya.
"Nag prank call lang!!! Tulog ka na...bakla!!!", agad niyang ibinaba. Hindi ko matanto kung ano eksaktong salita ang gusto kong sabihin sa pangyayaring ito, nabigla ako, pot... haayyy!!! Humanda sa akin 'yung adik na 'yun 'pag ako bumawe makikita niya!!! Lakas makaprank hindi naman kami close!!! Humanda ka Mr. Adik papatokhang kita!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/143193528-288-k227648.jpg)
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Novela JuvenilSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...