"San ka galing?!!!", bungad sa akin ni mama habang bakas sa mata niya ang galit at pagaalala. "Tita, wala pong kasalanan si AC ako po namilit sa kanya na matulog muna sa amin, sorry po", pagsingit ni Jayvee. Ito nanaman po siya pa-hero, bahala siya diyan. "Wala namang problema doon pero sana nagtetext kayo, pinagalala niyo ako! Kung ano anong dahilan sinabi ko sa papa mo bata ka!", dagdag pa ni mama. "Ma sorry na... lowbatt ako oh, sa susunod 'di na mauulit promise", pangako ko kay mama sabay yakap sa kanya. "Totoo po 'yun tita, 'wag kayo magalala ako po bahala sa anak niyo", pagsingit muli ni Jayvee. "Teka lang ha, kanina pa ako may napapansin, may gusto kang sabihin...Jayvee???", laking gulat ko nang itanong ni mama ang bagay na 'iyon. Paanong nakakakahalata? Siguro nga totoong malakas ang instinct ng mga mama. "Ma...'wag ka magagalit muna...", pagaalinlangan ko. "Ay ok sige alam ko na, pumasok na kayo sa loob para magbreakfast", sabay ngiti at talikod ni mama diretsong kusina. Ganon lang iyon? Sinong spoiler? "Oh alam na pala ng mama mo...", wika ni Jayvee. "Hindi ko nga rin alam eh, tara na pasok ka", alok ko kay Jayvee. Masaya kaming naupo at kumakain sabay si mama. Si papa naman ay may emergency lakad. Naging magiliw si mama sa amin, hindi man ako makapaniwala pero hindi maipagkakailang magaan ang loob niya kay Jayvee. Marami kaming napagmwentuhan lalong lalo na si Jayvee, sobrang daldal sa mama ko. Hindi ko nga alam kung ako ba talaga anak dito. Ganito pala pakiramdam, ang pakiramdam 'pag nagmamahal. Corny oo pero ang ganda sa pakiramdam. 'Yung tipong maupo lang ako at pagmasdan lang siyang gawin ang mga bagay na ginagawa niya, anong saya na ang nadarama ko. Sana, sana parating ganito. "Huli na ata ako sa balita", mula sa isang boses, si papa!!! Sinalubong ko siya at nagmano. Akala ko ba nasa meeting siya? "Kung hindi pa ako tinext ng mama mo, 'di ko pa malalaman", nilingon ko si mama na halatang kunwaring naghuhugas ng plato. "Mama naman, pinauwi mo pa talaga si papa", agad tumayo si Jayvee at nagmano kay papa. Totoo ba talaga 'to? Baka naman panaginip lang 'to, kung oo man sana hindi na ako magising. "Ano ba? Magkakaapo na ba ako?", biro ni papa dahilan para mahiya ako kay Jayvee. "Papa!", paghinto ko sa kanya. "Tinatanong ko lang 'nak, pwede ba 'yun", nang akmang sasagot na ako ay sumingit nanaman si Jayvee na giliw na giliw kay papa. "Sige po tito, ilan ba gusto niyo?". Ano nangyayari??? Hahahaha nababaliw na ako!!! "Jayvee!", pagsuway ko dito. "Sige kayo na mga close sa isa't isa akyat na ako!", pagtatampo ko. Tumungo ako sa aking kwarto at nahiga. Sobra na po itong kaligayahan baka naman po may kapalit... "AC!", tawag sa akin ni Jayvee at patakbong lumundag sa kama ko.
"Huy ba't ka andito? Diba naguusap pa kayo?"
"Akyat na daw ako eh sabi ni papa"
"Papa ka diyan, lumayo ka nga sakin!"
"Ayoko nga gusto ko tabihan ka"
"Kanina pa tayo magkatabi 'di ka ba nananawa?!!!"
"Hindi!"
"Okay pero mainit? Sige mapapawisan ka ng sobra sobra sobra"
"Edi...paliguan moko", sabay ngiti nito sa akin na mukhang may masamang balak.
"Ayoko"
"Sige na nga magkakasakit na nga lang ako tapos unti unti akong manghihina, kawawa naman ako"
"Baliw ka talaga para kang bata..."
"Pero mahal mo..."
"Opo", sagot ko na nagboses bata
"Halika ka nga dito, ikaw pala ang bata eh", hinatak niya ako papalapit sa kanya. Halos magpangabot ang aming mga ilong. Dinig ko ang bawat pintig ng puso niya at ang bawat mainit na hininga niya. Ibinalot niya ang kanyang braso sa aking likuran. "Nakakahiya kila mama", paabiso ko. "Hayaan mo sila, guto ko nga ng papa mo ng baby eh", pagbibiro nito.
"Sira!"
"I love you AC!"
"Love you too Jayvee!"
"Ako lang ha?"
"Opo, pero sana 'wag muna natin sabihin lalo na sa school ang tungkol sa atin, ayokong may makialam pa"
"Sige, pero akin ka lang ha?"
"Opo, ako pa ba magloloko? Baka ikaw diyan, marami nagkakagusto sa'yo"
"Pogi boyfriend mo eh pero sige hindi ko sila papansinin para kay AC!"
"Ang kapal hahahaha, magaral tayo mamaya ha?"
"Opo"
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Novela JuvenilSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...
![Announcement: Walang Forever [Complete]](https://img.wattpad.com/cover/143193528-64-k227648.jpg)