2

11.8K 169 6
                                    

Siksikan, at puno ng hindi magkamayaw na tao ang sumalubong sa akin sa aking bagong school. Hindi ko inasahan na ganito kadami ang freshmen sa school na ito. Audition ba ito sa PBB? sino sino kaya sa mga ito ang magiging classmate ko? Sana naman matitino at walang mga asal tambay. Kawawa nanaman ako sa Research kung sakaling tamad ang mga makakasama ko.

Dimeretso na ako para hanapin ang room na nakalagay sa schedule ko. Paano ba yan hindi ko gaano kabisado mga pasikot sikot dito, sabi na nga eh dapat maaga ako para nakapagikot ikot muna ako. "Senior highschool freshmen?" Tanong sa akin ng isang babaeng matangkad at nakauniporme ng parang tourism, siguro student assistant ito. Dalidali naman akong tumango.

Sumenyas siya sa akin para sundan ko siya. Hayyy buti nalang at may ganito dito kundi wasted ang first day ko dito. Nagtawag pa siya ng maraming katulad kong mga freshmen din. Para kaming nagfi-fieldtrip sa ginagawa namin. Sa pagkakakilatis ko sa mga kapwa ko baguhan ay bakas ko sa mukha nila ang kanilang mga personalidad. Hindi naman ako judgemental pero never pa ako nagkamali sa mga kilatis ko sa mga tao. Madali kong nasasabi kung sino ang trust worthy at sino ang hindi.

Sumunod lang kami sa kanya, medyo hassle dahil kanina pa kami naglalakad sa sobrang siksikan wala pa kami sa kung saang lupalop man niya kami balak dalhin. Nagilat na lang ako nang may biglang bumangga sa akin. "Ouch!!!" Muntik na akong mapamura sa pagkakatulak nang kung ano mang bagay sa likuran ko. Nilingon ko ito at nakita ko ang grupo ng kalalakihang nagtritrip sa daan. "Excuse po!!! Nakakabangga na po kayo!!! Konting disiplina naman po pwede???", nagsibulungan ang mga tao sa paligid. Teka may mali ba sa sinabi ko? Hindi naman ako nagmura, tagalog naman ang pagkakasabi ko imposibleng grammatically incorrect.

Nagsitawanan ang mga kalalakihan, talagang nangaasar ba, porke bago lang ako dito ay akala nila ganon ganon nalang. Pwes nagkakamali sila, inirapan ko sila.

"Wow bro, palaban, palaban ang bakla", bulingan ng mga kalalakihan sabay tawanan.

"Kalalaki niyong tao, wala kayong respeto!!!", sigaw ko sakanila. Lalong napatahimik ang mga tao sa paligid namin. Omg away na ba ito? Ba't ko sinabi yun? Mali ata nasabi ko. Pwede rewind? Bahala na paninindigan ko na ito. Espiritu ni Darna saniban mo ako!!!

"Hindi mo ba ako kilala?", pagmamayabang ng isang lalaki, yung mismong nakabunggo sa akin. Shaved ang gilid ng buhok may tatlong hikaw at may hikaw pa sa labi. Adik ata ito, mali ata kinalaban ko huhu. "Bakit sino ka ba? Mukha kang... mukha kang f...fuckboy!!!", sigaw ko sa kanya. Patindi na ng patindi ang init sa paligid. Naghiyawan ang mga tao dahil sa nasabi ko. Mula sa mahina ay lumalakas ang hiyawan "Jayvee fuckboy!!!, Jayvee fuckboy!!!", ang sigawan ng mga tao nang mga oras na yun. Parang may rally sa loob ng eskwelahan dahil sa malaprotesta nilang ingay.

Hindi nagtagal ay umalis narin sila dahil narin sa pagkapahiya. Omg ano nagawa ko? Totoo? I'm so proud of myself nagapi ko ang alagad ng kasamaan. Ang galing ko talaga kahit kailan!!! Hayyy!!! "Uy ang galing mo ah, napawalkout mo si Jayvee!", bati sa akin ng isa. Ahhh Jayvee pala pangalan nung adik na 'yun. Teka, sino ba siya? Bakit parang big deal para sakanila?

"Ah hehe wala po 'yun, dapat po pantay pantay lang tayo sa university na 'to dahil parepareho lang tayong estudyante, sino po ba 'yung Jayvee???"

"Ah siya 'yung anak ng mayari ng school na ito:)"

"Ha???Pa...Oh...😳"

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon