Isa nanamang linggo ang lumipas pero ang mahalaga wala na akong problemang pasan. Siguro ang kailangan kong paghandaan ay ang tutorial sessions namin ni Jayvee kailangan kong magbaon ng maraming maraming pasensya. Naalala ko lang 'yung nasasabi ni Ma'am na magaling naman talaga si Jayvee sa academics dati. Ano kayang dahilan ba't naging ganito 'tong mokong na'to? Siguro kung magagawan ko ng paraan kung ano man ang dahilan nito, mapapadali ang tasks ko sa kanya. Siya nga pala hindi pa namin napagusapan ang lugar ko siya tuturuan.
Kinuha ko na ang aking telepono at tinawagan siya, hindi ba parang masyado akong atat eh sabado pa lang ngayon? Hindi naman siguro. Ang tagal bago niya sagutin ang tawag. Marahil busy siya o 'di kaya ay may lakad. "Hello", sagot niya sa telepono.
"Jayvee..."
"Mmm?"
"Itatanong ko lang kung saan pala tayo sa monday?"
"Miss mo na ba ako? Sabado pa lang lunes na agad nasa isip mo..."
Okay, AC relax huwag padalos dalos sa isasagot alam mo na ang timpla ng mokong na'to. Sakyan mo nalang para iwas problema.
"Oo na miss na kita, saan nga ba?"
"Ang alin?"
"Tsssk tutorial... remember???"
"'Diba naman sabi ko sa'yo 'di na kailangan..."
"Kailangan noh!!! 'Wag nang makulet saan ba?"
"Opo, yes po boss, dito nalang po sa bahay okay lang po ba?"
"Luhhh, san ka ba nakatira? Hindi ko alam pasensya na"
"Magkikita naman tayo ng lunes 'di ba po?",
(oo nga naman)"Sige, ahmmm..."
"Ano?"
"Tanong ko lang..."
"Ano po 'yun?"
"Okay na tayo 'di ba?... naninigurado lang ako kasi baka mamaya 'pag punta ko diyan may mga nakaabang na snipers diyan tapos ipa assassinate mo ako..."
"Hehe ganon ba ako kasamang tao sa'yo? Ayokong ipapatay ka...gusto ko ako mismo papatay sa'yo..."
"Hala grabe siya..."
"Sa kilig"
"Ano???!!!"
"Wala...sabi ko ibaba ko na 'to, naliligo kasi ako... o baka naman gusto mong mag videocall nalang tayo???"
"Ayyy sorry! Sorry! Sige baba ko na, thank you! Sa lunes nalang!"
Agad ko namang ibinaba na ang tawag. Nakaabala pa pala ako sa kanya, hmmm kahit kailan talaga sobrang loko loko nun, ewan! "AC!!! May balak ka pa bang bumaba diyan?!!! Tanghali na 'di ka pa nag almusal", tawag na pala ako ng mama. Napahaba ata usapan namin ni Jayvee ang kulet kasi eh. Ito namang si Miguel kung may award sa pagiging thoughtful sa kanya na. Paano ba naman araw araw may bating goodmorning, goodnight, eat your breakfast, luch, dinner, don't skip your meal at may kasama pang quotes at bible verses. I assume gm naman 'to, send to all. Uso pa ba 'yun? Siguro sa kanya.
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Teen FictionSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...