7

5.5K 119 3
                                    

"AC bangon na!!!", bulahaw sa akin ni mama. Antok na antok pa ako tila namamagnet pa ako sa aking kama. Wala namang pasok diba? Sabado ngayon. Tamd tamaran ako ngayon ma, ba't mo ko ginigising? "AC bangon na sabi! Nasa baba mga kaklase mo!", agad akong napabangon na parang nabuhusan ng malamig na tubig. Oo nga pala ngayon kami lalabas nila Mary Joy. Pero wala naman kaming usapang susunduin nila ako. Kakagising ko lang huhu, ang haggard ng itsura ko.

"Chester!!!", sigaw ni papa mula pa sa baba. Hala alam ko nang medyo nagagalit na si papa sa tono niya. "Opo!!!", sagot ko at kumaripas nadin ako ng takbo pababa ng hagdan. "Good morning!!!", bati sa akin nila Mary Joy at ano? May mga boys??? Kasama nila 'yung lalaki sa likuran ko nakaupo at ang barkada nito. Ano ba yan!!! Wala nanaman sa usapan na may boys, naiilang na ako. "Sorry ha kagigising ko lang", nahihiya kong paliwanag sa kanila. Inabutan sila ni mama ng meryenda upang malibang muna habang hinihintay ako. Nagmadali na akong bumalik ng kuwarto para maligo.

Cramming nanaman at its best, hinalughog ko muna ang aking cabinet para magdesisyon kung ano ang aking susuotin. O-m-g ang hirap talaga 'pag may naghihintay mas lalo akong lutang magisip. Nakapili na ako kaya naman pumasok na ako sa aking CR para mag shower. Ang lamig grabe!!! Aking sinimdihan ang heater. Madaliang ligo lang at skip muna sa aking mga ritual dahil may nagaantay sa baba, later ko nalang siguro magbabad ng anik anik bago matulog. Pagbanlaw ko ay nagbalot na ako ng tuwalya sa ulo at katawan sabay bukas ng pinto. Napatili nalang ako dahil may lalaki sa pintuan ko. "Sorry, sorry, sorry, wait mag explain ako pero please can I use the CR???", pagkataranta nito habang namimilipit. Agad ko naman siyang pinayagan. "I'm sorry naiihi lang talaga ako pero sabi ng mama mo dito daw ako pumunta dahil naliligo daw ang lola mo sa baba", naku naman si mama hindi man lang nagpaabiso. "Okay okay ba't dika nalang nagsalita? Ginulat mo ko, sige na baba ka na magbibihis na ako", kunot noo kong pakiusap sa kanya.

Nagbihis na ako at bumaba ng hagdan para makalarga na. Nagpaalam narin ako kila Mama, pumayag naman sila basta huwag daw abutan ng gabi. May kotseng dala ang isa sa barkada nila, buti naman para iwas hassle narin sa commute, umupo kami sa bandang likuran kasama ang mga girls syempre. "Huy Mary Joy ba't mo pala nasama mga lalaking 'yan, diba awkward?", bulong ko. "Ok lang 'yan relax, kilala mo na ba sila?", ipinakilala ni Mary Joy sa akin ang mga magbabarkada, sila Ernie, Dexter at 'yung nakaupo sa likuran ko slash nag cr sa kuwarto ko ay si Miguel pala. Habang ang dalawa sa kaibigan ni Mary Joy ay si Ruth at Lucy. Kaya napapayag din ako ni Mary Joy ay dahil pakiramdam ko parehas kami ng personality at mahilig mag aral.

Tumingin ako sa salamin sa harap ng kotse at napansin kong nakatitig sa akin si Miguel. Problema nito? Eksaheradang ngiti nalang ang binigay ko sa kanya, feeling ko may saltik ito.

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon