22

3.6K 65 3
                                    

"Sino 'yan AC???", pag usisa sa akin ni mama habang tumuloy na kami sa bahay para magtutorial. "Ma si Jayvee tutee ko," paliwanag ko medyo nagtataka ang tingin ni mama. Ngayon lang kasi siguro ako nagdala ng lalaki tapos magisa lang. "good afernoom po tita", magalang na pagbagi ni Jayvee kay mama sabay mano. Marunong pala magmamo 'tong si Jayvee akala ko 'di uso sa kanila ang cool kid niya kasi. Dumeretso na kami sa aking kuwarto. Siguro naman hindi niya na 'to pupunahin naglinis naman ako at isa pa masinop ako sa gamit. Hindi man ganon kalaki sa bahay nila sure naman ako na nasa ayos lahat. Nagpaikot ikot ang mata nito sa paligid ng kuwarto ko, ano kaya iniisip niya? "Huy sabi ko naman sa'yo maliit lang bahay namin eh", paliwanag ko. "Ang ganda nga eh, magaling ka pala magdrawing? Tapos ang dami mo namang medal", puna niya sa mga nakasabit at nakapaskil sa ding ding ng kwarto ko. "Hindi naman, marunong lang", sa mga mata niya ay nakikita ko ang pagkalibang sa mga nakikita niya.

"Ano na? Tingin tingin ka nalang ba diyan?"

"Hehe nahihiya tuloy ako baka hindi ako makasabay sa'yo"

"Bakit namn?"

"Sobrang galing mo eh"

"Nambola pa, sige na umupo ka na dito magsimula na tayo"

Bago siya naupo ay tinanggal niya ang kanyang polo dahilan upang mailang ako ng kaunti. Anong klaseng lalaki ba 'to hindi man lang nakasando sa loob. "Init!", daing nito, nahiya tuloy ako hindi airconditioned ang kwarto ko, kila mama lang. "sorry ha next time sa ibang place nalang tayo", paliwanag ko. "Okay lang, pang summer naman body ko", pangungulit nito habang kagatkagat ang labi. "Ewan ko sa'yo tara na magaral na tayo". Nagsimula na kami sa aming first session ng tutorial. Nabibilib naman ako sa kanya dahil madali niyang nakukuha ang mga itinuturo ko sa kanya. Hmmm mag BS ED nalang kaya ako? Marunong pala ako magturo. Madali kami nakausad sa mga lessons dahil hindi naman pala siya tulad ng inasahan ko. Tama nga pala ang sinabi ni ma'am, magaling talaga siya. Mukhang makakakuha ata ako ng mataas na grade nito. Pansin ko ang tagaktak ng pawis ni Jayvee habang tinuturuan ko siya. Nahihiya ako dahil hindi pala siya sanay sa walang aircon. Hindi naman puwede sa kwarto nila mama. Kumuha ako ng towel at inabot sa kanya. "Oh punas ka ng pawis mo, uyyyy sorry talaga ha, nahihiya tuloy ako", paliwanag ko sa kanya. "Ayos lang, halika na dito turuan mo pa'ko". Hindi ko namalayang natutuwa na pala ako sa kanya. Parang bata 'tong si Jayvee naaalala ko mga pinsan ko sa kanya tuwing tinuturuan ko sila. Sa panahong ito napatunayan ko kung gaano kamali ang inakala kong paguugali ni Jayvee. Matigas ang ulo niya, bully pero marunong din naman pala siyang makinig. Naaalala ko ang sinabi ni Kyle sa akin. Nasaan na kaya ang mama niya? Hindi ba sila nagkakausap?

Natapos na ang aming unang session ng tutorial, siguro okay na muna ito sa ngayon. Marami rami din kaming natapos. Hinatid ni mama sa amin ang meryendang gawa niya. Si Jayvee naman ay takam na takam at halatang napagod kakapakinig sa akin. "Ang sarap naman nito", puna niya sa kinakain niyang puto. Lakas naman mambola nito.

"Puto lang 'yan baliw"

"Pero it's the best puto"

"Ewan ko sa'yo kumain ka na nga lang diyan"

"Tanong ko lang, ba't pala asar na asar ka sa akin nung first day?"

"Hmmm...'yung totoo??? Kasi ba naman ang gulo niyo at halos mapasubsob na ako sa kalokohan niyo"

"Ah pero... ba't mo naman ako pinuntahan nung may sakit ako?"

"Wala lang! Bakit ba? Siyempre baka hindi ka makahabol mas lalo tayong mahuli sa tutorial natin"

"So concern ka pala sa akin?"

"Eeeengkkkk!!! Hindi"

"Sakit naman", pagiinarte nito habang hawak ang kanyang tiyan.

"Baliw hindi diyan ang puso"

"Oo nga kaso nahulog eh"

"Ewan ko sa'yo, 'wag mo ng ako pinagtritripan"

"Hehe joke lang"

"Bilisan mo na umuwi ka nang bata ka"

"Ayoko pa po mama"

"Ulul! Mama ka diyan, uwi ka na gusto ko narin magpahinga gabi na huy!"

"Oo pero makikiligo muna ako... hehe", sabay karipas nito ng takbo papuntang banyo ko. Siraulo talaga 'yun, ano gagamitin niyang tuwalya???

"Huy!!! Lumabas ka nga diyan, siraulo ka talaga ano gagamitin mong tuwalya???"

"Edi 'yung tuwalya mo"

"Ano ba 'yan???!!!!"

"Hooo!!! Ang lamig!!!"

"Huwag ka maingay, bilisan mo na diyan", ang kulet talaga ng baliw na'to. Parang bata kung kumilos pero kung makapanamit akala mo astig na astig. Ngayon lang ako naka-encounter ng hindi ko relative pero ang likot likot. Inayos ko na ang kanyang mga gamit at niligpit ko na rin ang aming kinainan habang siya ay naliligo. Teka... anong susuotin nun??? Baliw talaga...

"Huy!!! Ano susuotin mo???"

"Damit mo nalang"

"Tsssk!!!", inihanda ko na ang kanyang isusuot. Namili talaga ako ng puwede sa kanya. Nakakahiya namang ipasuot 'yung mga luma ko. Teka... pati underwear??? Lagot na!!!

"Pati underwear???"

"Kahit hindi na, hindi na ako mag a-underwear"

Ano??? Hindi ba't masakit 'yun pag...ewan!!! Nevermind!!! Bahala siya, trip niya 'yan eh. Inayos ko na ang kanyang gamit at iniligpit ang aming kinainan. Ang tagal niyang maligo dinaig niya pa ako sa haba ng oras sa pagligo.

"Hoy!!! Bilisan mo na diyan gabi na!!!"

"Ito tapos na"

Nagtyaga akong nagantay sa tapat ng pinto ng aking banyo para iabot ang shirt na ipapahiram ko. Bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang kanyang katawan. Tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang buhok. Anong klaseng nagtutuwalya ito hindi naman ganap na natuyo.

"Hehe"

"Tinatawa tawa mo diyan?"

"Wala"

"Ayan magbihis ka na!!!"

"Ayan magbihis ka na!!!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon