"Kelan mo nga ako tuturuan?", pangungulit ni Jayvee sa akin habang sinusundan ako papuntang Student Plaza. Pangiti ngiti pa 'to akala niya makukuha ako sa mga ganyan. "Pwede mamaya???!!!", pagsusungit ko sa kanya. "Sige mamaya, sabi mo yan ah", nalagot na! Ang hina naman ng utak nitong mokong na 'to. "Sabi ko mamaya meaning mamaya ko masasabi, gutom na ako okay? Pwede don't invade my personal space kaya shooo!!!", pagtataboy ko sa kanya. Hindi parin siya huminto sa kakasunod sa akin. Pagdating ng Student Plaza ay humanap ako ng upuan at ipinatong ang aking panyo para walang umupo dito. "Ang kulit mo rin no???!!!", pinagtaasan ko na siya ng boses dahil naiirita na ako sa pagsunod sunod niya.
"Libre nalang kita", alok sa akin ni Jayvee. Nanngako itong matapos kong tanggapin ang alok niya ay hindi na ito mangungulit. Umorder ako ng buko shake, dumpling at pansit. "Gutom na gutom ka ata?", tanong nito. "Ako na nga magbabayad!!!", inis kong sagot sa kanya. "Joke lang, ba't ba ang sungit mo?", wow huh? Siya pa nagtanong eh siya lang naman dahilan no? Kairita! Pinilit niya parin na siya ang magbayad ng nakuha ko. Umorder narin ito ng softdrinks at tinapay. Nakakailang ang mga sumunod na eksena. Kami lamang ang nakaupo sa puwestong iyon at magkatapad ang aming mga mukha. Iniyuko ko na lamang ang aking ulo at nagpanggap na busy sa pagkain. Kataka taka ito huh? Nung una halos ipagtabuyan niya ako sa pagkasuklam ngayon siya 'tong naghahabol. Malamang patay na patay ito sa grades. Nakakahiya naman kasi kung anak ka ng mayari ng school tapos pabigat ka sa lipunan 'di ba?
"Ba't ayaw mo akong tignan?", pagputol nito sa katahimikan. Teka, ano isasagot ko, kung puwede lang diretsahin ko na 'to eh. "Bakit ba?", tanong ko din sa kanya. "Ah... wala crush mo 'ko noh? Alam mo, okay lang 'yan marami rin namang gays na patay na patay sa akin tignan mo oh pinagtitinginan ka nila ibigsabihin ang suwerte mo". Aba ang yabang ang yabang talaga ng ungas na 'to. "Ang hangin pala dito no? Nilalamig ako grabe!!!", pambabasag ko sa kanya. "Pasimple ka pa gusto mo lang i-hug kita eh, halika dito", anak ng... noong nagpaulan ba ng kayabangan sa mundong ito nag planking 'to sa kalsada sobrang yabang eh. Wait ano rebut ko? "Ayoko sa'yo adik!", bulyaw ko dito sabay tayo at lumakad papalayo. Binilisan ko nalang ang lakad ko makalayo lang sa ulol na 'yun. Feeling ko para akong hinabol ng holdaper hindi ako ligtas dito huhu.
Nilingon ko siya at hindi niya narin ako nasundan. Grabe grabe talaga, iba siya! Kailangan kong paghandaan mga banat niyang nakakapikon. Sa aking matulin na paglalakad ay bigla nalamang akong natalisod at nadapa. "Aray..." gusto kong lamunin ako ng lupa nang mga oras na 'iyon. Senior Highschool pero lampa parin. May isang kamay ang umabot sa akin. Agad ko naman itong tinanggap para makabangon, inayos ko ang sarili ko at pinagpgan ang pants ko. "Okay ka lang?", tanong nang isang boses na sobrang macho ang dating. Tinignan ko ang lalaking ito na siyng tumulong sa akin. Halos masilaw ako sa nakikita ko. 'Yun bang may pa-blur effect tapos unti unting lumilinaw. "Okay lang thanks", nahihiya kong sagot sa kanya. "Next time tumingin ka sa nilalakaran mo", paala niya sa akin. "Oo nga pasensya na tsaka, salamat talaga...", "Kyle", pakilala nito at nagmadaling umalis. Hindi man lang ba niya tatanungin pangalan ko? Okay na nga salamat sa kanya, he's my superman. Teka... erase erase, walang my! Ano ba 'tong utak ko nagugulo na dahil sa pagkadapa ko.
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Roman pour AdolescentsSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...
![Announcement: Walang Forever [Complete]](https://img.wattpad.com/cover/143193528-64-k227648.jpg)