20

4K 76 3
                                        

Tuesday ngayon pero wala parin si Jayvee, aabot pa kaya kami? Sana gumaling na siya, sa kanya nakasalalay lahat ng 'to. Pero siguro kung hindi man umabot, okay narin siguro. Lumipas ang buong klase nang wala akong gana. Siguro pagod lang talaga ako. Naglalakad na ako sa aming hallway pauwi na ng bahay. Ang boring ng araw na 'to. "AC uuwi ka na?", tawag sa akin ni Miguel. "Sabay ka na sakin, hatid na kita", alok niya sa akin. "Sa akin siya sasabay!", nagulat ako sa pagdating ni Kyle sakay ng kanyang magarang sasakyan. Ano ba mga 'to? Dumadagdag pa sa bigat ng pakiramdam ko. "Salamat nalang pero umuwi nalang kayong dalawa o kung gusto niyo ihatid niyo isa't isa", sumbat ko sa kanila habang nagpatuloy sa paglalakad sa sakayan. "AC! Hindi mo ba dadalawin si Jayvee?", pangungumbinse sa akin ni Kyle. Inuuto lang ako nito eh. Gusto lang akong ihatid eh. "Next time nalang talaga masama pakiramdam ko, okay???", pagtatapat ko sa kanya. Unti unti kong nararamdaman ang pagikot ng aking paligid. Inihakbang ko ang aking paa ngunit hindi ko na talaga kinaya. Ang katawan ko ay bumagsak na sa daan.

Kyle's POV

Pinuntahan ko si AC sa kanilang room pero nakalabas na pala siya. Plano ko sanang ihatid siya sa kanila. Pagkalabas ko ng aking sasakyan ay naabutan ko silang magkasama nung ungas na 'yun. Madalas ko silang nakikitang magkausap, may balak pa ata unahan ako. Ngayon lang ako nakadama ng ganito kaya ayokong mayroong humahadlang sa plano ko. Hindi ko man maintindihan pero parang may kung anong bagay na ginagawa si AC na nagugustuhan ko. 'Di siya tulad ng ibang bakla na maiingay at walang asal. Kaya naman nakuha niya agad ang atensyon ko nung unang araw palang ng klase, napabilib niya ako ng makita ko siyang pinagsabihan si Jayvee ng ganon ganon nalang. Doon palang inalam ko na kung anong year niya na at room kung saan siya pumapasok. Parati siyang kinukuwento ni pinsan dahil sa ginawa niya pero kahit minsan hindi ko nagawang lapitan siya dati.

Nang araw na makasalubong ko siya sa hallway at aang nadapa siya. Nagkaroon ako ng paraan para makausap siya at makita ng malapitan. Dala ng sobrang hiya ko iniwan ko na agad siya. At ngayon, tadhana na ang naglalapit sa aming dalawa kaya hindi ko hahayang may makialam pa sa amin.

"AC hindi mo ba dadalawin si Jayvee?", palusot ko sa kanya upang mapapayag na sumabay na siya sa akin. Pero tulad ng inaasahan, hindi parin siya pumayag. Pinagmasdan ko siyang maglakad papalayo sa akin, iika-ika. Ano meron dun? Sa isang hakbang niya ay bigla na lamang siyang natumba. Agad akong lumabas ng kotse para buhatin siya. "AC!!!", pilit ko siyang ginigising ngunit talagang nawalan siya ng malay. Teka! Saan ko siya dadalhin??? Tsssk!!! Iuuwi ko nalang  muna siya. Pinaandar ko na ang sasakyan pauwi sa bahay. Habang nasa daan kami ay pilit ko siyang ginigising. Unconscious parin siya hanggang ngayon. Binuhat ko siya at dinala sa bahay. "Kyle ano nangyari diyan?", usisa sa akin ng aming kasambahay. "Nahimatay po, paakyat nalang po ng tubig at gamot", sagot ko kay manang. Tsssk!!! Kasalanan ko 'to eh sana isinakay ko nalang agad siya!!! Ang tanga ko talaga!!! Hindi ko mapapatawad sarili ko 'pag may nangyari kay AC.

Maya maya pa ay nagising na siya, "AC!!!", bati ko sa kanya kasabay ng pagyakap ko sa kanya ng mahigpit. Halos mapatalon ako dahil nagising na siya. "Kyle? Bakit?", pagtataka nito habang ako ay mahigpit paring nakapulupot sa kanya.

"Huy hindi ako makahinga"

"Sorry sorry"

"Ano nangyari? Nasaan tayo?"

"Ahmmm nahilo ka kanina kaya inuwi muna kita"

"Salamat... pasensya na sa abala ha? Hindi ko lang siguro kinaya ang init at pagod"

"'Wag ka muna bumangon, inumin mo muna 'tong gamot"

"Thank you"

"Si Jayvee nga pala kamusta na siya?"

"Pwede ba huwag mo muna siyang isipin, magpahinga ka muna!!!"

"Huy! Tinatanong ko lang, galit agad?"

"Puro nalang kasi siya bukang bibig mo eh"

"Luh! Ano sinasabi mo diyan?"

"Wala, humiga ka!"

"Okay okay"

Humiga rin ako sa tabi niya, bakas ang mukha niya ang pagkailang sa akin.

"Ehemmm!!! Puwede uwi na ako?"

"Hindi pa puwede baka kung ano mangyari sa'yo"

"Kyle I appreciate the help pero ayokong makaabala sa'yo"

"Dito ka muna"

Nang akmang babangon na siya ay hinatak ko ang braso niya dahilan upang magkalapat ang aming mukha. Bumilis ang tibok ng puso ko, tama nga ang hinala ko, may pagtingin ako kay AC. Gusto kong ihinto ang oras at manatili kami sa ganong puwesto. Ang walang maramdaman kundi ang hininga niya, habang ako lang ang tanging nakikita niya. Pero, naririnig kaya niya? Natapos ang lahat nang umiwas siya at itinulak ako. "Salamat nalang Kyle ha? Pero ayoko ng mga ganito!!! Sige!!! Alis na ako!!!", sa isang iglap ay nagtapos ang lahat. Ibinalibag niya ang pinto. Nagsimulang tumulo ang luha ko ng 'di ko namamalayan. "Shit!!! Ang tanga mo Kyle ba't mo ginawa 'yun?!!!"

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon