Okay AC relax and act normal. Hindi dapat nila mahalata kung ano meron sainyo ni Jayvee. 'Wag masyado dumidikit kay Jayvee mahirap na baka makaramdam mga kaibigan niya at iba pa. Pinilit ako ni Jayvee na ihatid papuntang school pero tinanggihan ko ito. Ayaw kong magkaroon ng dahilan ang iba para malaman nila ang namamagitan sa amin. "AC!!!", tawag sa akin ni Kyle mula sa kanyang kotse. Bumaba agad siya at nagmamadaling nilapitan ako.
"Sabay na tayo"
"Okay..."
"Nagreview ka na ba para sa exam next week?"
"Ah...oo naman ikaw?"
"Hindi pa eh pwedeng humingi ng favor?"
"Ano 'yun? Basta matino ha?"
"Pwede ba ikaw nalang kasama ko sa thesis?"
"Huh? Bakit 'di ba may grupo ka na?"
"Hindi ko kasi gusto mga kasama ko eh"
"Kila Jayvee?"
"Puno na daw sila, bakit ayaw mo ba?"
"Huh? Hindi naman... okay, sige basta available ka sa mga biglaang plano ha?"
"Oo, promise"
Nakarating kami sa aming room nang may paalala sa isip ko kung ano ang dapat at hindi dapat kung gawin. Hindi ko dapat parating titignan si Jayvee. Nagpaalam na rin ako kay Jayvee na huwag ipaalam ang tunay na nangyari sa Guidance office, relax lang. Napansin ko agad na maagang pumasok si Jayvee. Tulad ng napagusapan hindi ko siya pinansin. "Jayvee, ang aga mo ah!", biro ni Kyle sa kanya. Iniwan ko na lamang ang dalawa at nagtungo sa aking upuan. "Goodmorning!", bati sa akin ni Miguel. Hindi ko naman siguro kailangang iwasan siya. Mas lalong magiging halata kung gagawin ko iyon.
"Goodmorning din"
"How's your weekend?"
"Ayos naman"
"Alam mo na ba sasalihan mo sa Buwan ng wika?"
"Oo nga pala, malapit na iyon, hindi pa nga eh, focus muna ako sa exam next week ikaw ba? Ano balak mo?"
"'Di ko pa nga din alam, balak ko kasi mag tryouts sa varsity"
"Oh goodluck galingan ha? 'Wag ka magalala makakapasok ka!"
"Hehe salamat, sige gagalingan ko para sa'yo"
"Pag nagkataon magiging school heartthrob ka, baka maamaya 'di ka na mamansin"
"Hindi mangyayari 'yun"
"Sabi mo 'yan ha?"
"Siya nga pala AC, pwede ka ba sa friday?"
"Hmmm oo? Bakit ba?"
"Birthday ko kasi gusto sana kitang imbitahan"
"Ako? Ako lang?"
"Ah hindi naman lahat kayo, isama mo sila Lucy"
"Sige magpapaalam ako"
"Thank you hehe"
Lumipas ang oras at nagsidatingan na rin ang mga kaklase namin. Pansin ko ang madalas nilang pag tingin sa akin habang naguusap. Marahil laman parin ako ng usapan nila dahilsa nangyari. Hindi ko na lamang sila binigyan ng atensyon, hihinto din naman ang mga'yan. Naging madugo ang mga ginawa namin sa araw na 'to kailang kasing i-rush ang mga lessons dahil kasama ang mga ito sa coverage ng exam. Buhay estudyante nga naman, patikim na siguro ito sa college life, hmmm naalala ko undecided parin pala ako kung ano course ko.
"Siguro naman nabasa niyo ana ang bulletin board at alam niyo na ang sasakihan niyo para sa nalalapit na buwan ng wika". Ngayon na pala paguusapan ito, kailangan nang ipasa ang registration forms pero clueless parin ako. Nagsisitayuan na sila para sabihin ang mga paligsahan na nais nilang salihan. Sa props nalang siguro ako. "Ma'am sa katutubong sayaw nalang po ako", wika ni Miguel. "Sigurado ka? Baka mapagod ka sa rehearsals niyan?", pagalala ko kay Miguel. "Kaya 'yan", sagot nito. Napuno na ang mga pwestong dapat salihan at sinabi ko na lamang na ako na bahala sa mga props na gagamitin nila. Pati sila lucy ay nag volunteer nadin para samahan ako. Ang babait talaga nila. "Okay class para ating lakambini at lakandula, kailangan nating magbotohan kung sino para sa inyo ang dapat magrepresenta sa section natin, pakitaas lamang ang kamay...kung gusto niyo mag volunteer mas okay", paliwanag ni ma'am. Ito ang pinakapaborito ko, parati kong pinagmamasdan ang mga malikhain nilang kasuotan na gawa sa indigenous materials. Nagsimula na silang magasaran at magturo ng mga kaklase naming wala namang balak sumali. Ang iba naman ay pinagtritripan ang kung sino sino. "Ma'am si Jane po", suhestyon ni Neil, isa sa mga barkada ni Jayvee. Tama naman siya, napakaganda ni Jane. Madalas ko rin makita sa facebook ang mga pinanalunan niyang pageants. Malakas ang laban namin kung sakaling pumayag siya. Nagbulungan ang ibang girls sa paligid habang ang iba naman ay naghihiyawan lalo na ang mga boys. Para sa akin, botong boto ako sa kanya. "Ikaw kaya mag lakandula", pagkumbinsi ko kay Kyle.
"Ayoko!!!"
"Okay okay galit agad?"
"Si Jayvee nalang"
"Si Jayvee? Hindi niya bagay, hindi siya pwede"
Tinignan ako ng makahulugang tingin ni Kyle na pilit binabasa ang nasa isip ko. Umiwas na lamang ako ng tingin. Eh ayoko ko talaga siyang maging lakandula eh hindi niya bagay. "Jane?", okay lang ba sa'yo?", tanong ni ma'am. "Opo ma'am", sabay naghiyawan ang lahat ng boys. Ganon pala kalakas ng charisma ni Jane. Nagtataka lang ako ba't hindi siya malapit sa iba naming kaklase. "So si Jane na nga ang representative natin bilang lakambini, sa lakandula naman.", wika ni ma'am. Nagsituruan naman ang mga boys lalo na ang iba na madalas nilang i-bully. Natatawa nalang ako sa reaksyon nung mga walang kamalay malay tapos biglang tinatawag ang pangalan para maging lakandula. "Ma'am?", singit ni Mary Joy. "Yes?", tanong ni ma'am. "Si Jayvee po, Feeling ko mananalo tayo 'pag siya ang sinali natin", suhestiyon ni Mary Joy. Napalingon ako nang marinig kong binanggit ni Mary Joy ang pangalan ni Jayvee. Hindi ba nila nakikita? Hindi bagay kay Jayvee maging lakandula. "Gusto mo ba Jayvee?", tanong ni Ma'am. Inaantay kong lumingon si Jayvee sa akin para senyasan na huwag na lamang siyang sumali pero pilit siyang kinukumbinsi ng barkada niya. "Ma'am sige po", pagsangayon niya. "Huy! Hinayhinay lang baka matunaw", bulong sa akin ni Kyle.
"Ano sinasabi mo diyan?"
"Akala mo ba hindi ko nahahalata? Kanina ka pa tingin ng tingin sa pinsan ko"
"Huh? Hindi noh! Kay ma'am ako nakatingin"
"Sige, sinabi mo eh"
Siguro nha tama sila, malaking chance namin manalo sa tulong ni Jayvee. Suportahan ko nalang siya sa gagawin niya. Lumipas ang oras at kailangan naming magmeeting ng mga kagrupo ko sa thesis dahil next week na rin ang deadline ng 2 chapters. Isinama ko na si Kyle sa aming grupo. Isa isa na silang nagsialisan at pinauna ko na rin siya sa library upang makapagusap kami ni Jayvee. "So tara na sa bahay?", tanong ni Jayvee sa akin.
"Hindi ako pwede ngayon eh"
"Huh? Bakit?"
"Paguusapan namin 'yung sa thesis deadline na nextweek, kayo ba?"
"Hintayin na kita"
"Huwag na baka makahalata sila"
"Tsssk! Sige sige, halikan mo muna ako"
"Huh? Dito talaga?"
"Sige na dami mo pa sinasabi"
Hinalikan ko na siya ng madalian sa pisngi, sinigurado kong walang nakakita sa amin. "Ayan, sige na mauna ka na"
"Magtext ka kung tapos na kayo ha? Sunduin kita"
"Huwag na"
"Hindi na nga tayo nagusap buong araw..."
"Babawi ako promise"
"Sige, ingat ka kasama mo si Kyle?"
"Oo"
"Okay"
"Uwi ka na, ingat ka sa pagmamaneho"
![](https://img.wattpad.com/cover/143193528-288-k227648.jpg)
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Teen FictionSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...