24

3.7K 71 5
                                        

"Tara na", tawag sa akin ni Jayvee, kailangan na naming pumunta sa bahay nila para sa aming tutorial session. Pinagmasdan ko muna ang paligid baka kasi nasa paligid lang ang buwiset na 'yun. "Sakay na", bumiyahe na kami pa punta sa kanila. Madali kaming nakarating sa bahay nila. Tulad ng inaasahan ay ang kasambahay lang nila ang kasama niya. Binati ko si manang at pumanhik na rin sa itaas. Sumalubong sa amin sa hagdan si Kyle. "Oh Kyle? Ba't ka andito?", pagtataka ni Jayvee. "Ah aalis narin may kinuha lang", paliwanag nito. Buti nalang kundi uuwi nalang talaga ako. Pumasok na kami sa kwarto ni Jayvee, nadismaya ako sa kalat nito. Hindi na lamang ako nagsalita tungkol dito.

"Pasensya na hindi ako nakapaglinis"

"Ok lang, eh hindi naman ata ikaw ang naglilinis"

"Ako!"

"Edi ikaw"

"Pwede 'wag muna tayo mag aral ngayon?"

"Huh? Bakit?"

"Marami naman tayong natapos kahapon madali na lang 'yan"

"Ok, sige uwi na ako"

"No, hindi dito ka muna"

"Huh? Ano naman gagawin natin?"

"Hindi ko alam eh, hehe"

"Baliw, sige, linisin mo nalang 'tong kwarto mo, kung ikaw talaga naglilinis dito..."

"Sus! 'Yun lang ba? Kayang kaya"

Nagsimula na siyang naglinis ng makalat niyang kuwarto. In fairness sa kanya ganadong ganado siya sa ginagawa niya. Ngayon lang ako nakakita ng medyo badboy na masipag pala. Naupo na lamang ako sa kanyang kama habang pinanonood siya. "Ano bilib ka na ba?", tanong niya sa akin. "Oo, masunurin ka pala eh"

"At pogi pa"

"'Yan ang 'di ko alam"

"Pero sabi nila ang pogi ko daw"

"Hmmm... okay okay pogi ka na"

"Hehe ikaw nga ang ganda mo eh"

"Luh!  Baliw, ewan ko sa'yo"

"May boyfriend ka na ba?"

"Wala"

"Single?"

"Oo, hindi kasi ako naniniwala sa love"

"Bakit? May nanakit ba sa'yo sabihin mo lang bubugbugin ko"

"Wala, ayoko lang talaga maniwala, para sa tulad ko walang love love pero sainyo meron"

"Bitter alert!!!"

"Bitter na kung bitter pero hindi talaga ako naniniwala"

"Maniwala ka"

"Ayoko"

"Maniwala ka"

"Ayoko nga!"

"Maniniwala na 'yan..."

"Hmmm... maglinis ka nga diyan"

"Opo boss, kahit pagod na pagod na ako maglilinis parin ako"

"Drama mo!"

"Joke lang pinasasaya lang kita"

"Corny mo"

"Ba't ka ngumingiti?"

"Eh masayahin ako eh"

"Nalulungkot ako, kiss mo nga ako, friendly kiss"

"Pauso ka, Walang ganon!"

"Ba't may malisya ka?"

"Wala!"

"Kiss mo na ako sa cheeks kung totoo"

"Wala nga"

"Kiss mo na ako pagod na'ko oh, 'di ba 'di totoo ang love sabi mo edi kiss mo na ako walang malisya"

"Ayoko"

"Wag na nga lang I respect you"

"Hahahaha ewan ko sa'yo"

"May tanong ako sa'yo"

"Ano 'yun?"

"Wala pala"

"Ano nga?"

"Baka magalit ka eh"

"Ano? Hindi"

"Nililigawan ka ba ni Miguel?"

"Luh 'di ba nga hindi ako naniniwala sa lo..."

"Sobra niyo kasi close"

"Selos ka? Hahahaha"

"Oo!"

"Joke lang"

"Nagseselos ako!"

Natahimik ako ng nga oras na iyon. Walang kibuan sa aming dalawa. Pakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Napansin ko ang unti-unting pagbilis ng kabog ng puso ko. Ano ibigsabihin nito? Wala lang 'to, marahil ay nabigla lang ako. Tumagal pa ang wala naming imikan.

"Loko loko ka talaga!", pagbasag ko sa katahimikan

"Hahahaha okay na ba ako sa acting???"

"Konting practice pa hahahaha"

Nawala ang kaba ko buti na lamang at nagbibiro lamang siya. Ayoko namang masira ng kung ano man ang maayos naming samahan. "Gutom ka na ba?", tanong nito sa akin. Talagang ako pa gutom? Siraulo talaga 'to. Nagboluntaryo na ako na ang bumaba para kunin sa kusina ang meryenda. Nakakahiya naman kung ako pa 'tong pagsisilbihan eh siya nga 'tong pagod. Nang nakarating na ako sa kusina ay naabutan ko si Kyle na kumakain. Hindi ko na lamang ito pinansin at kinuha na lamang ang meryenda. "AC!", tawag niya sa akin ng akmang aalis na ako. "Sorry", tanging salita na lumabas kanyang bibig habang sa akin ay nakatuon ang kanyang mata.

"Hindi lahat katulad ng iniisip mo, kaya sa susunod 'wag kang padalos dalos. Kalimutan ko nalang lahat basta 'wag mo na ulitin hindi lang sa akin ha? Kahit kanino man"

"Pramis!"

"Sige", paalam ko at pumanhik na ako ng hagdan. Masama rin magtanim ng sama ng loob. Mabuti na 'yung wala akong iniisip na kagalit. Tao lang siya nagkakamali. Naabutan ko naman ang isang ito sa kama habang nagpapanggap na tulog. Hindi niya ako maloloko noh gawain ko kaya 'to dati tuwing pinapatulog kami sa tanghali. "Huy Jayvee hindi ka magaling umarte kumain ka na", kalabit ko sa kanya. Desidido parin ang mokong ayaw akong pansinin. Sa gilid nito napansin ko ang isang papel na may nakasulat na "Isang kiss para magising ang prinsepeng pogi", ang kapal talaga nito. "Huy, alam mo? ewan ko sa'yo neknek mo!", nakaisip ako ng magandang ganti dito sa baliw na'to. Ayaw niya talagang bumangon ha, sige maghintay ka diyan. Ako ay pasimple at marahan na bumaba para tawagin si Kyle. "Kyle", bulong ko dito. "Bakit?", pagtataka nito. Ipinaliwanag ko sa kanya ang dapat niyang gawin. Pinakiusapan ko siyang halikan si Jayvee. "Bakit?", panguusisa nito. "Ewan ko ba sa pinsan mo lakas ng trip, kaya halika na bilis!", napapayag narin siya. Dahan dahan kaming pumanhik ng hagdan habang si Jayvee ay nagtutulog tulugan pa. Nang nakalapit na si Kyle ay hinalikan niya na si Jayvee. "Isa pa", hiling ni Jayvee habang pikit parin ang mata. Pinipigil ko ang tawa ko upang hindi makahalata si Jayvee. Muling hinalikan ni Kyle si Jayvee at sa pagmulat ni Jayvee ay napamura ito sa gulat. "Shit!!!", halos mahimatay ako kakatawa sa reaksyon niya. "Ayan, kiss pa?", pangaasar ko dito. "Grabe ka naman pinsan!!!"

"Buti nga sa'yo", patuloy na pangaasar ko

"Pasensya na inutusan lang ako", paliwanag ni Kyle

"Oh siya kumain sleeping prinsepeng pogi, masarap isabay sa kiss 'tong meryenda hahahahhha", sabay abot ko sa kanya ng kanyang meryenda.

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon