Nakakapagod 'tong week na 'to pero pasasaan pa at matatapos din. Projects and performance task sa mga subjects pero ang nakakainis 'yung minor na feeling major. Kakatapos lang ng klase namin at naglakad na ako sa may sakayan, makulimlim ang kalangitan mukhang uulan yata. Nagmadali na akong naglakad ngunit sa kamalas malasan puno lahat ng jeep. Naku naman huwag naman sanang abutan ng ulan.
"AC!", dinig ko sa isang boses na pamilyar. Hinanap ko kung saan ito nanggaling. "AC! Sabay ka na sa akin!", inaninag ko kung sino naman 'tong pa teleserye leading man na'to. Si Jayvee???!!! Hanggang ngayon ba naman hindi ako lulubayan nito? Umiling na lamang ako para iparating na wala akong interes. Pero desidido talaga ang adik na'to ibinalandra ba naman ang kotse niya sa harapan ko. Ang yabang talaga, oo alam kong may kotse siya pero ayoko sumabay sa mga preskong tulad niya ba't ba hindi niya nalang ihatid mga pa walk na girls dito.
"AC! Sakay na!"
"Ayoko mag cocommute ako"
"Sakay na, pakipot ka pa abutan ka ng ulan"
Talagang nangongonsensya ang mokong, grabe siya! Grabe grabe grabe grabe. "Huy!!! Hindi ka ba tatabi diyan sigaw ng poso", buti nga sakanya ang kapal kasi eh. "AC!!! Hindi ako aalis dito hanggat 'di ka sumasakay", edi 'wag kang umalis pake ko ba? "Huy!!! Anak ng... ilugar niyo nga 'yang kalandian ninyo, ikaw din huwag kang pakipot!!! Nakakaperwisyo kayo oh!!!", singhal sa amin ng poso. Natakot na ako sa tingin niya sa akin kaya sumakay na ako kay Jayvee. "Sasakay karin pala eh", napilitan lang ako huh bwiset ka talaga!!! Teka ba't amoy alak 'tong kotse niya. Ambaho!!!
"Ambaho!!!"
"Talaga ba?", sabay buga niya sa hininga niya sa pagmumukha ko, ambastos talaga niya!!! Sinampal ko siya ng malakas, "bastos!!! Ibaba mo na nga ako!!!"
"Ayoko"
"Teka lasing ka ba? Ibaba mo nalang ako ayoko madamay sa ginagawa mo, adik na 'to!"
"Relax ka nga lang, hindi ako lasing, ba't ba parang ang laki ng kasalanan ko sa'yo?"
"Wala ka nang pake dun! Ba't mo ba kasi ako inihahatid?"
"Para safe ka, lampa ka pa naman"
"Huh ano sinasabi mo?"
"Lampa ka kasi takbo ka nang takbo sa isip ko ayun nahulog ka sa puso ko"
Huh? Anong nangyayari???!!! Ba't may paganito??? Hindi ko po hiniling ito!!! Ang awkward!!! Ayoko na!!! Paano isasagot ko????!!! Halos mahulog tenga ko sa mga narinig ko. Relax AC Relax, lasing lang siya alam mo naman 'pag lasing maraming kalokohan.
"Ay tama lampa ako, lampake sa'yo!!! Adik!!! Bastos!!! Walang patutunguhan sa buhay!!!"
"Ouch...pero okay lang sanay naman ako, 'wag mo nalang ako turuan, hatid nalang kita"
Luh! Medyo sumobra ata ako doon. Binalot ng katahimikan ang paligid. Mas lalo akong nailang at halos mamaluktot sa hiya. Ang sama ko ata, ba't ko ba sinabi 'yun? Tsssk! Ang sama ng pakiramdam ko, parang nakasakit nga ako sa mga binitiwan kong salita, babawiin ko ba? Pero paano? Gusto kong bigla nalang mawala at takasan ang malabong sitwasyon na 'to. Minsan talaga walang preno ang bunganga ko, sorry po jusko...
"Andito na 'tayo... bumaba ka na", sarado ang bibig kong lumabas sa kanyang kotse. Walang mga salita ang pumasok sa aking isipan. Sinarado agad niya ang pinto at nagmadaling umalis. Hindi man lang ako nagpasalamat, ang sama ko talaga!!! Ano ba naman 'yan, naiiyak na'ko!!! Pakiramdam ko wala akong kuwentang tao at parang wala akong pinagaralan dahil sa inasal ko kanina.
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Teen FictionSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...
![Announcement: Walang Forever [Complete]](https://img.wattpad.com/cover/143193528-64-k227648.jpg)