Exam week ngayon at mabuti naman madali akong napatawad nitong si Jayvee. Kila mama naman, pinagbawalan muna akong lumakas tuwing weekends. Thursday and Friday ang schedule ng examination namin kaya naman mayroon pa akong 2 araw para magreview. Si Jayvee naman, wala akong problema medyo nagtino narin naman siya, subukan niya lang huwag seryosohin 'yung exam, makikita niya. Ganon parin ang setup namin ni Jayvee sa harap ng mga kaklase ko, walang pansinan. Kung minsan medyo nakakapagod narin magpanggap pero mas magiging magulo rin naman kung malalaman nila, ang hirap talaga ng ganito. "AC kain tayo sa baba", yaya sa akin ni Kyle habang abala ako sa pagbabasa ng reviewer ko. Walang discussions ngayong linggo pero inatasan kaming gumawa at masumite ng reviewer bilang aming performance task. Busy ang lahat, pero itong si Kyle may gana pang kumain. "Teka, tapos ka na ba?", tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito at ipinakita ang kanyang nagawang reviewer sa yellowpad. Nagpaalam na kami at bumaba para kumain. Si Jayvee naman talagang pursigidong magaral, mukhang nagbabago na talaga ang mokong. Hindi ko na siya dinistorbo at hinayaan ko na lamang sa ginagawa niya. "Ikaw lang kakain, busog ako", babala ko kay Kyle. Hindi ako puwede gumastos ng sobra sobra ngayon dahil kailangan kong pagipunan ang ireregalo ko kay Jayvee sa monthsarry namin. Hanggang ngayon naninibago parin ako sa mga ganyang terms na ginagamit 'pag may lovelife ka. Matatagalan pa ata ako bago masanay, pagpasensyahan, I'm novice when it comes to love. "Ilibre na kita", alok ni Kyle, hindi ko na rin tinanggihan gutom na rin kasi ako. Close naman kami 'di ba? Siya naman nagalok so okay lang 'yan hehe. Naupo kami sa bakanteng puwesto, ang daming tao pala dito, exam week pero andaming chill lang at nagkukwentuhan, anong nangyayari sa mundo? "Dito ka lang ha, Ako na bibili"
"Sama na ako"
"Dito ka lang, wala tayong mauupuan"
"Okay, bilisan mo"
Tumayo na si Kyle at naglakad patungong pila. Nilibang ko na lamang ang sarili ko sa pag-browse ng newsfeeds sa facebook. Sa totoo lang kahit sinabi kong nililibang oo ang sarili ko, hindi ko parin maiwasang mailang sa mga tingin ng iba. Pakiramdam ko pinaguusapan ako, pero siguro naman hindi. Hindi naman ako sikat, praning lang ako. "Dito nalang tayo", dinig ko mula sa tinig na nagmumula sa aking likuran. Hindi ko na lamang ito pinansin 'dinnaman si Kyle 'yun. "Excuse me? May kasama ka?", dinig kong muli mula sa tao sa aking likuran. Ako ba tinutukoy? Hindi siguro. Nanahimik nang panandalian ang boses nang bigla niya na akong kalabitin. "Po???", sagot ko agad mula sa king paglingon. "Pwede pa-share ng table?", tanong nito. "Huh? Opo dalaw lang naman po kami", sagot ko, parang pamilyar siya pero hindi ko matandaan, ewan siguro kamukha lang, magkakamukha naman sila dito. "Benjie, pala", pakilala niya sa akin. "AC", sagot ko sa kanya. "Sino kasama mo?, baka naman makaistorbo ako sainyo hehe", biro nito. "Kaklase ko po", tipid kong sagot. Bumalik ka na kasi Kyle, hindi ko kaya ang ganitong awkward situation.
"Iboto mo naman akong lakandula, 'di ba 30% text votes 'yun"
"Nangangampanya ka ba?"
"Huh? Oo? Kung gusto mo lang, ba't ba?"
"Meron 'din kaming lakandula"
"Baka lang naman hehe"
May konting pagkayabang 'din pala ang isang 'to. Mas pogi naman sa kanya ang lakandula ko. "Bro!", bati ni Kyle pagdating niya. Ano? Magkakilala 'tong dalawa? Okay, small world. Kaya naman pala mayabang. "Magkaklase pala kayo nito?", tanong ni Benjie kay Kyle. "Sinabi ko ngang iboto ako pero ayaw ata hehe", dagdag pa nito. Wala ba talaga silang balak isama ako sa usapan? Hello? Nandito ako, pinaguusapan niyo. Akyat nalang siguro ako, bwiset naman 'tong si Kyle. "Sige bro, akyat na ako, kita nalang tayo", paalam ni Benjie. Buti nalang umalis narin.
"Sino ba 'yun?"
"Kapatid ko"
"Huh? 'Di kayo magkamukha"
"Tsssk, sa Frat", bulong nito
"Luh! 'Di ba bawal 'yan dito?"
"Bawal 'pag may nagsumbong, isa pa wala naman akong ginawang kalokohan, mukha ba akong loko loko?"
"Oo"
"Tsssk! Basta 'wag ka nalang maingay ha?"
"Okay okay, ano ba requirments sa frat na 'yan?"
"Hehe hindi ka puwede 'dun"
"Oo alam ko! Makapagsalita naman 'to, nagtataka lang ako ba't parang mayayabang kayo"
"Ako? Mayabang?"
"Kayo mayabang"
"Tsssk akala mo lang, mababait kami pogi pa, 'di ba?"
"Confirmed! Mayabang nga"
"Hehe oo na mas pogi na 'yang pinsan kong baliw sa'yo"
"Congratulations!!! Natanggap mo rin"
"Thank you hehe"
"Salamat pala sa libre ha"
"Hindi 'yan libre, may kapalit 'yan", sabay kindat niya sa akin.
"Gulpi gusto mo?"
"Sige ba, maya sa kwarto ko gulpihin moko"
"Luh ang bastos mo"
"Joke lang, kumain ka na, kainin kita diyan eh"
Naibaliukan na lamang ako sa sinabi niya. Nako naman talaga itong si Kyle, kung may Guinness record sa pagiging pinaka naughty, siya na naguwi ng title. Buti nalang close kami kundi mapagkakamalan ko talaga 'tong manyak na tambay sa kanto. Sana mahanap niya na 'yung makakapagpasaya sa kanya, alam ko kasing mabuti siyang tao kaya sana, sana lang naman maging kumpleto na 'yung saya niya.
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Teen FictionSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...