"Huy Kyle, pasensya na pala kay Jayvee kagabi huh?", paumanhin ko kay Kyle habang siya ay busy sa pagsusulat ng lectures. Nahihiya lang ako kay Kyle dahil sa ganong paraan niya pa malalaman. Hindi man lang namin nasabi ng maayos. "Okay lang sanay naman na ako sa pinsan ko, ganon naman 'yun sa tuwing may bago", may konting kirot sa puso ko nang narinig ko ang sinabi niya. Bakit parang mayrong implication sa sinabi niya. Masyado lang siguro akong overthinking. Pero hindi mawala sa isip kong alamin kung sino ang mga ex niya baka naman kasi walang wala ako sa kalingkingan nila tapos overconfident ako.
"Kilala mo ba mga naging girlfriend niya"
"Marami"
"Oo na, alam ko marami pero sino nga"
"Pilitin mo muna ako"
"Sige na please pwede?"
"Wala na ba mas sincere diyan?"
"Hoy ha, hindi kita boyfriend"
"Pero may kailangan ka parin"
"Tsssk! Sige na"
Inamin niya rin sa akin ang mga list. Oo list talaga ng mga ex niya. Alam kong certified fuckboy si Jayvee at tinanggap ko 'yun pero nabibigla parin ako sa mga nalalaman ko tungkol sa past niya. Sa mga litratong ipinakita sa akin ni Kyle parang sinampal ako ng kagandahan ng mga babaeng minsang kinabaliwan niya. Oo na babae sila kaya siguro 2/4 ang sakit, i reduce mo 1/2 ayun na nga kalahati ang sakit.
"Kyle ano meron sa akin?"
"Huh?"
"Sige na be honest, ano meron sa akin bakit kaya ako pinatulan ni Jayvee, kasi tignan mo naman mga tipo niya tapos biglang ganito nalang sa akin"
"Mabait ka kasi"
"Mabait lang? Paano 'pag sumama ako"
"Edi wala na kayo"
"Hmmmp!"
"Joke lang, 'yan mismo ang nagustuhan niya sa'yo mahirap din ipaliwanag eh"
"Ikaw ba wala ka bang girlfriend?"
"Meron sana eh, kaso inagaw"
"Kawawa ka naman"
Hanggang ngayon wala parin akong ideya kung ano nga ba talaga nagustuhan sa akin ni Jayvee. Para naman mapanatili ko ito. Napakaignorante ko sa mga tulad nito. Paano nalang kung sakaling ayaw niya na baka hindi ko kayanin, hindi ko alam dapat kong gawin. Lahat ng ginagawa ko ngayon ay parang walang kasiguraduhan, isang trial and error lamang. Lumipas ang iras at maaga kaming pinauwi ng aming guro upang tapusin ang aming thesis. Medyo gahol narin sa oras isingit ba naman ang PE na feeling major. Sa bahay nila Allysa, ang aming leader kami nagtungo. Nakapagtext naman ako kay Jayvee kung saan kami pupunta, madali namang pumayag ito dahil sila ring grupo ay may pupuntahan.
Sinalubong kami ng mama ni Allysa sa kanilang gate. Mukhang sobrang bait ng mama niya. Mainit ang pagtanggap nila sa amin. Dumeretso kami sa kanilang sala. Halatang naiilang si Kyle dahil sa puro babae ang kagrupo ko. Kasalanan niya 'din naman ginusto niya 'yan eh. Nagsilabasan na ng laptop at talagang nakikisama ang lahat sa aming thesis. Ito talaga ang dream team, salang sala mas okay ang ganito kaysa si Ma'am ang pumili ng groupings. Kung nagkataon baka puro sa financial lang tumutulong ang iba. Ang gaan ng pakiramdam dahil alam mong matatapos sa oras. Pagdaan ng ilang oras ay nagyaya na si Allysa ng meryenda. "Guys gutom na ba kayo?", at sumangayon naman ang lahat. "Pero bibili pa tayo sa 7/11 ha?", paliwanag ni Allysa. "Ako na bibili", pagkusang loob ko ngunit tumanggi siya. "Kami nalang mga girls ang bibili", paliwanag niya. "Oo na hindi ako girl", singit ko at nagsitawanan sila pati na si Kyle. "Maiwan nalang kayong dalawa ni Kyle, si Rose at Thea kasi dadaan saglit sa boardinghouse nila malapit lang dito", paliwanag nito. Hindi ba awkward 'yun? Kaming hindi taga dito ang maiiwan. Umalis na sila at kami na nga ang naiwan. Hindi ako kinakausap ni Kyle dahil busy siya sa paglalaro ng online game.
"Huy dalawa na nga lang tayo dito 'di mo pa ako kakausapin"
"Ano ba gusto mo pagusapan?"
"Random things, like bakit may hikaw si Jayvee, ganon"
"Jayvee nanaman"
"Example lang, ano dali"
"Sige, ba't ka nagalit nung hindi kita pinayagan umuwi nung time na dinala kita sa bahay"
"Huh? Kasi ang gulo mo"
"Ah ganon ba, ba't sinagot mo agad si Jayvee?"
"Kasi naramdaman ko 'yung sincerity niya"
"Akala ko ba walang forever, walang love love"
"Mali ako meron pala hahaha"
"Ang dali mo naman magbago ng isip", pasimangot niyang sabi.
"Kahit ako rin naman nabigla sa sarili ko"
"Bilisan mo rin baguhin nararamdaman mo"
"Ano?"
"Wala, sabi ko ang ganda mo"
"Gwapo ka rin pero mas gwapo si Jayvee sa'yo"
Napikon siya sa sinabi ko at nag middle finger sa akin. Natatawa ako pero pinigil ko na lamang baka damdamin niya sinabi ko. Totoo namang mas pogi si Jayvee. Iba rin pala 'to mapikon parang bata pero 'yung tipo ng bata na sumasagot sa magulang.
"Isusumbong ko kayo"
"Luh, joke lang hindi ka mabiro"
"Sumbong ko kayo diyan eh"
"Ba't inggitero ka? Humanap ka rin ng sa'yo"
"Eh sa naunahan nga eh"
"Baka naman torpe ka?"
"Oo na, panalo ka na"
"Oh! magagalit nanaman"
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Genç KurguSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...
![Announcement: Walang Forever [Complete]](https://img.wattpad.com/cover/143193528-64-k227648.jpg)