"Ako na bahala", pakiusap ni Jayvee sa akin upang huwag na ako tumuloy sa loob ng office. Dahil sa pangungulit nito ay hinayaan ko na lamang siya. Hinihintay namin siya ni Kyle sa labas ng office. Ang lakas ng loob nun ha, siyempre ikaw ba naman anak ng mayari ng school, hindi ka ba naman maging siga dito. "Oh sumama ka pa kasi, ikaw sairaulo ka rin eh", sabi ko kay Kyle. Natahimik naman nito at halatang nagsisisi atang sumunod pa. Sa paghihintay namin sa labas ay dumating ang matandang lalaking hawig ni Jayvee. "Good morning Sir/ tito", bati ni Kyle sa matanda. Napatayo 'din ako at binati siya. Siguro kakausapin niya na ang counsellor para palagpasin na lamang si Jayvee.
"Papa pala ni Jayvee 'yun?"
"Oo si Tito Larry"
"Hmmm oh ba't parang ikaw pa ngangatog diyan?"
"Wala, iba kasi magalit si tito eh"
"Huh? Pano si Jayvee???!!!"
"...Magsasagutan sila, pero sanay naman na si Jayvee kay tito. Iiinom niya lang tapos ayos na."
Naalala ko ang tungkol sa buhay ni Jayvee. Naiwan na nga siya ng mama at kapatid niya, hindi parin pala malapit ang loob niya sa papa niya. Kaya siguro nagkaganyan siya. Sa aming paghihintay ay narinig namin ang sigawan sa loob ng office. Nabigla kami sa paglagutog ng dingding. Napatayo ako bigla at sinubukang silipin sa siwang ng pinto ang nangyayari.
"Huy halika ka nga dito, hayaan mo lang sila"
"Hayaan??? 'Di mo ba narinig 'yun?!!!"
"Sanay na ako na naririnig 'yun, madalas nga nakikita ko pa, madalas bugbugin ni tito si Jayvee tuwing may nagagawa 'tong kasalanan."
"Ba't ginagawa ng papa niya 'yun?"
"Madalas kasi may nagagawang kalokohan si Jayvee kaya ayun, pero 'wag ka magalala sanay na siya diyan iiinom niya lang 'yan tapos okay na"
"Pero mali parin 'yun"
"Eh ganon sila eh"
Naalala ko ang tungkol sa buhay ni Jayvee. Napakahirap pala ng sitwasyon niya dahil iniwan na nga siya ng mama niya at kapatid niya, hindi pa pala malapit ang loob niya sa papa niya. Kinabahan ako sa kung ano pa ang nangyayari sa loob. Hindi ko alam ang sakit pero alam kong hindi ito makakabuti kay Jayvee, kailan man ay hindi nagawa ni papa iyon sa akin. Ngayon ay sinimulan ko nang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyayari. Hindi ko na dapat pang binanggit ang pangalan niya. Kasalanan ko ito eh, kung alam ko lang talaga. Hindi ako mapakali na tila ba nagaabang sa resulta ng isang delikadong operasyon. "Dito ka lang ha? Cr lang ako", paalam ni Kyle. Saglit lang at lumabas na rin si Jayvee. Bakas ang pagalala sa mukha ko dahil hindi ko lunos na maikubli ang awa ko sa kanya. "Tara?", tawag niya sa akin habang nakangiti. Itago niya man ngunit kita ko sa mata niya ang lungkot. Inayos niya ang nagulo niyang damit dulot ng nagawa ng papa niya. "Ok ka lang ba?", pagaalala ko sa kanya.
"Oo, pasalamat ka pogi ako napakiusapan ko ang counsellor"
"'Wag ka nga nagbibiro, ano nangyari sa loob?"
"Wala, usap lang"
"Alam kong hindi, sinaktan ka ba ng papa mo?"
"Alam mo na pala... pano ba 'yan 'di na ako astig"
"Baliw ka talaga, suntukin kita diyan eh"
"'Wag please, ok lang na saktan ako ni papa, 'wag lang ikaw"
Naging seryoso ang kanyang itchura. Nabalot ng katahimikan ang buong paligid. Hindi ko alam kung ano ba isasagot ko. Bumilis ang tibok ng puso ko habang tila bumabagal ang oras. Hindi! Wala lang 'to marahil na-trauma lang siya sa ginawa ng papa niya. Walang ibigsabihin ito. "Siyempre hindi, baka ako pa bugbugin mo eh", pagbali ko sa usapan. "Jayvee! Nandyan ka na pala, ano? Tara?", pagsabat ni Kyle. Sa aming paglalakad ay hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari. Paulit ulit kong tinatanong sa aking sarili kung paano nagagawa ni Jayvee na tiisin ang mga ganong bagay. "Oh remembrance mo nalang sa akin", sabay abot sa akin ng brief niya. "Baliw ka talaga...pareho kayo", sumbat ko habang iniwasan ko ang brief niya. Patuloy akong hinahabol ni Jayvee para ipasa ang brief niya. Sa ganong paraan siguro naaalis ng panandalian ang nangyari. "Hoy tumigil na nga kayo!!!", pagawat sa amin ni Kyle. Ewan ko sa kanya, itinuloy lang namin ang paglalaro. Sa tingin ko dito lang ako makatutulong na mapawi ng panandalian ang sama ng loob ni Jayvee.
![](https://img.wattpad.com/cover/143193528-288-k227648.jpg)
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Novela JuvenilSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...