32

3K 55 2
                                    

Araw ng birthday ni Miguel ngayon. Makulimlim ang kalangitan at may nagbabadya pa yatang malakas na ulan. Sana naman huwag nang tumuloy kawawa naman si Miguel. Niyaya ko si Jayvee para samahan ako pero hindi siya pumayag sa halip ay pinasama niya si Kyle para ihatid ako. May kalayuan ang lugar nila Miguel kaya naman traffic ang aming sinuong bago makarating sa kanila. "Gutom ka na ba?", tanong sa akin ni Kyle habang kasalukuyan kaming nahinto. Iginilid niya muna ang sasakyan sa drive thru upang umorder. Hindi maitatangging magpinsan nga talaga sila. Sa gestures nila parehong mararamdaman mo ang pagiging thoughtful.

"Ang dami mo namang inorder"

"Baka magutom ka eh"

"Hindi naman ako patay gutom"

"No, what I mean is baka matagalan pa tayo sa biyahe"

"Thank you, ikaw rin kumain kana tamang tama McDo para makapagmove on ka na diyan sa kinababaliwan mo."

"Sana nga hehe"

"Ba't ba ayaw sumama ng pinsan mo?"

"May lakad daw, 'di ba sinabi sa'yo?"

"Sinabi"

Hindi nagtagal ay sa wakas narating na namin ang pagkalayo layong lugar nila Miguel. Kaya pala nangungupahan siya sa apartment kasi sobra naman pagkalayo nito. Tanaw namin ang dami ng tao at may pa banderitas pa. Malawak ang lupain nila Miguel marahil may farm sila. Birthday ba itong napuntahan namin o piyesta? Bumaba na kami at pinagtanungan namin si Miguel. Itinuro kami sa isang napakalaking bahay sa gitna ng malaparaisong lugar. Hacienda na ba ito? Sa kanila ba talaga 'to? Nabigla ako sa karangyaan ng buhay ni Miguel, simple lang naman kasi siyang manamit at hindi mayabang kumilos. Minsan talaga kung sino ang tahimik siya pa 'tong may itinatago. "AC!!!", sigaw ni Miguel sa amin habang natanaw niya kami mula sa labas ng kanilang bahay. Pinatuloy niya kami at nadatnan namin sila Lucy na nauna na pala sa amin. "Kasama ko pala si Kyle", paliwanag ko kay Miguel. Nagbatian ang dalawa pero medyo awkward, hindi kasi sila ganon ka close pero pwede na rin.

"Buti nakarating ka"

"Birthday mo baka mamaya magalit ka"

"Pasensya na pala sa lugar namin"

"Huh? Ano sinasabi mo diyan? Ang ganda kaya ng lugar niyo, ikaw huh 'di ka nagsasabi ang garbo naman parang piyesta"

"Hehe umuwi si Papa kaya pati kapitbahay kasama sa birthday ko, baduy ba?"

"Baduy ka diyan, alam mo masyado kang humble, nahihiya na nga ako sa'yo eh"

Kumain na kami at itinuloy ang kuwentuhan habang ang iba naman ay busy sa videoke. Pansin ko ang hindi pagkibo ni Kyle. Out of place ata ang mokong. Nakalabas ang phone at kunwaring may katext. "Huy, ba't 'di ka magsalita diyan?", tanong ko sa kanya. "Hindi mo naman ako kinakausap eh", paliwanag nito. Lumapit bigla si Lucy at niyaya si Kyle na magvideoke. Something's fishy talaga, si Lucy parang may pagtingin kay Kyle. Hindi man lang kami isinama ni Miguel. Okay narin siguro 'yun para kay Kyle, nang makapag move on sa kinababaliwan niya. Kami nalang ang naiwan ni Miguel sa kusina. Hindi maitatago ang saya ni Miguel, talagang happy ang birthday niya. Inabot ko na ang regalo ko sa kanya. "Uy, baka mag expect ka huh? Basta mula 'yan sa puso"

"Basta galing sa'yo"

"Naks! May paganyan ka pang nalalaman huh"

"Hindi ahmmm, I appreciate you're effort para pumunta, alam ko naman exam na next week kaya busy ka pero nasingit mo pa pumunta dito"

"Wala nga 'yun, ikaw kasi pinakaclose ko na rin sa school ever since lumipat ako, kaya I wouldn't mind"

"So ano na?"

"Anong ano na?"

"Ahmmm gusto mo makita treehouse namin?"

"Ano??? May treehouse kayo? "

"Tara"

Anong saya ko nang binanggit ni Miguel sa akin ang tungkol sa kanilang treehouse. Fascinated kasi ako sa mga treehouse bata palamang ako pero kahit kailan hindi pa ako nakakita sa personal. Hiniling ko minsan kay papa pero wala namang puno sa amin. Lumabas kami sa pinto ng kanilang kusina. Makulimlim man ay tuloy parin kami sa treehouse, childhood dream ko makakita nito kaya walang puwedeng humadlang. Manghang mangha ako sa nakita ko. Sa ngayon ay hindi na lamang sa internet ko nakikita ang treehouse. Paano kaya ang manirahan sa isang treehouse? Hindi ba't masaya, walang iniisip at nakikita kundi ang payapang paligid.

"Oh? Titignan mo nalang ba?"

"Pwede umakyat???"

"Oo naman, sige"

"Dahan dahan ka lang"

Nakarating kami sa loob nito. Hindi ko namalayan ang pagagos ng luha ko.

"Naiyak ka?"

"Hahaha sorry medyo OA lang, dream ko kasi 'to kaya ewan! Napakasaya ko lang"

"Hehe 'yun naman pala, 'wag ka na umiyak"

"Thank you ha? Birthday mo pero parang ikaw pa 'tong binigyan mo ng saya"

"Masaya na ako na nakikita kitang masaya"

"Naks naman may mga paganyan ganyan ka pang nalalaman, saan mo nanaman natutunan 'yan?"

"Hehe wala lang, kinilig ka ba?"

"Hmmm kung ako siguro 'yung nililigawan mo, kinilig na ako"

Maraming naikwento sa akin si Miguel. Nalaman ko ang tungkol sa kapatid niyang babae. Maaga itong pumanaw dahil sa sakit sa puso. Noon pa lamang daw ay paborito niya nang tumambay sa treehouse, lalo na sa tuwing hinahabol siya ng pamalo ng mama niya. Halos lahat ng kapamilya nila ay nag migrate na sa US at tanging sila na lamang ang naiwan dito dahil narin sa ang kanilang farm ay nagbibigay ng kabuhayan sa mga kapitbahay nila. Napakabait ni Miguel hindi lang bilang kaibigan kundi bilang anak. Pansin ko naman na 'yon dahil sa school palang hindi niya pinapabayaan ang kanyang pagaaral. Mabilis lumipas ang oras. Nagsimulang dumilim ang kalangitan.

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon