53

3.3K 62 19
                                        

Dumilim ang paligid hudyat upang isayaw na namin ang mga gusto naming isayaw. Nangangapa man ako sa dilim ay sinikap kong pumunta sa aking upuan. Nagsimulang tumugtog ang malungkot na awitin. Naalala ko, ito sana ang huling pagkikita namin ni Miguel. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Kung nandito 'yun baka pinilit niya na akong isayaw, baliw din 'yun eh.

Sana kung nasaan man siya ay ligtas siya. Napakaraming nangyari sa buong senior year  ko. Hindi ko naman inakala na magiging ganito kagulo ang lahat pero aaminin ko sobrang saya ang naranasan ko at hinding hindi ko ipagpapalit ang mga taong nakilala ko kung saan man. Pinaranas ni Jayvee sa akin kung paano ang maniwala sa love na dati ay parati kong tinutuligsa.

Na realize ko na ang bitter ko pala eh pero bumigay din pala. Walang forever, oo tama pero sa mga taong takot maniwala. Marahil saglit lang ang pinagsamahan namin ni Jayvee pero ang mga bagay na ipinaranas at ipinaramdam niya sa akin ay mayroong forever, forever kong iingatan.

Tama si Miguel, may nararamdaman pa nga ako kay Jayvee pero siguro malabo nang magkaroon ng sequel ang lahat, masyadong mahirap ang aming sitwasyon. "AC", tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Pilit kong iniisip kong saan ko na narinig ang boses na iyon. Lumingon ako kung saan nanggagaling ang boses at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Anong ginagawa mo dito???", pagtataka ko habang kita ko na ayos na ayos siya para sa ball. Habang ako ay naguguluhan parin ay siya'y nakangiti lamang at tila tinatawanan ang pagtataka ko.

"Ano? Titigan nalang ba tayo?"

"Huh? Bakit?"

"Hindi ba obvious? Isasayaw kita"

"Baliw ka ba, ba't ka ba andito, hindi mo pa pinapaliwanag sa akin"

"Tsss! Andami pa sinsabi tara na"

Hinawakan niya ako sa baywang at halos kaladkarin sa dancefloor. Nang makarating kami ay hinawakan niya ang aking kamay habang ang isang kamay ay nasa aking baywang. Pansin kong may ilang napapatingin pero wala siyang balak tumigil. Sabay sa mabagal ba awitin ang aming sayaw. Mga mukha namin ay magkatapat ngunit walang imik.

Nagtagal pa ang katahimikan ng ilang minuto.

"Ba't ka pala bumalik?"

"Para sa'yo, ayaw mo ba?"

"Huh? Hindi ko naman hiningi sa'yo"

"Hindi ka masaya?"

"Masaya naman pero akala ko ba magtatagal ka doon?"

"Hindi ko pala kaya"

"Ang alin? Pano 'yung magiging anak mo?"

"Niloko lang ako ni Jane hindi pala akin 'yun, 'di ba hehe so ibigsabihin pwede na tayo ulit 'di ba?"

"Siguro"

Naguguluhan ako sa bilis ng nga pangyayari, bakit parang pinaglaruan ata ako ng tadhana. Dapat masaya ako sa sinabi ni Jayvee dahil sa wakas ay may puwang na ako sa kanya pero bakit tila wala akong maramdaman? Bakit parang may mali sa akin? Hindi ko na maramdaman ang pagkasabik sa piling ni Jayvee. Napakaliit ng distansya ng kanyang kinatatayuan mula sa akin ngunit tila milya milya ang layo ng loob ko sa kanya.

"Pwede ba kitang ligawan ulit?", tanong niya sa akin. Wala akong maisagot at hindi ako makapagsalita. Tumigil ang mundo ko at nag echo sa pandinig ko ang kanyang katanungan. Gusto ko ba ito? Buong akala ko ay ito ang hinahanap ng puso ko. Tumakbo ako sa kawalan. Walang ibang iniisip kundi makaalis sa sitwasyong iyon. "AC!" Pagpigil sa akin ni Jayvee habang papalayo ako sa kanya.

Lumabas na ako nang pinto at nagulat sa aking nakita. Nakatayo sa isang sulok si Miguel at bihis na bihis. Anong ginagawa niya dito? Ang sabi ni Lucy sa akin ay nakaalis na si Miguel kahapon. "Miguel?", tanong ko upang makompirma kung tama nga ba ang ang aking nakikita ngunit sa halip na lumingon sa akin ang taong inaakala kong si Miguel ay sumakay na ito ng elevator. "Miguel!", tawag kong muli habang sinusubukan kong pigilan siya.

Hindi ko na siya naabutan kaya naman nagtungo na lamang ako sa hagdan. Napakaraming hakbang ang aking kailangang gawin upang makababa sa lobby. Hindi ko na lamang ininda ito dahil gusto ko nang malinawan sa nararamdaman ko. Nang ako ay hahakbang na sa panghuking baitang ay bigla na lamang akong nadulas. Hindi ko maipaliwanag ang sakit ng aking pagkakasubsob sa sahig. "Sir okay lang kayo???", agad na tinulungan ako ng janitor na napadaan sa kinaroonan ko. "Dalhin ko po kayo sa clinic???", tanong nito sa akin. Pinilit kong tumayo at tumakbo nang paika ika. Hindi ko na ininda ang sakit ng binti ko.

Sa kasamaang palad ay hindi ko na naabutan si Miguel sa Lobby. Ipinagtanungan ko na sa guard ngunit kinumpirma nila na nakaalis na ang taong tinutukoy ko. Naglakas loob parin akong pumunta sa parking ng mga sasakyan at nagbabakasakaling naroon pa ang kotse niya. Isa isa kong tinugnan ang mga kotseng nakaparada ngunit ako'y nabigo. Nakaalis na nga siguro siya.

Walang paabiso at bumuhos ang malakas na ulan. Hindi na ako nagmadaling tumakbo pabalik sa loob dahil alam ko namang mababasa rin ako. Maraming mga katanungan ang sumulpot sa aking isipan. Maging ang nararamdaman ko ay nagawa ko nang kuwestyunin. "Bwiset ka talaga kahit kailan Miguel!!!", sigaw ko sa kawalan. Walang makakarinig sa akin marahil ito na ang tamang pagkakataon upang sabihin ang nais kong sabihin.

"Ang daya mo Miguel!!! Aalis ka tapos hindi mo man lang sasabihin sa akin?!!! Akala ko ba friends tayo???!!! Sige na!!! Oo aaminin ko na!!! Mahal na kita!!! Pero wala ka na eh, goodluck!!!"

Lumipas ang ilang araw at napagalaman ko na umalis na pala si Miguel kinaumagahan ng gabi na iyon. Simula noon ay wala na akong natanggap na mensahe mula sa kanya. Ang gabing iyon ang isa sa mga hindi ko makakalimutang gabi ng buhay ko. Minsan sa buhay natin masyado tayong nagpapadalos dalos sa mga kilos natin. Mas pinangungunahan natin ang tunay na nararamdaman natin. Irereserba ko nalang ang lahat nang ito sa hanggang sa muling pagkikita natin, Miguel.

Fin

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon