41

2.9K 50 1
                                    

Lumipas na ang ilang buwan mula nang maging kami ni Jayvee. Paano ba i-explain itong nararamdaman ko ngayon? Siguro kukulangin ako sa isang araw na pagpapaliwanag kung anong lebel ng saya ang nadarama ko dahil kay Jayvee. Sabi nga nila 'too good to be true' daw itong relasyon namin pero malay ba nila eh sa pakiramdam ko eh totoo naman, aminin ko noong una akala ko walang magamamahal sa tulad ko pero si Jayvee, siya ang nagbago sa pananaw ko. Dahil sa kanya naramdaman kong posible palang sumaya at umibig ang isang tulad ko.

Pagdating naman sa privacy namin ay nanatili parin kaming tago sa nakararami. Ako naman ang may gusto nito at isa pa magiging magulo lang kung malalaman ng lahat, ayoko siyang pagusapan ng iba at manatili ang tahimik niyang buhay. Basta alam namin na 'pag walang mga matang nakatingin ay amin ang bawat sandali. Nagiging corny na ba ako? Epekto na siguro 'to ng love, nakakaadik at ang hirap hintuan.

"Jayvee hoy bumangon ka na diyan!!! Malalate na tayo!!!", paggising ko sa kanya. Tulog mantika pa siya at tatamad tamad bumangon. Nauna na akong maligo at magbihis dahil alam ko na ang kupad nitong kumilos. Bakit kami magkasama ngayon? Siyempre ang forever supportive kong mama nauto nanaman nitong isang ito na matulog ako dito sa kanila. Kulang nalang mag live in kami. "Jayvee ano ba??? Iiwan kita diyan!!!", dugtong ko para sa makulit na mokong na'to. Agad namang bumangon ito na para bang nabuhusan ng malamig na tubig. Nakakatuwa itsura niya, ang gulo ng buhok at hihikabhikab pa. "Good morning", bati niya sa akin habang namumugto pa ang mga mata nito.

"Good morning, dalian mo na maligo ka na, may pasok po"

"Sabay"

"Sabay ka diyan, sabay mo mukha mo, nauna na ako naligo kay dalian mo na"

"Ang daya"

"Ang daya ka diyan, ikaw itong nag alarm ikaw pa late nagising"

Ipinagtulakan ko na siya sa loob ng banyo upang maligo. Ang tigas talaga ng ulo nito kahit kailan, kolehiyo na kami next year pero kilos elementary pa rin siya. Kinatok ko ang pinto ng banyo niya at sinigawan upang magmadali. Alam ko naman ang mga kalokohan niyang pinagagawa tuwing naliligo. Dinalian naman ng mokong ang pagligo, buti naman at natututo na. "Paabot ng tuwalya", tawag nito sa akin. Ayun! Hindi pa pala natuto ang mokong na 'to. "Ano ba 'yan!", sagot ko habang inaabot ko sa akmya ang kanyang tuwalya. "Thank you", sagot naman nito, infairness sa kanya marunong naman magpasalamat. "Bilisan mo na! Iwanan na kita", singhal ko sa kanya habang ako'y inip na inip na sa pagkakupad nitong magpatuyo sa loob ng banyo. Ano ba kasi ginagawa nito? "AC!", tawag niya sa akin mula sa loob ng banyo.

"Oh??? Ano bang kalokohan 'yan bilisan mo na!"

"Halika dito"

"Mukha mo! Bye alis na ako!"

Agad naman itong lumabas ng banyo para pigilan ako. Nakakatawa mukha niya habang nagmamadaling kumabas ng banyo para siguraduhing hindi ko siya iiwan. "Sandali lang", pakiusap nito, parang batang malalate sa unang araw ng kindergarten class niya. "Sige na! Tumalikod ka na! Bilisan mo na magbihis ka na!", utos ko sa kanya. "Ba't tatalikod pa? Nakita mo naman na 'to ah?", kanyang pamimilosopo. Oo nga namn nakita ko na nga este ano ba? Respeto lang noh? Hindi naman kami si Eva at Adan para magpakitaan. "Oo nakita ko na, maliit kaya itago mo na 'yan!", pangaasar ko sa kanya na halata namang napikon sa sinabi ko. "Anong sabi mo?", tanong nito na kunwari pang hindi niya narinig ang sinabi ko. "Maliit daw, eh iiyak iyak naman...", dugtong nito bilang pasaring sa akin. "Che! for the nth time po sir, bilisan niyo na po! Please po!", sagot ko sa kanya.

Nakarating naman kami ng nasa oras papuntang school. "Hoy!", panggugulat sa akin ni Lucy habang nahuli niya akong naglakad papalayo sa sasakyan ni Jayvee. "Nakakagulat ka naman, bakit?", tanong ko. "Hmmm live in lang ang peg huh?", pangaasar niya. "Ano ba problema?"

"Wow! Galit, ganda ka?"

"Ano ba! Hindi bakit? masama ba? Ilang beses naman na akong nag sleep over sa bahay nila at isa pa payag naman si mama"

"Wala lang, masaya ka diyan eh, basta 'pag may ginawa 'yan sa'yo sabihin mo lang sa akin"

"May ginawa siya sa akin"

"Ano??!!!"

"Minamahal niya ako"

"Hala! Landi!"

"Hehe joke lang baka naman sabihin mo feeling ako"

"Nahhh! Okay lang 'yan actually we're twinning malandi 'din ako."

"Huh? Kanino? May bf ka na?"

"Oo"

"Sino?"

"Hulaan mo"

"Kilala ko?"

"Oo"

"Sirit na"

"Tsssk! Ang boring mo naman humula! Si Miguel"

"Huh? Si Miguel?"

"Oo, ulit ulit?"

"Paano?"

"Mukhang hindi ka ata masaya"

"Masaya siyempre kaso nakakagulat lang bamt ngayon lang naging kayo eh medyo matagal na akyong close nun"

"Ewan ba, nanligaw ang kuya mo eh, ako naman mapagmahal at marupok 'din ayun! Kami na"

"Congrats!!! Hindi nasabi ni Miguel sa akin 'yan ha! Humanda talaga sa akin 'yun!"

Totoo ba ang narinig ko? Sila na ni Miguel? Gusto ko pang magtanong kung paano nangyari 'yun pero ayoko namang manghimasok na sa desisyon niya. Pero hindi parin talaga ako makapaniwala parang ang bilis, oo na pati rin namn kami ni Jayvee noon ang bilis naging kami pero... ewan masaya ako para kay Miguel atleast hindi niya na ipinapako sarili niya sa mystery girl na parati niyang ibinibida sa akin. Deserve niyang maging masaya at alam kong maibibigay 'yun ni Lucy, sigurado ako.

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon