"Huy!!! Umuulan na!!!", pagalala ko habang tanaw ko ang malakas na buhos ng ulan na may kasama pang kidlat. Paano na lamang kami sa loob ng treehouse? Magdidilim na, kailangan ko nang umuwi, hindi ako nakapagpaalam kay mama. Inilabas ko ang aking cellphone upang tawagan si Kyle upang sunduin kami ng payong. Wala silang kaalam alam sa kinaroroonan namin, baka nagaalala na sila. "Shocks!!! Lowbatt pa...", pagalala ko. Paano ba 'to? "Miguel, lowbatt ako eh, peram ng cellphone mo", pakiusap ko kay Miguel ngunit umiling siya at alam ko na ang kahulugan nito. Patay na!!! So ano? Magpapatila kami ng ulan dito? Totoo talaga ang kasabihan na 'pag sobrang saya mo may kapalit na hindi magandang bagay at ito na 'yun stranded na maituturing kami sa loob ng treehouse. Para kaming ibon sa lagay namin ngayon.
"Hindi ka ba nagaalala??? Sabagay dito ka lang nakatira pero paano na 'to?"
"Relax lang titigil din 'yan"
"Kailan? Pagabi na oh!"
"Sana nga 'wag na"
"Ano???"
"Wala! Sabi ko 'wag ka ng maingay tignan mo mas lalong lumalakas"
Preskong presko ang pagkakasandal ni Miguel at tila walang ka proble problema habang ako halos masiraan ng bait. Isa pa palang problema ko si Jayvee. Paano kung tumawag 'yun? O magtext. "Titigil 'din 'yan halika dito pahinga ka muna", pagpapakalma niya sa akin.
"Lagot ako kay mama nito"
"Okay lang 'yan tawagan natin mamaya si tita"
Ang kampante naman ng isang ito. Wala ba talaga siyang gagawin like magpaulan nalang para kumuha ng payong. "Sugurin ko nalang kaya ang ulan?", tanong ko. "'Wag baka madulas ka pa pababa tapos tamaan ka ng kidlat", pananakot niya sa akin. So paano nga?!!! Kinakabahan na ako sa kakaisip ng paraan.
"Pansin ko lang ba't naging close agad kayo ni Kyle?"
"Saan naman galing 'yang tanong na 'yan?"
"Wala lang naisip ko lang"
"Mahabang kuwento"
"Makikinig ako, o baka naman may 'di ka nasasabi sa akin?"
"Luh! Wala noh mahabang kuwento talaga, ikaw nga hindi mo pa ako pinapakilala diyan sa sinasabi mong nakareserba na sa'yo"
"Kilala mo naman na siya"
"Sino? Si Lucy? Friends niya? 'Yung lakambini natin? Sino?"
"Ikaw"
"Bakit? Sino nga?"
"Si AC"
"Joke ba 'yan? Funny ka"
"Ikaw nga, 'di ako nagbibiro"
"Okay, naka high ka ba? Shabu? Marijuana?"
"Hindi na kailangan, ikaw palang high na high na ako"
"Huh???!!! Seryoso??? Paano???"
"Joke lang!!! Umasa ka noh?"
"Mukha mo! Hindi kaya"
"Kinilig ka eh"
"Hindi kaya, natakot lang ako baka hindi ka na makatulog dahil sa akin"
"Hehe may mga ganyan kanang banat huh?"
"siyempre, akala mo ba ikaw lang"
"Isa pa nga, pakiligin mo ko"
"Ayoko nga, mukha mo"
"Birthday ko naman, sige na baby?"
"Huh???!!! Baby ka diyan ang panget pakinggan"
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
TienerfictieSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...
![Announcement: Walang Forever [Complete]](https://img.wattpad.com/cover/143193528-64-k227648.jpg)