30

3.4K 65 7
                                        

Ginabi na kami ng uwi dahil sa pag-rush ng aming thesis. Tinawagan ko agad si Jayvee para ipaalam na nakauwi na ako. Nalaman ko nalang na maraming beses pala siyang nagtext hindi nagawang basahin at sagutin ito dahil sa na-lowbatt ako sa library pa lamang. Agad namang sinagot ni Jayvee ang akinh tawag.

"Jayvee, nakauwi na ako"

"Kanina pa kita tinetext at tinatawagan"

"Na-lowbatt ako sorry"

"Kumain ka na ba?"

"Ah hindi pa eh"

"Magbihis ka susunduin kita kain tayo sa labas"

"Huh?"

"Tsssk, sige na magbihis ka na"

"Okay okay"

Kakain kami sa labas? Lakas talaga mga relationship goals ito. Dati naririnig ko lang 'to sa mga minsan ko nang tinawag na corny na mga couples. Tama talaga ang desisyon ko, tama talaga ang mga sinasabi nila. May kung anong hatid 'tong love na 'to sa akin. Stressed ako ngayon pero nagagawa ko paring kumilos. Nagmadali na akong nagbihis at nagpaalam kila mama. Nakarating kami sa isang mukhang mamahaling restaurant. Hindi ako pamilyar sa lugar na'to, hindi naman kasi ako mahilig gumastos para lang sa mamahaling pagkain. Laging gulat ko ng mayroon na pala siyang reservation, talagang pinagplanuhan niya ata ito.

"Luh, sobra naman ata 'to"

"Hindi ka ba masaya?"

"Huh? Masaya naman siyempre pero kailangan ba talaga dito?"

"AC ako ang boyfriend mo at hindi ako magdadalawang isip na ibigay sa'yo lahat ng makapagpapasaya sayo"

"Sige na nga kain na tayo, masyado mo naman akong pinapakilig"

"Kamusta pala araw mo?"

"Huh? Nasa iisang room lang naman tayo edi pareho lang nung sayo"

"Magkasama nga hindi naman pwedeng magusap"

"Alam mo naman dahilan 'di ba? Nagtatampo ka ba?"

"Oo may utang ka sa akin dahil diyan"

"Gusto mo ba talaga maging lakandula?"

"Oh ba't naman napasok 'yan? Nagseselos ka noh?"

"Hindi noh!"

"Nagseselos ka eh, bakit nga?"

"Hmmmm. Eh kasi siyempre makikita ka ng lahat tapos siyempre naman papansinin mo rin sila..."

"Pero ikaw parin ang love ko, ang selosa kong love. Suportahan mo nalang ako please"

"Sige na nga, 'wag kang maghikaw hindi pwede sa lakandula 'yan"

"Oo relax tatanggalin ko 'to"

"Okay na ba kayo ng papa mo?"

"Sakto lang, pero 'dun parin siya natutulog sa babae niya. Gusto mo sa bahay ka na matulog ?hehe"

"May pasok bukas tapos sabi ko kay mama kakain lang tayo"

"Ok lang ihatid kita bukas ng maaga, tawagan nalang natin sila"

"Baka kasi..."

"Please"

"Sige na nga"

Wala na akong magagawa 'pag nagmakaawa na 'tong mokong na'to. Ang lakas niya sa akin. Alam niya kahinaan ko kaya naman paulit ulit niya itong ginagawa para mapasunod niya ako. Pasalamat parin siya mabait ako. Umuwi na kami sa kanila at tumawag na din kay mama para ipaalam na hindi ako makakauwi. Sobrang gustong gusto naman ni mama na huwag akong umuwi, nagtataka na nga ako kung mahal ba nila ako. Sobrang supportive sa mga ganitong bagay. Nakapasok na kami sa kanilang bahay nang maabutan namin si Kyle. Tumakbo man ako at magtago ay hindi narin maaari dahil natanaw na niya kami mula sa bintana. "Bro ano ginagawa mo dito?", pagtatakang tanong ni Jayvee. Nagiisip naman ako ng aking idadahilan kung sakaling ako ang tanungin ni Kyle. "Idinaan ko lang 'yung mga inutos ni mommy, teka ba't kasama mo si AC?", bakas sa mukha niya ang paghihinala. "Kami na bakit ano problema?", tahasang sagot ni Jayvee. Nalagot na, ang lakas ng moob ng mokong na'to paano na lang ang iisipin ni Kyle. "Kayo? Kailan pa? Alam na ba nito ni tito?", sunod sunod na tanong ni Kyle, halatang nabigla siya sa kanyang nalaman. Yumuko na lamang ako dahil sa aking pagkahiya sa ginagawa ni Jayvee. Hindi niya naman kailangan gawin 'to, mas komportable ako na kami lang ang nakakaalam ng lahat. "Hindi mo naman sasabihin sa kanya 'di ba?", pagbabanta ni Jayvee.

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon