Gusto kong paniwalain ang sarili ko na normal lang ang ginawa ng papa ni Jayvee. Pero sa tuwing naaalala ko ang mga mata niya, mas nakikita ko kung ano ang gusto niyang sabihin. Tigas naman kasi ng ulo nun. Mahimbing na akong tulog at halos hatinggabi na rin nang may tumawag sa telepono ko. Hindi ko nalang pinansin ito dahil narin sa antok ko. Hindi huminto ang tumatawag sa akin. Nalaman kong si Jayvee pala iyun. Agad akong bumangon at pinilit gisingin ang diwa ko para tawagan siya. Matagal bago niya ito sagutin. Alam ko na importante ang dahilan ng kanyang pagtawag kaya naman ay kinakabahan ako sa paghihintay sa sagot niya. "Hello", bati niya sa akin. "Tumawag ka, bakit?", pagalala ko sa kanya. Hindi nagtagal ay nadinig ko ang pagiyak niya. "Huy, umiiyak ka ba?", marahan kong tanong sa kanya. "Hindil", pagtanggi niyo. "Nagsinungaling ka pa dinig ko kaya 'yung pagsinga mo...", pagpapakalma ko sa sitwasyon.
"May sipon lang ako."
"'Wag ka nga diyan, umiinom ka noh?"
"Pano mo nalaman?"
"Basta, umuwi ka na! Nasan ka ba? Kasama mo ba si Kyle?"
"Hindi, okay lang ako dito", paliwanag nito habang hindi ko na halos maintindihan ang sinasabi niya. Marahil lasing na siya.
"Hindi pwede magisa ka lang ang tigas ng ulo mo! Asan ka?"
"Sa puso mooo"
"Ano ba?!!! Jayvee hindi ako nakikipagbiruan, natataranta ako alam mo ba?"
"Andito ako sa Planet Bar"
"Diyan ka lang pupuntahan kita!"
"'Wag na baka pagalitan ka pa"
"Tsssk!!! Bahala na basta diyan ka lang bwiset ka"
Nagmamadali na akong nagbihis at dahangdahang bumaba ng hagdan. Alam kong hindi maganda ang gagawin ko pero hindi kakayanin ng konsensya ko kung may mangyaring masama kay Jayvee. Baliw pa naman 'yun baka kung ano maisip. Tumakas ako ng bahay palunta sa bar na kinaroroonan ni Jayvee. Natunton ko na ang bar na tinutukoy niya dahil narin sa kotse niyang nakaparada dito. Nahirapan akong hanapin si Jayvee dahil sa dilim at dami ng tao. Nang naabutan ko siya ay lango na ito sa alak at tuluyan na ngang bumagsak sa mesa. "Jayvee!!!", sigaw ko dito habang ginigising ito. "AC???", pagtataka nito. Nabigla ako ng umakap ito sa akin. "Huy, lasing ka na samahan na kita umuwi", paalam ko dito. Ngunit sa halip na bitiwan niya ako ay mas lalo niyang hinigpitan ng yakap. "Jayvee, 'wag makulit pwede? Uwi ka na.
"Ayoko pa umuwi!!!"
"Bakit? Madaling araw na oh!"
"Wala rin ako kasama"
"Ano sinasabi mo, ang papa mo baka hinahanap ka na"
"Sana!!!pero andun siya sa babae niya!!!"
Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko dapat naririnig ang mga bagay na 'to pero mas lalong nahabag ang loob ko kay Jayvee. Hindi ko siya pwede iwan dito basta basta wala sa katinuan 'to eh baka uamandar nanaman pagkasiraulo nito.
"Okay... samahan kita basta uwi ka na"
"Talaga?", tanong nito habang binigyan ako ng makahulugang tingin. Kita sa mata nito ang saya nang malaman niyang sasamahan ko siya. Bahala na bukas kung ano mangyari pero hindi ko kayang iwan si Jayvee. Sasamahan ko siya. Pilit na nagdrive si Jayvee kahit lasing na ito. Kinausap ko na lamang siya at pinabagal lamang ang takbo upang maging maayos ang aming byahe.
![](https://img.wattpad.com/cover/143193528-288-k227648.jpg)
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Teen FictionSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...