Prologue

3.5K 67 0
                                    

Ang bansang Tamera nahahati sa apat na kaharian. Ang Valeria, kaharian ng may matalas na isip na nasa timog peninsula. Sa kanluran ay ang Zeria, kaharian ng mga mandirigma. Ang Peoria na nasa silangan, kaharian ng kabutihan. May bali-balita pang ang ibang mga tagalabas ay labas-masok sa kaharian ng Peoria na isang malaking pagkakamali sa buong bansa. Ang Royal Kingdom na nasa norte, sila ang pinakamataas sa lahat, pinamumunuan nila ang apat na kaharian. Tinatawag ang kanilang hari bilang Kataas-taasan.

Ang nasa gitna ng apat na kaharian ay tinatawag na sentro. Ito ang lugar saan itinatapon ang mga taong pinagkaitan ng tadhana at hindi nahanap ang kanilang mga kabiyak. Bawal silang pumasok sa mga kaharian, tinatawag namin silang mga tagalabas. Labis ang galit nila sa nangyari at sa patakaran kaya sila naging malaking pahamak at nagrerebelde. Umaatake sila ng palihim kaya sa bawat hangganan ng mga kaharian kaya may mga grupo ng mandirigma ang nakabantay.

Ang lahat ng mamamayan ay may kakayahang makilala ang taong itindhana sa kanila sa oras namakatungtong ng ika-labingwalong taong gulang. Kaya gumawa ng batas ang Kataas-taasan para bigyan ng kahalagahan ang biyayang ibinigay sa kanila.

The Royal Decree:

...

Sa edad na labingwalo kailangan hanapin ang iyong kabiyak na naaayon sa kakayahan ng ating lahi.

Sa matapos ang dalawang taon na palugit dapat mo ng maiharap sa Hari at sa mga Tagapayo ang iyong kabiyak kapag hindi ikaw ay magiging tagalabas.

...

Dalawang patakarang magpapabago sa buhay ni Arzena. Patakarang isinumpa niyang mabago. Ngunit hindi niya inakalang ito ang magiging dahilan sa paglabas ng lahat ng katotohanan. Lahat ng mga nakatagong sikreto na magpapabago sa kaniyang katauhan.

Sa kaniyang paglayo at pagtakas sasampalin siya ng reyalidad na ang buhay ay hindi isang laro at biro lamang. Kahit anong takbo at layo ng kaniyang marating hindi niya matatakasan ang bagay na itinadhana para sa kaniya. Kahit anong liko ng daan na gusto niyang tahakin pilit itong pinapaliit ang kaniyang mundo sa mga taong magpapabago sa kaniyang tunay na pagkatao. Gaano man niya gustong takasan ang lalaking magiging dahilan ng pagbago ng kaniyang prinsipyo mananatili itong nagtatago sa kaniyang anino.

Kaya bang amuhin ng pagmamahal ang isang klase ng taong gustong makatakas sa katotohanan? Kaya bang palambutin batong damdamin? Kaya bang harapin at salungatin ang nagkakamali nitong prinsipyo sa buhay? Kaya bang mapabago ang patakarang matagal ng isinusumpa ng mga tao? Isang mahabang paglalakbay ng babae sa likod ng kaniyang maskara.

*****

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


March 2018

THE ROYAL DECREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon