Hi, guys!
Natapos na din sa wakas. Kung nagugulat kayo kung gaano ako kabilis mag update ..hehehe
Sa totoo lang tapos naman po talaga yan noong May 5 palang. Gusto ko kasi na kapag gagawa ako ng novel dapat pag-publish ko tapos na, para tuloy-tuloy ang buhay at saya.
Nais ko lang ipaalam na close na po ang story nila Arzena at Genesis. Wala ng book 2. Pero pinag-iisipan ko pa kung lalagyan ko ng special chapters kung saan POV na ni Genesis, mga random scene sa story na hinahanap niya si Arzena.
Mapapansin niyo naman lahat ng chapters hanggang Epilogue kay Arzena lahat. Ang goal ko kasi isa lang talaga ang POV para di ako malito.
Kung may mga ilang tanong kayo, I'm willing to answer sa abot ng makakaya ko. Willing naman akong tumanggap ng critic niyo dahil malaki iyong tulong para madevelop ko pa ang writing skills ko, charot.
Wag naman pong harsh ha. Madali lang po akong masaktan. Hindi po ako marunong umaway ng readers at haters. Mas gugustuhin ko pang tumikom ng bibig kaysa magalit sa maliit na bagay.
Sa paniniwala ko kasi ang edukadong tao hindi marunong makisabay sa walang modong tao.
Masama sa kalusugan ang may galit at poot, charot.
Humihingi ako ng kapatawaran sa mga scene na di naman nakakakilig, di ko pa po na experience sa personal. Sa drama at imagination ko lang. Kahit anong tingin ko ng mga kdrama at kung ano-ano pa para malagyan ko naman ng konting kilig ang sinusulat ngunit walang epek.
Failed kung baga.
Wag niyo na pong itanong kung bakit dahil alam na. Ang mga wattpader mga fiction characters lang ang mahal at wala ng iba, hahahaha.
I hope na enjoy niyo naman ang story itong.
Say goodbye sa dalawang magkabiyak and say Hi to my other characters. Thank you sa support (90 degrees bow).
Paalala lang po walang perfect na tao.
Godbless at mahal na mahal ko kayo.Instagram account: @dynah_wp
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Tarihi KurguIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...