TAHIMIK lang ako nakaupo sa gilid habang ang iba ay nagpupulong-pulong. May dalawang mesa ang nandito, maingay at nagsisigawan ang mga tagapayo. Nagtuturuan kung paano nakapasok si Emila na hindi napapansin kahit pinakalat na sa buong bansa ang kaniyang larawan.
Si Mama ay nakahawak sa kamay ko pero patagal nang patagal unti-unti itong humihigpit. Halatang kinakabahan siya sa sasabihin ng manggagamot at namumutla rin kaya hinayaan ko siyang humilig sa balikat ko. Ginagamot pa nila hanggang ngayon ang mga nakainom ng alak na inihain ni Emila. Nasa sampu ang apektado kasali na ang Kataas-taasang Hari, si Genesis, si Papa at ang Reyna ng Zeria.
Malaki ang problemang ito lalo na kapag lumabas ito sa publiko. Aasahan na talaga ang malaking gulo na magaganap. Ngunit nagpapasalamat nalang kami at wala pang kumakalat na balita sa buong kaharian.
Kung alam ko lang na ito ang gagawin niya edi sana ay napagilan ko agad ang kaniyang binabalak. Kung pinahuli ko na siya agad sa mga kawal nang makita ko siya edi sana hindi nanganganib ang buhay ni Genesis ngayon. Nabaling ang tingin ko kay Ezekiel na nakatingin sa bintana. Walang makikitang ekspresyon sa kaniyang mukha kahit pagkabalisa lang sa nangyari sa kaniyang ama at kapatid. Sa aming lahat ng nandito siya lang ang kalmado.
Ang Hari ng Zeria ay kanina pa pabalik-balik ng lakad sa aming harapan. Naririnig ko pa ang kaniyang mga bulong. Si Pkenzo ay wala dito, kasama niya si Ginoong Pollo sa kulungan ni Emila. May ilang katanungan daw silang ibibigay dito.
Ilang oras pa kaming naghintay bago tuluyang bumukas ang pinto at isa-isang pumasok ang grupo ng manggagamot. Napatayo ako sa kinauupuan at gayundin si Mama.
"Kamusta na po ang kalagayan nila?"
Napaiwas ng tingin ang iba sa kanila na parang nagdadalawang-isip na sagutin ang aming tanong. "Hindi pa maganda ang kanilang kalagayan ngayon."
Napaiyak si Mama sa masamang balitang narinig.
"Lalo na ang nakarami ng inom ng alak. Wala pa silang malay at hindi namin alam kung kailan sila magigising. Ang tanging ginawa lang namin ay pabagalin ang epekto ng lason na nasa kanilang katawan."
"May lunas po ba sa lason na nainom nila?"
Nabaling ang aming tingin sa Hari ng Zeria at bumalik sa manggagamot na ngayon ay nakayuko na.
"Ang lason na ginamit ay hindi pa namin na didiskubre at ano ang masamang maidudulot nito sa katawan ng tao. Kung ito ay pag-aaralan aabot pa ng ilang taon bago kami makakakita ng lunas."
Napapikit ako ng mariin sa kaniyang sinabi. Hindi ko kakayanin na mawawala sa'kin ang dalawang taong minamahal ko sa isang iglap lang.
"Ilang araw silang magtatagal bago mabawian ng buhay?" Napanting ang aking tenga nang marinig iyon sa isa sa mga tagapayo. Mabilis ko siyang nilapitan at sinakal sa hawak kong punyal.
Napaatras silang lahat sa kinilos ko.
"Arzena!"
Naramdaman ko ang pagpigil ni Mama ngunit hindi ko iyon pinansin lalo ang tingin ng iba naming kasama."Sinong may sabi na mamamatay sila?" Mas idinikit ko sa kaniyang leeg ang punyal na konting kilos lang masusugatan na siya. Mababakas sa kaniyang mukha ang takot. Napalunok pa ito at hindi na makasagot.
"Kanina pa ako nagtitimpi sa inyong mga tagapayo. Parang hinihintay niyong bumagsak ang mga Renialdi para kayo ang pumalit!" Isa-isa kong tinitigan sa mata ang bawat tagapayo na nasa silid na ito. "Alam kong mas gugustuhin niyong mamamatay sila. Pero patawad nalang ngunit hindi ako papayag. Tingnan lang natin sa huli, ako mismo ang magpapabagsak sa inyo!"
Tinanggal ko ang punyal sa leeg ng tagapayo at tinulak siya kaya napasalampak ito sa sahig. Lumabas ako doon, ayaw kong tumaggal sa loob at baka makapatay ako ng tao ng wala sa oras.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...