Chapter 5: Love Vs. Selfishness

1K 41 2
                                    

MADALING araw palang ay gising na kaming tatlo para magsimulang maglakad. Iniwan namin ang kabayo at karwahe sa lugar saan kami tumigil kagabi. Hindi naman mamatay ang kabayo hindi kasi namin ito tinali.

"Ilang araw ba ang dadaan bago tayo makakarating sa inyong kaharian?"

"Kung mabilis tayong maglakad, maaaring isang linggo. Pero kung matatagalan tayo aabutin tayo ng halos dalawang linggo. Mahirap rin kasi ang daanan papunta sa'min."

Kumabog ang dibdib ko at namawis ang kamay sa sagot ni Claudia. Gano'n ba kalayo ang Zeria mula dito? Parang hihimatayin ako sa tagal ng paglalakbay na'to.

"Mamatay yata ako ng mas maaga," bulong ko sa sarili

"Nandito naman kami para alalayan ka." Nagulat ako sa sinabi ni Claudia, narinig niya pala ang binulong ko.

"Gano'n naman pala, halina at humayo na tayo," nakangiti kong saad. Dahil sa sinabi niya ay nawala tuloy pangamba ko.

May naalala ako kagabi na gusto kong aralin sa kanila. Bago kami maghiwalay ng landas nais kong may matutunan. "Maari ba akong humingi ng pabor sa inyo?"

Lumingon sila sa'kin. "Ano naman iyon Arzena?"

"Gusto kong pag-aralan paano makipaglaban para protektahan ang sarili ko at ang iba. Alam niyo namang pagdating natin sa inyong kaharian ay maghihiwalay ng tayo ng landas at sana kahit papaano may matututunan ako sa inyo."

"Walang problema sa'min ngunit mahirapan ka Arzena kahit magkaibigan tayo hindi naman ka namin papalagpasin. Mahirap ang pinagdaanan naming pagsasanay noon. Kakayanin mo ba?"

Napatalon ako sa galak at niyakap silang dalawa. "Kakayanin ko talaga."

"Humanda ka mamayang gabi magsisimula ang pagsasanay mo." Sumilay sa kanilang labi ang mapaglarong ngiti. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kilabot.

Napakanta ako sa galak habang iniisip ang mangyayaring pag-ensayo mamayang gabi. Ilang ulit na akong lumuhod kay Papa na pag-aralin ako sa pakikipaglaban ngunit tumututol siya. Ngayon ito ang panahon kong matuto.

Hindi ko namalayan na ang inapakan kong lupa ay malambot kaya naramdaman ko nalang na gumugulong na ako pababa.

"Arzena!"

Damang-dama ko ang masasakit na pagtama ng sanga sa aking katawan. Mas masakit pa ito sa sampal na natamo ko noon sa Reyna. Mabuti nga at hindi masyadong malalim ang bangin. Maliliit lang na kahoy at madamo ang nahulugan ko kung bato ang mga ito baka isa na akong malamig na bangkay. Hindi pa nga ako nangangalahati sa aming paglalakbay namatay agad, hindi naman yata pwede. Nahirapan akong tumayo dahil sa malaki kong sugat sa binti. Nakita ko ang dalawa na nagpadausdos para puntahan ako.

"Ayos kalang?" Inalalayan nila akong tumayo at pinagpagan ang damit kong nadumihan.

"Ayos pa naman, buhay pa. Humihinga at tumutunog pa naman ang puso ko kaya mahaba pa ang buhay ko."

"May gana ka pang magbiro."

"Ahh!" Napasigaw ako nang hawakan niya ang sugat ko sa braso.

"Nahulog na nga may pangiti-ngiti pa, baliw."

Bago kami nagpatuloy sa paglalakbay ay ginawan muna ako ni Sandra ng saklay at ginamot ni Claudia ang mga sugat ko. Tanghali na bago kami naglakad ulit, mas lalo tuloy mapapatagal ang paglalakbay namin.

Napadaan kami sa isang malinis na batis kaya sumalok kami doon para may tubig kaming iinumin. Minsan pa ay napapatigil kami dahil sa naririnig naming kakaibang kaluskos. May pagkakataon din naman na naaawa ang dalawa sa'kin at nagpapahinga kami saglit. Napadaan kami sa mabatong bahagi kaya nadagdagan na naman ang mga sugat at gasgas sa paa at siko. Sumasakit na ang balakang ko sa pagkakahulog kanina.

THE ROYAL DECREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon