NAPADPAD ako sa isang napakalaking lawa. Maraming mga taong naglalakad doon lalo na ang magkasintahan.
"Sinong gustong sumakay?" Isang bangkero ang sumigaw na nakatawag pansin sa'kin.
Naglakad ako palapit sa kaniya. "Maaari po ba?"
"Naku, salamat naman. Halika ka." Inalalayan niya ako pasakay sa kaniyang munting bangka. May katandaan na si Manong ngunit malakas parin siyang magsagwan. "Halatang hindi ka taga dito, Binibini," komento niya.
"Opo, ito ang una kong pagkakataon na makapunta sa kahariang ito," paliwanag ko.
"Maipapangako ko na hindi ka magsisisi sa pagtungo dito. Ako si Mang Manuel, ikaw anong pangalan mo?"
"Claire po." Napatingin ako sa tubig at namunutiktik ito sa mga isda dahil napakalinaw ng tubig.
"Ano po ang pangalan ng lawa?" tanong ko habang nilibot ang tingin sa magandang tanawin.
"Bawat henerasyon pinapalitan ito, nakadepende sa pangalan ng susunod na Reyna. Sa kasalukuyan ay Clarisse."
"Kakaiba naman pala ang lawang ito, bawat henerasyon may ibang pangalan." Nappikit ako at dinama ang sariwang hangin.
"Gano'n na nga, pero alam mo bang may kwento ang lawang ito?"
Napaupo ako ng maayos at naging interesado sa kwentong nais kong marinig. "Ano po iyon?"
"Ang kwentong ito ay galing pa sa kanununuan ko. Sapagkat simula palang ay isa ng bangkero ang aming angkan at parang responsibilidad na naming masaksihan ang unang pagkikita ng mga taong tinadhana. Ilang mga dalaga at binata na ang aking isinakay dito, hindi inaakalang sila pala ay magkabiyak. Ilang kasal na ang aking nadaluhan.
Ang hinihintay ko nalang ay ang pagkakataon na ako mismo ang makasaksi sa unang pagkikita ng Prinsipe sa kaniyang kabiyak. Ilang ninuno ko palang ang nakakita ng unang pagtama ng tingin sa nga itinakdang susunod na Hari at Reyna. ."
"Napakahiwaga pala ng inyong pamilya," giit ko at ngumiti sa kaniya.
"Kaya nga, kaya pinatili ko na kahit matanda na ay namamangka parin sapagkat hindi ko pa nasaksihan ang unang pagkikita ng mahal na Prinsipe sa kaniyang kabiyak," nakayuko niyang saad na may pagkadismaya sa boses.
"Huwag po kayong mawalan ng pag-asa."
"Kahit na iha, may sakit ako maaaring hindi na ako magtagal pa." Napatigil siya sa pagsasagwan at pareho naming tinanaw ang palubog na araw.
"Ikaw, may kabiyak ka na ba?"
"Wala po," sagot ko. Hindi ko alam kung ilang taong gulang na ako at nasa tamang edad para makilala sino ang nakatandahan sa'kin.
"Bakit may suot kang singsing sa iyong kaliwang palisingsingan?"
"Hindi ko nga po alam, nawalan po kasi ako ng alaala."
"Nakakalungkot naman ng iyong kalagayan."
Biglang lumakas ang hangin kaya napakapit ako sa bangka. "Bakit ka nakamaskara?"
Napatingin ako kay Mang Manuel sa bigla niyang tanong at may halong gulat sa kaniyang mukha. Hindi ko namalayan na natanggal na pala ang talukbong ko. Napayuko ako at hindi makatingin sa kanya.
"Huwag kang matakot, hindi ako nangungutya. Hindi ako tulad ng ibang tao na nakakita lang ng kakaiba ay kukutyain ka. Hindi nila alam ang kwento sa likod ng iyong kalagayan. Lalo na't isa kang babaeng may suot na maskara na napkahalaga sa kahariang ito."
Kunot noo akong napatitig sa kaniya, hindi ko kasi maintindihan ang kaniyang sinabi.
"Mang Manuel, may tanong ako." Napatitig siya sa'kin. "Kung sakaling kayo ay nasa posisyon ko. Ano po ang gagawin niyo? Ang kalimutan nalang ang nakaraan at hindi nalang alahanin ang nakaraan? O gagawin ang lahat maalala lang ito kahit gaano man kapait ang karanasang iyon?"
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...