ISANG abalang Peoria ang nadatnan. Lahat sila ay parang may kanya-kanyang gawain na kailangan tapusin bago pa matapos ang araw na ito. Palingon-lingon lang ako at nagtataka sa kanilang kinikilos. Ang mga kawal naman ay todo bantay. Dumiretso ako sa pamilihan ngunit hindi ko inaasahan ang aking naabutan. Sirado ang mga tindahan at walang katao-tao. Anong nangyayari?
Lumapit ako sa isang kawal. "Ano po ang nangyayari? Abala po ang lahat at walang tindera sa pamilihan?"
"May mangyayari kasing malaking pagsasalo mamayang gabi sa palasyo at lahat ng tao ay kailangang dumalo. Lahat ng tindera ay naatasan na dalhin lahat ang kanilang mga binebenta doon para lutuin at ihahanda mamaya. Mahalaga rin ang araw na ito para sa'min," paliwanag niya.
"Maaari po ba akong makapasok sa palasyo?"
"Oo naman, bukas na bukas ang palasyo sa mga panauhin."
Ngumiti ako at nagpasalamat sa kaniya.
Tinahak ko ang daan papunta sa palasyo. Marami akong kasabay na papunta rin doon at parang galak na galak sila sa mangyayaring piging mamayang gabi. Namumitiktik sa ganda ang pambungad na hardin at disenyo ng buong kastilyo. Sa malaking bakuran sinimulan na nilang lagyan ito ng nagtataasang mga mesa at nilagyan ng palamuti.
Dumapo ang tingin ko sa malaking pinto. Dapat ko munang unahin ang tunay kong sadya, ang kausapin si Pkenzo. May kailangan lang akong linawin sa kanya, kahit na nagawa niya iyon alam kong may dahilan siya.
Pumasok ako sa isang pasilyo wala akong nakikitang tao. Saan ko ba siya mahahanap? Isa-isa kong binuksan ang bawat pinto na aking nadadaanan ngunit wala parin akong mahagilap na tagapagsilbi o kawal para magtanungan. Lahat sila ay nasa ibaba.
"Anong ginagawa mo? Bakit ka nandito?"
Napatigil ako at napalingon sa pinanggalingan ng boses. Tatlong taong kailan man ay hindi ako tinalikuran noong nag-aagaw buhay ako at pinahiya sa maraming tao. Napaiyak ako at tumakbong dinamba sila ng yakap.
"Hoy! Hindi tayo malapit para yakapin mo?" Sa gulat ni Jeon ay sinigawan pa ako at pilit na makawala sa pagyakap ko sa kanila.
"Ganito talaga kapag gwapo. Lapitin ng babae," ani naman ni Kosai.
"Arzena, nailigtas kanila!" Sa kanilang tatlo si Daru lang ang nakakilala sa'kin kahit nakabalabal ako.
"Daru kahit masakit sa'min ang nangyari sa kaniya huwag mo naman biglang sambitin ang pangalan niya. Nakakapangulila kaya na wala na siya, palagi ko pa naman siyang napapanaginipan," reklamo ni Kosai na ikinahagikgik ko. "Sana nailigtas siya ng mag-asawang magsasaka pero hanggang ngayon wala parin tayong balita, hindi yata niya nakayanan ang natamo niyang sugat at nabiwan ng buhay."
Kumalas ako sa yakap ngunit si Daru na mismo ang biglang lumapit sa'kin at niyakap ako. "Namiss ka namin. Akala ko nawala ka na, ikaw pa naman ang prinsesa naming tatlo kahit may mga reyna na kami sa aming mga tahanan," bulong niya.
"Hoy, Daru mahiya ka nga hindi natin 'yan kilala. Isusumbong kita kay Stella sa ginagawa mo ngayon," sita ni Jeon sa kanya at hinila-hila ito palayo sa'kin.
"Ikaw lang talaga ang nakakakilala sa'kin kahit nakasuot ako ng balabal," ani ko.
"Gano'n talaga kapag sa simula palang ay sinusundan ka na namin."
Napakunot ang aking noo sa kaniyang isinambit. Kumalas siya sa yakap at hinarap ang dalawa na kanina pa kami iniistorbo.
"Lintik lang Daru, malalagot ka talaga sa asawa mo!"
"Hindi na lalabas ang anak mo kung sakali!"
Napatawa nalang ako sa kanilang mga sinasabi at ibinaba ang aking talukbong.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...