Special Chapter

618 20 1
                                    

Genesis Pov

HUMARAP ako sa malaking salamin habang abala ang tagapagsilbi na inaayos ang suot ko.

"Nasaan si Daru?"

"Nasa labas na po at naghihintay na sa inyo."

"Dumating na ba ang aking ama?"

"Opo, Mahal na Prinsipe."

Sana sa araw na ito ay makaharap at makilala na ako ni Arzena. Hindi ko na kayang palagpasin pa ang pagkakataon na ito.

"Maaari ka ng umalis at papasukin mo si Daru." Bago niya ako iniwan sa silid ay yumuko muna siya tanda ng pagpapakita ng respeto.

"Kanina pa kita hinihintay," walang gana niyang sambit sa kaniyang pagpasok.

"Kinakabahan ako." Napahagikgik siya na isang nakakalokong salita ang lumabas sa aking bibig. Kung nasa posisyon ko siya malamang ganito rin ang kaniyang mararamdaman.

"Kinakabahan ka sa harap ng kabiyak mo? Pero kung sa gitna ng mga labanan kahit panlalamig lang ay walang-wala sayo!"

"Kabiyak ko ang pinag-uusapan Daru at may malaking tiyansang tatakbo naman siya."

"Hindi ka naman sigurado kung tatakbo siya diba may pinaghahawakan ka, ang singsing na ibinigay mo sa kaniya, na may kakaibang hiwaga."

"Kahit na," napakagat labi nalang ako.

"Kailan magsisimula ang kasal ng Heneral?"

"Ilang minuto nalang."

Inakbayan ko siya at sabay kaming lumabas sa silid. Sana ito na talaga ang tamang panahon para siya'y mapasaakin na.

Nang magsimula ang seremonyas ay nasa panghuling helera lang kami ni Daru umupo para hindi kami makilala ng mga tao. Walang alam ang aking ama na nandito ako at ang aking kabiyak. Mamaya ko nalang isuplong ang aking sarili. Maaaring galit pa siya sa pagkuha ko sa mahalagang kayamanan ng aming pamilya, ang singsing.

Pasimple kong sinusulyapan si Arzena na nasa unang hilera, kahit likuran ko lang ang aking natatanaw agaw pansin parin ang angkin niyang kagandahan. May napapansin akong mga kalalakihan na pasimple rin siyang sinusulyapan. Kahit man nakasuot siya ng maskara, litaw na litaw parin ang ganda niya. Napakuyom ako sa kamao. Ako lang ang may karapatang sulyapan siya.

"Kalma lang," napalingon ako kay Daru habang nakaturo sa kaliwa kong kamay. Sa aking pagtingin ay nasira ko na ang dinesenyong mga bulaklak sa mga upuan.

"Kung may balak kang pumatay, hindi ito ang tamang panahon." Inismaran ko lang siya at pinagpatuloy ang pagsulyap sa aking mahal.

Matapos ang kasal ay diretso na sa hardin ang lahat at pasimple akong naglakad papalapit sa kaniya. Ilang hakbang nalang ang layo naming dalawa nang lumitaw ang kapatid ng ikinasal. Walang pagdadalawang-isip akong tumigil at muling tumalikod. Napapikit nalang ako ng mariin at nadismaya. Iyon na, pero may humarang pa talaga. Dismayado akong naglakad kasabay ng ilan pang mga tao hanggang sa hindi ko namalayang katabi ko na pala ang aking ama.

"Hindi mo man lang sinabi sa'kin nandito ka sa kasal ni Heneral Flynn." Napalunok ako gulat at kung ano ang kaniyang gagawin ng ilang linggo na akong hindi umuuwi sa aming kaharian.

"Hindi ko kayang hindian ang kaniyang imbitasyon na isang taon na ang nakakaraan bago pa niya nakilala kahapon ang kaniyang kabiyak."

"Hindi mo kayang hindian? O hindi mo kayang mawala sa iyong paningin ang iyong kabiyak?" Napatitig ako kay ama at sa hindi mabasang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Paano mo nalaman?"

"Ano ang silbi ng ninakaw mong singsing?" Hindi ko alam kung ano ang susunod kong sasabihin sa kaniya. "Bakit hindi mo siya kasama? Bakit hindi kayo magkatabi kanina? At halatang wala siyang kaalam-alam na ako ang iyong ama."

THE ROYAL DECREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon