Chapter 4: The Fallen Soldiers

1K 40 0
                                    

NASA hangganan na kami ng kaharian at nakita ko ang mga mandirigmang nagbabantay dito. Mahigpit sila at pinatigil pa nila ang aming karwahe para tingnan kung may dala kaming 'di kaaya-aya. Mabuti nga at may dala akong sulat mula sa Hari na tanda na maaari kaming makalabas ng kaharian.

Pero kapansin-pansin ang ayos nila, ang maitim at makintab na mga sapatos noon ngayon ay puno na ng putik. Ang kanilang uniporme ay parang kinagat ng malaking daga dahil butas-butas na at gutay-gutay. Ang malinis nilang mukha noon ay may natatabunan na ng mahabang balbas at dumi sa mukha. At ang matalim nilang mga sandata ay parang kinakalawang narin.

Lahat sila napatigil sa mga ginagawa nang kami ay dumaan, tutok na tutok kung sino ang nasa loob ng karwahe. May nagtakbuhan pa at nagsigawan habang sinusundan kami. Pinatigil ko ang karwahe at bumaba. Dismayado sila inaakalang ang mahal nilang Hari ang lulan nito. Mahina silang umiling at bumalik sa kani-kanilang ginagawa.

Mababakas sa kanilang mukha na handa silang bumuwis ng buhay para sa protektahan ang nasasakupan. Nakita ko ang maliit nilang barong-barong saan matatanaw mula dito ang mga mandirigmang sugatan. Wala akong nakitang manggagamot. Sino ang nag-aalaga sa kanila? Maglalakad sana ako papalapit doon nang pigilan ako ng dalawa kong kasama. Walang emosyong tingin ang pinukol ko sa kaniya at hinawi ko ang kaniyang kamay. Humakbang ako patungo sa doon. Hindi ko maatim na umalis ng Valeria kung maiiwan ko ang ganitong kalagayan.

Pagkapasok ko palang ay may humawak sa aking kamay. "Tulungan niyo po ako, gusto ko pang makita ang aking pamilya," puno ng mamakaawa ng isang lalakeng sundalo. May sugat siya sa tagiliran at napansin kong damit lang ang ginamit para hindi umagos ang dugo niya.

Lumuhod ako at ngumiti sa kaniya. "Ipapangako ko po sa inyo na makakabalik kayo sa inyong pamilya." Pinabalik ko siya ng higa at inayos ang kaniyang kumot. Lumapit ako sa lagayan ng gamot, binuksan ko ito ngunit wala itong laman. Napakagat labi kong nilingon ang mga sundalong sugatan. Paano sila mabubuhay na kahit gamot ay wala sila?

Nahagip ng aking mata ang bintana, tanaw na tanaw dito ang labas. May limang sundalo na may dalang pala at kalaunan dumating ang bagong grupo na may karga-kargang malalaking itim na bagay na parang pambalot. Isang pamilyar na bagay ang lumabas, napaatras ako ng mapagtanto kung ano ito, isang kamay.

"Namatay sila dahil hindi agad naagapan ang kanilang sugat."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Isang matandang lalake, maitim ang ilalim ng kaniyang mga mata halatang kulang sa tulog at payat pero bakas na mataas ang katungkulan niya. May katandaan na rin dahil sa puting buhok na halos bumalot na sa kaniyang ulo. "Ako si Heneral Peterson Geoff," pakilala niya at nakipagkamay sa'kin.

"Alam mo bang ikaw ang pangalawang tao na tumigil dito sa'min. Kahit ang Hari kapag dumadaan kahit lumingon man lang ay hindi niya magawa. Dalawang taon na kaming nandito at hindi parin nakakauwi sa aming pamilya. Hindi kami pinayagan ng Hari." Bakas sa kaniyang boses ang lungkot at pagkadismaya.

"Sangkapat nalang ang naiwang sundalo dito. Ang iba ay namatay sa bawat pag-atake. Hindi na namin kayang labanan pa ang mga rebelde, kung may susunod pa na atake swerte nalang kung mabibilang lang ang dami nila. Ang aming mga baril ay wala ng bala, isang kahon nalang ang naiwan. Ang mga kanyon, iilan nalang ang pwedeng gamitin dahil ang iba sira na. Walang sapat na pagkain kaya pumupunta kami sa gubat para maghanap. Hinaharangan kasi kami kapag pumasok sa loob para makahingi ng pagkain sa mamamayan." Lumapit siya sa isa sa mga sundalong sugatan at inabutan ng tubig.

"Wala ng pake ang Hari sa aming kalagayan. Parang hinahayaan niyang makapasok ang tagalabas sa Valeria. Ilang ulit kaming gumawa ng liham sa kaniya ngunit hanggang ngayon wala kaming nakukuhang tugon. Ang mas nakakalungkot, ang iba kong kasamahan, umalis na, naglakbay papunta sa ibang kaharian. Ngunit dahil walang lagda sa ating Hari, minsan ang iba naging tagalabas na rin. Magugulat na lang kami na kasamahan namin noon, ngayon isa na sa umaatake sa'min. Ang kanilang mga pamilya ay pinapasunod nila sa kanila. Hindi na maayos at payapa ang Valeria. Ang mga buwis natin ay pasikretong isinisilid ng ng Hari sa kaniyang bulsa. Simula nang umupo siya sa trono ay nagsimula ng bumagsak ang Valeria. Kung hindi lang sana namatay ang tunay na Hari baka masagana at masaya ang ating kaharian."

THE ROYAL DECREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon