PINAPASOK ang lahat ng bisita sa mansyon para doon ipagpagpatuloy ang naudlot na kasiyahan. Palakas nang palakas kasi ang ulan na may dalang malakas na hangin.
Kasalukuyan akong nasa loob ng kwarto at nagkulong. Nandyan siya sa ibaba kasama ang mga bisita. Mabuti nga at nakatakbo ako agad bago pa magtama ang aming tingin, kung hindi ay maaaring tinapon ko na ang sarili ko sa kanya na marahil pagsisihan ko sa huli. Matapos kong magpaulan ay dumaan ako sa likurang pinto para makapasok at makapunta sa kwarto na inilaan sa'kin. Ayaw ko ng bumalik doon, ayaw kong makita ang kabiyak ko.
Sana'y hindi ko nasaktan ang loob ni Claudia sa bigla kong pag-alis. Napatingin ako sa palumpon ng bulaklak na nasa higaan. Sa dami ng dalaga kanina sakto talagang nahulog sa hawak kong kopita. Balisa ako at pabalik-balik ang paglalakad sa silid habang nag-iisip ng magandang paraan para hindi kami magkita. Bakit ba masyadong maliit ang mundo para sa'min?
Ginulo ko ang aking buhok sa inis, ang sarap tumakbo palayo. Napatigil ako, tama! Tatakbo ako palayo. Kailangan ko ng umalis sa kahariang ito bukas na bukas din. Ngunit kailangan ko munang tapusin ang plano ko sa araw na ito.
Suot ko ang isa kong simpleng damit pantulog at pinatungan ko ng balabal. Lumabas ko sa silid at nilibot ko muna ang tingin sa buong paligid bago lumabas. Kailangan kong magdoble ingat lalo na't nandito ang kabiyak ko. Tahimik akong tinahak ang pasilyo papunta sa malaking hagdanan, makikita mula sa itaas ang nangyayari sa ibaba. Hindi man lang nabawasan ang mga bisita kahit masama ang panahon. Nilibot ko ang tingin at hinanap ang presensya ng Kataas-taasang Hari ngunit hindi ko ito mahagilap.
"Hinanap mo ako Binibini." Napatayo ako ng wala sa oras at napalingon sa pinanggagalingan ng boses. Napayuko ako ng mabilis nang makilala ko ito, ang Hari.
"Ako po si Arzena Atria Parvati, galing sa kaharian ng Valeria. Nais ko po kayong makausap." Halos lumabas na ang puso ko dahil sa kaba.
Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Kung iyan ang nais mo ay hindi ako tututol."
Sinundan ko siya at pumasok kami sa opisina ng Heneral.
Tumikim muna ako bago ako nagsalita. "Tungkol po ito sa mga gawain ni Haring Herrondale," sabi ko. Tumango naman siya at tinaas ang isa niyang kamay, senyales na magpatuloy ako sa aking sinabi. Ikwenento ko ang lahat, kasali na ang nangyari sa dalawang magkakapatid at sa mga tagalabas. Tahimik lang siyang nakikinig sa sinasabi ko.
"Paiimbestigahan ko ang bagay na 'yan at para mahatulan ng kaparusahan sa ginawa niyang kahangalan." Para akong nawalan ng tinik sa dibdib sa narinig ko, mabuti naman at nakinig siya sa sinabi ko. "Ngunit iha bakit mo ito ginagawa sa sarili mong Hari?"
"Kahit ako'y saksi sa kanyang kasakiman," seryoso kong sagot.
"Huwag kang mag-aalala aaksyon agad ako sa ganitong problema," nakangiti niyang sambit na mas ikinagalak ko.
"Maraming salamat po."
Iniwan ko siya doon sa loob ng opisina habang ako ay patalon-talon sa pasilyo papunta sa aking silid. Makakaalis ako ng Zeria na walang problema at makatakas sa kabiyak ko.
ALA-UNA na ng madaling araw natapos ang kasiyahan at isa-isang nagsiuwian ang mga bisita. May iilan naman ang nanatili at dito nalang nagpalipas ng gabi. Nakakapanghinayang hindi ko man lang nakilala ang Hari at Reyna ng Zeria at ilan pang tanyag na bisita. Kainis naman kasi! Bakit kasi nandoon siya sa kasal ni Claudia?
Kakatapos ko lang iligpit ang mga gamit ko at ipinasok sa maleta. Ikinalulungkot ko ngunit kailangan ko ng lumisan. Napatigil ako nang makita sa bintana ang kalapati at may nakasabit na liham sa kaniyang paa. Dali-dali kong binuksan ang bintana at kinuha ang liham na maaaring galing sa pamilya ko.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...