Chapter 24: The Painful Tale

699 30 1
                                    

MALAPIT ng maghating gabi nang matapos silang uminom. Inalalayan ni Lola si Lolo Peter, halos hindi na ito makatayo sa kalasingan.

"Maliit lang pala iinumin mo? Pero ganito kalala ang epekto!" Bulyaw niya nito, ngunit ngumisi lang si Lolo at hinalikan si Lola sa pisngi. "Tumigil ka nga, hindi ka na nahiya."

Niligpit ko ang kalat at hinayaan muna si Genesis na natutulog sa kaniyang upuan.

"Claire, ikaw na ang bahala kay Genesis. Matutulog na kami ng Lolo mo."

"Opo."

Napatingin ako sa lalaking napaka-inosenteng natutulog. Hindi ba siya nahihirapan sa posisyon niya? Umupo ako sa harap niya at tinitigan ang kaniyang mukha. Napakaperpekto sa isang tulad kong hindi naman kagandahan.

"Genesis," gising ko sa kaniya. Kailangan ko siyang gisingin para hindi ako mahirapang alalayan siya.

"Uhmm," mahina nitong ungol.

"Tumayo ka, aalalayan kita papunta sa kwarto mo."

Dumilat siya at tumitig sa'kin. "Ganda mo naman, mahal kita," banggit niya dahil sa kalasingan. Nag-alburoto naman ang dibdib ko.

"Tumigil ka nga." Inilagay ko ang kaniyang braso sa balikat ko. "Tumayo ka para mahatid na kita sa kwarto mo."

Kahit pa gewang-gewang kami ay nakapasok din sa wakas sa loob ng bahay. Nadapa pa nga siya, sarap ngang hindi pulutin.

"Hoy, saan mo ako dadalhin?" Ngumisi pa, siya habang palingon-lingon sa sala.

"Huwag ka ngang malikot. Maglakad ka lang doon," turo ko sa kanyang silid.

Napatakip siya sa kaniyang bibig at tinitigan ako na may nakakalokong ngiti. "Ikaw ha, may pagnanasa ka talaga sa'kin. Kahit sa puno sinisilipan mo ako."

Napalaki ang mata ko sa gulat. Ibig sabihin alam niya na sinilipan ko siya? Aksidente lang naman 'yon. Kasalanan ko bang hindi siya marunong magsara ng bintana. Nakakatukso rin kaya ang katawan niya.

Huminto kami sa harap ng pinto ng kwarto.

"Ohh, kwarto. Dito mo ako dadalhin?" Sinundot niya ang tagiliran ko at nagtaas-baba ang kaniyang kilay. "Agad-agad diretso tayo dito, hindi pa nga tayo nakakasal, ang bilis mo. Mahiyain pa naman ako pero ayos lang naman," nakangiti niyang giit. Mas malakas ang tama ng utak niya kapag lasing, kahit saan napupunta.

Binuksan ko ang pinto at inalalayan siya sa paghiga. Tapos ngumiti naman siya ng malaki.

"Ayos lang sa'kin."

Napakunot ang noo ko nang mapagtanto ang kaniyang iniisip, binatukan ko siya ng malakas. "Ang dumi ng utak mo!"

Ipinagilid ko ang kaniyang posisyon. Nanlaki bigla ang aking mata nang walang kahirap-hirap niyang hinubad ang suot niyang damit. Ang katapusan, kitang-kita ang kumakaway niyang umbok at mapang-akit na sumasayaw na kalamanan.

Mahabaging Panginoon!

Hindi pa ako nakakabawi sa nakikita ko nang mabilis niyang tinanggal ang suot niya sa ibaba. Naitapon ko sa kaniya ng mabilis ang hawak kong kumot bago pa ako makakita ng hindi nararapat. Sapat na sa'kin ang taas na bahagi ngunit yang nasa ibaba, isang malaking hindi.

Hinila ko mula sa ilalim ang pang-ibaba niyang damit at tinapon ito sa sahig. Inayos ko ang kumot at unan niya. Pinunasan ko ng maligamgam na tubig ang kaniyang braso at katawan pero sa itaas lang na bahagi.

Ang mga umbok niya sa tiyan hindi lang kumakaway parang tinatawag na nga ako. Sinundot ko ito at ang tigas nga. Paano ba gumawa niyan para naman mayroon din ako? Ang mga kalamnan niya ay hindi lang nang-aakit sumayaw at parang kumakanta pa. Nasisiraan na talaga ako ng utak. Mahabaging Panginoon, ang tentasyon ay nahawakan ko na po. Paano ko ito pipigilan?

THE ROYAL DECREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon