Chapter 7: Rejecting the Fate

923 35 3
                                    

UMALIS ako sa lumang bahay ng payapa. Hindi na ako nagpahatid sa limang lalaki na nakasama, maaaring nasa mansyon ang mga kawal at mahigpit ang pagbabantay doon. Iniba ko ang aking ruta upang hindi nila matunton ang kinalalagyan ni Ginoong Pollo. Ikinararangal kong makilala sila pero ako ay magbibigay ng respeto sa kanya sa oras na magawa niyang sumunod sa aming pinag-usapan at sa kondisyon na hinihingi ko.

Nakalabas ako ng gubat na walang kahirap-hirap ngunit hindi sa likurang bahagi ng mansyon kundi sa maingay ng pamilihan ng Zeria. Makikita na nandoon ang mga mangangalakal ng bawat kaharian. May mga nagbebenta ng mga palamuti at kasuotan. Hindi mawawala ang sari-saring pagkain. Napapatingin sa'kin ang iilan dahil madumi at gusot na ang damit ko, napakamasukal kasi ang daan na tinahak ko palabas ng gubat.

Napadaan pa ako sa grupo ng mga kababaihan na pinapatalim ang kanilang mga espada at palihim pa silang tumatawa habang pinupukulan ako ng tingin. Umismid ako sa kanila at nilagpasan ang kanilang grupo. Mabilis kong nilisan ang lugar na iyon. Sumakay ako ng karwahe pabalik sa mansyon, alam kong nag-aalala na si Claudia sa kalagayan ko.

Sa aking pagdating ay mapapansin ang dalawang karwaheng nakaparada sa harap ng mansyon. Sa pagpasok ko agad kong nakita ang mga taong abala sa pagsusukat at may mga telang nakakalat.

Nakita ko si Claudia na kasalukuyang kinukuhanan ng sukat nang magtagpo ang mata naming ay mabilis siyang umalis doon at niyakap ako.

"Mabuti naman at ayos ka lang," puno ng pag-aalala ang tono ng kaniyang boses

"Diba sabi ko babalik ako ng ligtas?" Napansin ko kaniyang mata na may bumabagabag sa kaniyang isipan. "May problema ba?"

"Gusto kong tulungan mo ako sa disenyo ng aking trahe de boda. Marami silang pinakita sa'kin ngunit hindi ako makapili ng maayos, lahat kasi maganda ang pagkakadisenyo." Tumango ako sa kaniyang pakiusap kaya kumislap ang kaniyang mata sa pagpayag ko.

Hindi naiwasang mapatingin siya sa aking kabuuan at napatakip sa kaniyang bibig. "Saan ka nagsusuot at naging ganyan ang iyong ayos, maduming mukha." Napatingin siya sa ulo ko, "buhaghag na buhok at mayroon pang mga dahon nakasabit." Inalis niya ang mga ito sa buhok ko.

Napadako ang kaniyang tingin sa suot kong damit. "Lumangoy ka ba sa putik at nag-iba ang kulay ng iyong damit?"

Napakamot nalang ako ng ulo sa mga sinabi ni Claudia. Hindi ko na kasalan kung tanga ako at hindi ko nakita na may putik pala sa aking harapan habang patakbong umalis doon.

"Maligo ka nalang muna at magbihis." Tinulak niya ako pataas sa hagdan. Narinig ko pa ang mahina niyang hagikgik. Ganyan ba talaga ang magiging ugali ng babaeng ikakasal palaging nakangiti? Naalibadbaran ako.

Pagsapit ng gabi natapos ang lahat ng paghahanda para bukas. Sa malawak na gazebo mangyayari ang kasalan. Kanina ko pa napapansin na hindi pa nakakabalik ang Heneral at hindi narin napag-usapan ang nangyaring pag-atake.

Hating gabi na nang marinig ko ang pagdating ng sinasakyang karwahe ng Heneral hanggang sa may kumatok sa aking silid. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos pa at mabilis na binuksan ang pinto. Sumalubong sa'kin ang Heneral at si Claudia.

"Gusto kong malaman ang nangyari sayo sa kanilang kamay."

Pumasok kami sa kaniyang opisina, maraming libro sa paligid at sa kabilang dingding makikita ang mapa ng buong bansa at ang apat na kaharian. Napahikab pa ako sa kanilang harapan. Pwede naman yatang ipagpabukas nalang, sumasakit kasi ang ulo ko sa kakaisip paano ko kakausapin ang Kataas-taasang Hari.

"Nabalitaan ko ang kanilang tunay na sadya at ikaw iyon."

Nagising ang buo kong sistema nang magsalita ang Heneral. "Ano ang nais nila sa iyo Arzena?"

THE ROYAL DECREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon