Chapter 9: The Child Named Ravi

871 35 1
                                    

NAGISING ako nang maramdaman na may mahigpit na nakapulupot sa katawan ko. Nahihirapan akong huminga at kumilos. Sa pagbukas ng mata sumalubong sa'kin ang katawan ng malaking ahas na pumulupot sa buo kong katawan. Pinanatili ko na hindi gumalaw, ramdam ko na ang pangignig sa kaba. Kamalas-malasan pa ang kutsilyo ko ay nasa taas ng isang sanga. Masyadong mataas para maabot ko na nakaupo lang.

Sana lang ay hindi ako kagatin nito, patagal ng patagal kasi lalo humihigpit ang pagkapulupot ng demonyong ahas. Naramdaman ko ang kanyang pagalaw na ngayo'y magkaharap na talaga kami. Napalunok ako ng wala sa oras. Lumalabas ang mahaba niyang dila at litaw na litaw ang kanyang dalawang mahabang pangil. Bigla niyang ibinuka ang kanyang bibig at mabilis siyang kumilos palapit sa'kin.

"Ah!" Napasigaw ako sa sakit habang kagat-kagat niya ang aking leeg at unti-unti akong nawalan ng malay.

NARAMDAMAN ko ang sakit sa bandang leeg ko at bigat ng katawan, at sinabayan pa ng gutom at uhaw. Napasandal ako sa puno pero bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Hinawakan ko ang aking leeg at may nakadikit doon na dahon. Nilibot ko ang tingin sa paligid hanggang dumako ang mata ko sa kanan, walang pagdadalawang-isip akong napaatras at napatumba nang makita ang walang buhay na ahas malapit sa aking kinaroroonan. Pira-piraso na ang katawan nito at ang ulo ay parang hinulugan ng napakabigat na bagay kahit ang mata ay nakalabas na. Nangangamoy na ito at parang nagsimulang malanta.

Napatingin ako sa paligid ngunit wala akong naramdamang kahit anong paggalaw o presensya ng tao. Ang gamit ko ay nakalatag ng maayos, may abo ng kahoy at may halamang kagaya ng nakadikit leeg ko. Anong nangyari matapos akong mawalan ng malay? Sino ang taong nagligtas sa'kin? Ilang oras ba akong walang malay?

Lahat ng tanong na 'yon ay naglalaro sa isipan ko habang tahimik na tinatahak ang daan. Ilang oras akong naghintay maaaring kasing bumalik ang taong nagligtas sa'kin ngunit nabigo ako. Kaya napagdesisyunan kong magpatuloy nalang. Nakahilig ang aking ulo sa leeg ng kabayo. Hindi pa maayos ang pakiramdam ko at paminsan minsan ay nakakaramdam ng hilo at pagsusuka. Nagulat pa nga ako at may pagkain sa maleta at wala namang nawawalang bagay sa aking mga gamit. Kung sino man ang taong nagligtas sa'kin ay napakalaki ng utang na loob ko sa kanya.

Ilang ulit akong tumigil para magpahinga at umidlip saglit. Minsan pa ay umaatake ang sakit sa leeg ko.

Dumating ang gabi at sa pagod ako ay napahiga nalang sa malamig na lupa. Wala akong ganang kumain. Nangingnig ang buo kong katawan, epekto yata ito ng lason na dala ng ahas.

DUMAAN ang ang dalawang araw, unti-unti ng bumalik sa dati ang kong kalagayan. Kaya upang makabawi kahit gabi ay naglalakbay parin ako.

Sa kalagitnaan ng paglalakbay napatigil ako nang marinig ang isang mahinang pag-uusap. Nagtago ako sa gilid ng puno at natanaw ang dalawang grupo ng kalalakihan. Napapagitnaaan sila ng isang batang umiiyak.

"Ano kaba, napakababa na ng presyo ng batang ito, hindi mo parin tatanggapin?"

Parang bentahan ito ng tao. Sa damit ng lalaki ay galing siya sa Peoria at binebenta ang batang lalake sa isang taga ibang bansa dahil narin sa kakaiba niyang suot.

"Ginoo, iba ang usapan natin. Dalaga ang hinahanap namin ngayon hindi bata mas malala lalake pa." Nilabas nito ang dalang sandata at tinutok sa kabilang grupo.

"Ganito nalang sa susunod na araw, dalaga na ang ipapadala ko. Basta bigyan mo pa kami ng ilang araw na palugit."

"Sige, pagbibigyan kita ngayon ngunit kakaltasan ko ang perang ibabayad dahil lalo mong pinapahaba ang pananatili ko sa inyong bansa."

Matapos ang pag-uusap ay naghiwalay ang dalawang grupo at naglakad sa magkaibang direksyon. Itinulak ng taga Peoria ang bata at iniwan ito. Nang hindi ko na matanaw ang magkabilang grupo ay nilapitan ko ang bata at niyakap ito.

THE ROYAL DECREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon