Chapter 11: The Underground Prison

830 33 0
                                    

DINALA ako ng tagapagsilbi sa silid aklatan. Ilang saglit ay pumasok ang Hari.

"Ano ang gusto mong sabihin sa'kin Binibini?"

"Gusto ko lang pong bumalik ang dating Peoria. May dugo ako bilang isang Peorian kaya labis ang pagdadalamhati ko sa kasalukuyan nitong kalagayan."

Ngumiti siya ng mapait. "Hindi na maisasalba pa ang Peoria, Arzena. Kahit ang Kataas-taasang Hari ay wala ng pakialam sa kahariang ito. Wala na akong narinig na balita galing sa Royal Kingdom." Mababakas na masakit din sa kanya ang nangyayari sa sarili niyang kaharian.

"Hindi pa naman po huli ang lahat. May kapangyarihan po kayo para baguhin ang kalakaran ng inyong kaharian."

"Kung nandito lang sana ang aking kapatid." Mas lalong naging malungkot ang mukha ng Hari. "Isang hamak na taga sunod ako ngayon ng tagalabas. Nasa kanilang kamay ang aking pamilya."

Napatayo ako s kinauupuan dahil sa gulat. Kaya pala naging ganito ang kalagayan ng Hari, ang mga taong kaniyang magiging sandalan at tagasuporta ay wala sa kaniyang tabi.

"Labis na akong nangungulila sa aking anak at asawa. Wala na akong magawa kundi sundin ang mga utos nila. Naging hangal ako sa pamamalakad ng kaharian. Naging mabait ako sa tagalabas at hinayaan silang makapasok dito."

Kailangan ko atang makausap si Ginoong Pollo sa bagay na ito.

"Nabalitaan ko kay Pollo na nahahati na ngayon ang Sentro. May nag rebelyon sa kanya at gustong gumawa ng masama sa bawat kaharian. Nawalan narin siya ng kontrol kaya hanggang ngayon ay nakikipaglaban sila sa sarili nilang tagalabas. Kahit siya ay hindi niya maiglitas ang aking pamilya sa lakas ng impluwensiya ng rebelyong grupo. Malakas ang kutob niyang suportado ito ng isang makapangyarihang tao."

"Kailangan kong makausap si Ginoong Pollo ngayon din."

Inilatag niya ang pluma at papel sa aking harapan. "Isulat mo diyan ang nais mong sabihin at ang aking kalapati mismo ang maghahatid. Delikado kapag lalabas ka at tutungo sa sentro dahil nakakalat sa gubat at loob ng kaharian ko ang rebelyong grupo."

"Ilang kalapati ang meron kayo?"

"Hindi ko na mabilang."

Kumuha ako ulit ng mga papel at sinulatan ang tatlong kaharian. "May balita ka ba sa Zeria at Valeria ngayon?"

"Kamakailan lang ay kumalat ang balitang nakatakas si Haring Herrondale sa kamay ng Royal Kingdom. Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa sila. Wala pang pinapalit ang Kataas-taasang Hari ngayon sa inyong kaharian. Habang ang Zeria ay pinakakalat ang kanilang mga mandirigma at kawal para maproteksyunan ang bawat kaharian."

"Bakit wala akong nakitang kawal o sundalo dito?" Imposible namang hahayaan nalang nila ang Peoria.

"Hindi palang sila umaabot sa hangganan ay pinapatay na ng mga rebelde o 'di kaya'y sa mababangis na hayop."

Napasapo ako sa aking noo. "Nasa pamumuno ang buong Peoria sa mga rebelde, Arzena."

Tinungo namin ang pinakamataas na bahagi ng kastilyo kung saan namamalagi ang mga kalapati. Pinalipad sa magkaibang direksyon ang tatlong kalapati at panghuli ay ang liham panorte ang Royal Kingdom.

Matapos ang pag-uusap ay umalis ako na puno ng plano sa isipan. Para magawa ang plano kailangang makuha muna namin ang tugon ng tatlong kaharian. Sila nalang ang tanging makakaligtas sa Peoria ngayon.

Pagdating ko sa pamilihan ng Peoria ay marami na namang tao at nagsisiksikan. Bumili ako ng pagkain bago bumalik sa bahay nila Ravi. Habang pumipili ng preskong prutas napansin ko agad ang grupo ng kalalakihan na naglalakad sa gitna ng daan. Mabilis silang niyuyukbuan ng mga tao, pero dumapo ang tingin ko sa kanilang dala, may hila-hila silang mga katawan ng tao. Ang kanilang mga sandata ay naliligo sa dugo. Tinalukbong ko ang aking ulo at pasimpleng yumuko paupo.

THE ROYAL DECREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon